Chapter 27

27 5 3
                                    

Nakahilata lang si Cashmere sa higaan ng kuwarto ni Percent. May kanya kanyang pinagkakaabalahan ang lahat maliban sa kanya.

Bumuntong hininga siya. Ang lalim ng iniisip.

Napalingat sa siya sa taong pumasok sa kuwarto, si Khen. Tahimik lang niyang pinapanood habang may hinahanap ito sa maleta niya.

"Anong hinahanap mo?" umupo na si Cashmere mula sa pagkakahiga

"Wala" tipid na wika lang ni Khen habang naghahanap pa rin

"Ano nga?"

"Wala nga..."

"Ang dami mo talagang hindi sinasabi sa akin noh?"

Tinignan ni Khen si Cashmere ng masama,"Manahimik ka na lang nga ulit dyan"

"Katulad na lang ng... may babae sa bahay niyo nitong nakaraang—"

"Sinabi ko na nga diba?"

"Hmm... may pakiramdam ako na kulang ang sinabi mo sa akin eh..."

"Bahala ka kung anong gusto mong isipin..." at nagpatuloy sa paghahanap ng gamit si Khen

"Gusto kong isipin ay... ikaw! Ay mali, lagi naman na talaga kitang iniisip—" napatigil si Cashmere sa sinasabi dahil nasa pinto si Percent, papasok rin sana sa kuwarto

Binigyan ni Percent ng di mapakaling tingin ang dalawa dahil sa narinig. Kumurap kurap lang ang mga mata nito at dahan dahan na lumapit sa cabinet niya upang maghanap ng masusuot.

Wala na kay Khen kung sa di inaasahang pagkakataon ni Percent nalaman na si Cashmere ang taong tinutukoy niyang gusto niya. Sobrang laki na ng tiwala niya kay Percent. Hindi lang talaga alam ni Percent kung paano siya magbibigay ng reaksyon tungkol sa relasyon ng dalawa dahil wala siyang kamalay malay na si Cashmere pala ang taong yun. At hindi pa ganun kapalagay ang loob ni Percent sa mainiting ulo na Cashmere na nakilala niya...

Pagtapos ni Percent maghanap ay agad rin itong kumaripas papalabas. Nahihiya siya sa dalawa, na baka nakakaistorbo ito sa kung ano man ang pinaguusapan nila

"Ang cute ni Percent, noh?" bahagyang napatawa si Cashmere,"Kuwarto niya ito, bakit parang siya pa ang nahihiya na pumasok?"

"...hindi niya pa kase alam..." sabat ni Khen

"Alam ang?"

"Hindi niya alam na ikaw ang taong tinutukoy ko sa tuwing nag-uusap kami..."

"Ahh... bakit naman siya mahihiya? Alam ko na rin naman na nagka-gusto siya kay—"

"Tumigil ka na at mamaya kung sino pa ulit ang makarinig sayo..." akma ng lalabas ng kuwarto si Khen,"... Atleast ngayon kilalala na ni Percent kung sino ang naghahabol palagi..." pagkatapos ay iniwan na niya si Cashmere

"W-what?! Ako? Laging naghahabol!?" di makapaniwalang humilata na lang ulit si Cashmere sa higaan

Sa kabilang banda, kaya naghahanap ng mga masusuot sina Percent at Khen, ay nagyaya si Jeron na maligo sila sa dagat.

Pangatlong araw na nila sa lugar nina Percent pero ngayon lang nila naisipang magtampisaw na sa dagat.

Nagtatalsikan nanaman sina Percent at Jeron ng tubig dagat pero kasali na sina Wan at Jarin, si Khen nag-iisa sa isang tabi na di kalayuan sa kanila, tahimik na lumalangoy langoy.

"Nasaan raw si Cashmere?" lumapit si Jeron sabay tanong kay Percent na siya namang kinakaba niya

"H-ha? Bakit mo s-siya hinahanap?" tanong pabalik ni Percent

"Wala lang, bakit hindi niya samahan si Khen ngayon ganun..."

"Ahh... wag mo na lang sila paki-alaman ha ha ha... baka ayaw ni Cashmere maligo sa dagat kaya ganun..." nahihiya si Percent na pag-usapan sina Khen at Cashmere kaya siya ganito

"Tss.. sa kanya ngang ideya na sumama sayo dito kase raw may dagat tapos siya pa itong wala? Teka... ayos ka lang ba?" nagaalalang mas lumapit pa si Jeron kay Percent

"Oo! Ayos lang ako, Jeron!" tapos umurong urong si Percent papalayo sa nagtatakang si Jeron

Susubukang samantalahin ni Percent ang pagkakataon na kausapin si Khen. Lumangoy siya palapit sa nag-iisang binata.

"Uy Khen bakit ayaw mong sumali sa amin doon?..." halatang nahihiya si Percent

"Ayos lang ko dito..." tugon ni Khen

"Ahhmm... yung kanina... na narinig ko ha ha ha huwag kang mag-alala, ligtas ang sekreto niyo sa akin, promise!" masayang ngumiti si Percent kay Khen

"Eh ano naman kung may ibang maka-alam?..."

"... Hindi ka ba natatakot sa pwedeng maging reaksyon at sasabihin ng ibang tao sa ganung relasyon?..."

"Hindi... Bakit ko ikakahiya ang taong mahal na mahal ko?..." ngumiti rin pabalik si Khen

"Whoa... bilib ako sa tapang mo Khen..."

"Matapang ako kase alam kong hindi rin ako ikakahiya ni Cashmere..."

"Pasensya na nga pala ulit kanina, hindi ko naman alam na nag uusap pala kayo—"

"Wala iyon, ayos lang sa amin, huwag kang mahiya o matakot..."

"Mahirap kasing hindi matakot at mahiya... lalo na kung may mga taong hindi pabor sayo..." naglalaro ng tubig si Percent sa palad niya

"Oo, tama ka, kase hindi naman lahat sasang-ayon sa'yo palagi... dahil yung iba nangingibabaw na mali iyon sa paningin nila. Bibihira lang sa iilan na makita ang napaka-gandang dulot nito lalo na sa mga tulad natin. Kaya ito ang tatandaan mo,  hanggat may pumapabor sayo... mababawasan iyang takot at hiyang nararamdaman mo... sapat pa rin para lumaban, tama ba ako?..."

Hindi alam ni Percent ang isasagot sa napaka-habag damdaming payo mula kay Khen kaya binigyan niya na lang ito ng napaka-higpit na yakap

"Uwaahh! Khen! Hindi ko talaga alam kung ano na ako ngayon kung hindi mo ako kinausap noon sa swing!" naiiyak sa saya si Percent

"Ahh... P-percent... pwede mo na akong bitawan.. baka magselos si Jeron oh nakatingin na sila dito..."

"Hahahaha akong bahala kumausap kay Cashmere kapag nagselos din siya ah" pagbiro ni Percent patapos kumalas sa yakap kay Khen

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon