Chapter 4

46 9 7
                                    

Recess. Nagsilabasan na rin ang ilang mga estudyante para pumunta sa canteen.

Naiwan si Cashmere at ang natutulog na si Khen sa katabing desk. Naglalaro lang ng rubiks cube si Cashmere nang biglang may nagsipasukang grupo ng mga babae mula sa kabilang classroom papalapit kay Khen.

"Omg ang gwapo pa rin talaga niya kahit natutulog siya!"

"Dali picturan nyo dali!"

"Shocks mas lalo akong naiinlove!"

Pinagsasabi ng mga babae na parang 'di nakikita si Cashmere

"EHEM" pagsinghal ni Cashmere kaya't napatigil sa pagsasalita ang mga babae't napalingon lahat sila kay Cashmere

"Anong problema mo?" tanong ng isang babae

"Wala naman. Ang akin lang, baka hindi niyo magustuhan ang iaasal ng taong yan kapag nagising at naistorbo nyo ang tulog nya" mahinahong pagpapaliwanag ni Cashmere sabay ngiti sa kanila

"Ikaw nga ata itong nakakaistorbo sa pagtulog ni Khen! Bakit ka pa andito? Eh kung lumabas ka na kaya!" pag rereklamo ng isa pang babae

"Ha? Ako pa talagang pinapaalis nyo sa sarili naming classroom?" hindi makapaniwalang tanong ni Cashmere

"Hmp. Palibhasa kase walang nagkakagusto sayo, Cashmere. May itsura ka nga, hindi naman maganda ang ugali mo!"

Hindi na natiis ni Cashmere ang mga pinagsasabi ng mga babaeng 'yon kaya't padabog siyang tumayo at nilisan ang classroom nila.

Maangas niyang pinapatabi ang mga nasasalubong niya sa corridor.

"Ako pa itong hindi maganda yung ugali? Eh ni hindi nga sila pinaglalaanan ng tingin ng taong yun, TABI! DADAAN AKO!" bulong at sigaw niyang sinasambit habang naglalakad.

Habang pababa naman siya ay hindi niya inaasahan na makabangga.

"Bakit 'di kase tumingin—" napatigil si Cashmere at tinignan nang masama ang nabangga niya

"S-sorry..." paghingi ng paumanhin ni Jarin

Wala nang sinabi si Cashmere at muli na lang bumaba na mainit ang ulo sa hagdan.

"Parang galit nanaman sa mundo yung si Cashmere..." sambit ni Jeron sa kapatid, "Ayos ka lang ba?"

"Ah? Ah oo naman kuya, ayos lang ako" ngumiting pilit si Jarin sa harap ng kapatid kahit may nararamdaman siyang sakit. Hindi sakit na dahil sa pagkabangga ni Cashmere sa kanya, kundi sakit sa kalooban na hindi siya pinansin ng taong gusto niya.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon