Chapter 47

15 5 0
                                    

Isang Linggo ng hindi pumapasok si Percent. Walang nakaka-alam miski si Wan o si Jeron kung ano ang dahilan.

"Dumadaan ako doon lagi, parang wala talagang tao..." pagsimula ni Wan

"Wala rin siyang paramdam sa text or tawag ko sa kanya..." malungkot na sambit ni Jeron

"Kinakabahan ako... pakiramdam ko may nangyare..." naiiyak na niyakap ni Jarin ang bag niya

"Teka, baka may alam si Khen..." tumakbo palabas ng canteen si Jeron patungong rooftop

Hingal na hingal na lumapit si Jeron kina Khen at Cashmere

"Khen..."

"Kung may tatanungin ka tungkol kay Percent, wala akong alam" walang emosyong tugon ni Khen

"Hindi ako naniniwalang wala kang alam, Khen" susunggaban sana ni Jeron si Khen pero napigilan na siya ni Cashmere

"Teka lang, sinabi na nga niyang wala siyang alam di'ba?" pagbanta ni Cashmere na hawak na ang kuwelyo ni Jeron

"May alam ba kayo dito? Bakit parang di kayo nag-aalala sa kanya, ha? Ikaw, Khen! Kaibigan ang turing sa iyo ni Percent! Kaibigan ang turing namin sa inyo—"

"Huminahon ka nga muna, Jeron!!" lalong humigpit ang pagkapit ni Cashmere sa kwelyo, "Hindi purket sa tingin mo wala kaming ginagawa eh hindi rin kami nag-aalala sa kanya! You should thank us, naghire na kami ng investigators para lang mahanap si Percent at ang lola niya at kung bakit isang linggo na siyang wala sa kanila!"

"Sasabihin naman namin agad kung may lead na kay Percent eh... Hindi naman kami madamot, ayaw ko lang sabihin na hinahanap namin siya behind your backs dahil baka manliit ka sa sarili mo. I know you're still jealous of me when I'm around him!"

Humihinahon na si Jeron pero hindi pa rin siya kumibo, binitawan na rin siya ni Cashmere.

"Ideya ito ni Khen. Hindi mo alam kung gaano na rin kami nag-aalala sa kaibigan namin..." dagdag ni Cashmere

Yumuko si Jeron, "Pasensya na... Gusto ko lang naman na m-malanan na nasa maayos siya eh, namimiss ko na siya eh!" humikbi bigla si Jeron

"Haha, alam namin ang pakiramdam mo, bro~" bahagyang napatawa si Cashmere at tinapik tapik ang likuran ni Jeron

"Sabi na eh, miss mo na ng sobra kaya pati kami pag-iinitan mo pa hahahaha" tumawa na si Khen

"K-kase naman eh!!" nagpupunas na ng luha si Jeron

"Sige lang, iiyak mo lang lahat yan, sige lang haha" pagtapik pa rin ni Cashmere sa likod ni Jeron

Hindi rin kalaunan, dumating sina Wan at Jarin na hingal na hingal din

"Kuya..." hinahabol pa ni Jarin ang hangin niya, "Umakyat na kami... kase... parang ang tagal mo— Oh? Bakit ka umiiyak?"

"Hindi na nakatiis, namimiss na si Percent eh hahaha" pang-asar ni Cashmere

"Tigilan mo na nga ako! Sige na hindi na ako iiyak!!" tinulak tulak ni Jeron si Cashmere sa inis

"Ahh, Jeron.. yung pagkain mo tinake-out na rin namin baka nagugutom ka na kase—" naputol naman agad ang sinasabi ni Wan dahil hinablot na ni Jeron ang pagkain sabay takbo, iniwan na sila sa rooftop

"Ano bang nangyare at umiiyak si Kuya?" natatawang tanong ni Jarin kay Khen

"Inasar ni Cashmere hahaha" tumawa rin si Khen

"Hoy? Kung di ko siya hinarangan baka nasapak ka na nun noh! Talagang nangdidilim paningin ni Jeron sa atin paglapit niya eh!" pagtanggol naman ni Cashmere

"Gutom lang talaga yun si Jeron haha, tapos depressed na kakaisip kay Percent jusko" dagdag naman ni Wan

"Guys..." pag-singit ni Khen, "May lead na kay Percent, he's with his grandmother and his mother... in his hometown..."

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon