Magkasama si Jeron at si Percent, sa sariling kuwarto ni Percent. Kasalukuyan silang nagrereview para sa quiz kinabukasan.
Palitan ng ideya ang dalawa, tatahimik, tatawa at nasasamahan pa ng paguusap ng tungkol sa kung ano anong mga bagay.
Sa mga oras na iyon, ang gaganda ng mga ngiti nila sa isa't isa. Parang walang problema.
"Jeron..." pagsirang muli ni Percent sa katahimikan
"Hm?" tugon ni Jeron na hindi binabaling ang mga tingin sa katabi
"May itatanong ako sayo..." isang malambing na tono
"Ano iyon? May hindi ka ba ulit naintindihan?" patuloy pa rin si Jeron sa pagbasa
"Wala naman... May gusto lang akong malaman..." umurong ng bahagya si Percent kay Jeron sabay tapik sa braso nito
"Ano ba yung gusto mong malaman?" sa wakas ay nakatingin na si Jeron kay Percent na may napakalaking ngiti sa harap niya, "A-anong ngiti yan ha? Pacute ka nanaman diyan!"
Nag-pout si Percent.
"Hala, Percent haha biro langgg~ Sige ano ba yun? Sasagutin ko agad, promise" ngumiti si Jeron
"...mahal mo ba ako?" tanong na mula sa seryosong tono at mukha ni Percent
"HA?! A-ahhh... bakit mo naman biglang natanong yan?"
Hindi tumugon si Percent at tinitigan lang sa mga mata si Jeron, hinihintay ang sagot
"Oo naman... mahal kita, Percent" kahit nahihiya si Jeron ay sinagot niya na agad ng diretso ang kasintahan, "Matagal na kitang mahal... at kahit anong mangyari, mamahalin pa rin kita. Kahit ayaw mo sa akin, mahal pa rin kita. Mahal kita, mahal kita, Percent Azense..."
"Jeron..."
"Hm?"
"Sana huwag mong isipin na napipilitan lang ako sayo o dahil pinilit mo ako... mahal na mahal din kita" namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga ni Percent.
Natawa ng bahagya si Jeron,"Anong meron? Bakit bigla kang nagdadrama sa akin ha? May ginawa kang kasalanan noh?"
"H-hah?!! Ahh... w-wala ah! Ano... ano kase..." sobrang pula ng mukha ni Percent
"Sige lang, ano ba iyon? Hahaha hindi ako magagalit"
"May napanood kase ako k-kagabi... ahhmm... nakakahiya naman ito" sinubukan pa niyang magtakip ng libro sa mukha
"Teka ano? May napanood ka? Na alin?" natatawang inaalis ni Jeron ang libro sa nukha ni Percent
"Love story lang naman na drama sa tv yun... tapos ano... ahhhm..."
"Ano ngaaa~?"
Huminga muna ng malalim si Percent bago sabihing, "Natuwalangakosakissingscenedoontaposgustokorinsananagawinnatin—" napatigil siya at nagtago nanaman sa libro
"Teka? Tama ba yung narinig ko? Hahahaha"
"Bakit mo ako tinatawanan!!"
"Ang cute mo kase eh"
"Tsk... sana di ko na lang sinabi, alam kong di ka naman interesado—"
"Nagulat lang ako..." sumiryoso bigla ang tono ni Jeron, "Alam mo ba, sa totoo lang... gusto ko... I mean sa tuwing ganyan ka, nagpapacute saken... gusto kitang halikan..." nakaramdam na rin siya ng pagiinit ng pisngi
"H-hoy! Hindi ako n-nagpapacute s-sayo ah!!"
"...pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nahihiya lang akong gawin... dahil baka ayaw mo..."
"Je-jeron... ano... ahm... kahit ano man yun... b-basta ikaw... hinding hindi ako hihindi sayo..."
Nagkatinginan muna ang dalawa sa mga nangungusap nilang mga mata....
"Gusto mo ba talagang subukan?"
"...Uhum..."
Parehong namumula ang mga pisngi nila at nakangiting masaya sa isa't isa.
Naunang tumayo sa kinauupan niyang silya si Jeron at hinila na rin patayo ang kasintahan.
Kinulong ni Jeron sa mga braso niya sa baywang ni Percent. Si Percent naman ay nakatingin sa mga mata ng kaharap at kinulong rin ang mga palad niya sa pisngi ni Jeron.
Unti-unting naglalapit ang kanilang mga labi para sa kanilang unang halik.