Chapter 46

18 5 0
                                    

Wan's POV

Naiwan ako sa bahay, wala yung kambal eh, namili ng makakain para mamaya. Wala akong magawa...kaya humilata na lang ako sa may sofa.

Ilang minuto ang nakalipas, nakaramdam ako ng antok at nakatulog.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa kusina. Pagmulat ko si Jarin ang bumungad sa akin na naka-upo sa may harap ko.

"W-WAN!" nagulat siya at napatayo, tumakbo pabalik ng kusina

Napatawa ako ng bahagya, ang cute ni Jarin.

Tumayo na ako at inayos ang aking sarili. Pumunta akong kusina.

"Kanina pa ba kayo naka-uwi?" tanong ko, nakita kong nagulat nanaman siya

"Ha? Ahh... ako kanina pa ako naka-uwi... ano... si kuya... nakina Percent, mamaya pa ata siya susunod" tugon niya pero hindi niya ako nililingon, nakapagsimula na ata siyang makapag-luto

Lumapit ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo kanina sa tapat ko habang tulog ako?" teka wait, parang ang hangin ko pakinggan

"W-wala...." ramdam kong nahihiya siya

"Bakit ka tumakbo?"

"Wala lang din, yung ano kase... niluluto ko haha kumukulo na pala" gusto kong hulihin ang tingin niya, pero patuloy pa rin siya sa paghahalo ng niluluto niya

Sinubukan kong lumapit pa at niyakap siya mula sa likuran niya.

At sa pang-ilang pagkakataon, nabigla nanaman siya sa ikinilos ko.

Sinandal ko ang baba ko sa kaliwang balikat niya at pinagmasdan ang niluluto niya.

"W-Wan..." mahina niyang pagsambit sa pangalan ko

"Jarin..." bulong ko din

"Baka m-mapaso ka... ano... ahm... malapit naman na itong matapos..." hindi ako kumalas

Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya

"Jarin... Matagal naman na kitang nililigawan di'ba?" hindi ko alam kung bakit lumalabas ang mga salitang ito sa mga bibig ko

"Ahh... oo..."

"Hihintayin pa rin kita..."

Pagkasabi ko nun ay kumalas na ako sa yakap, nakakahiya ako. Ano na kayang iisipin ni Jarin sa akin? Baka magbago yung pagkakakilala niya sa Wan na nakilala niya!

ARGH!! ANO KA BA NAMAN KASE WAN! KUNG ANO ANONG KALOKOHANG BAGAY NANAMAN ANG NASA ISIP MO!!!

Napasapo ako sa noo ko dahil sa inis ko sa sarili ko. Nakakainis! Sobra!

"Wan..." napalingon ako, si Jarin, nasa sofa nga pala kase ulit ako

"A-ano yun, J-jarin?" bakit ako nanginginig?

"Hindi raw muna makakasabay si Kuya sa hapunan..." teka sandali, namula ba yung pisngi niya?

"Ahh pinakain na naman siya doon ng lola ni Percent siguro, haha" sige tawa ka lang, Wan

"At... tapos na rin akong magluto, pwede na tayong kumain..."

"S-sige"

Sa hapag kainan, magkatabi kami. Tanging batingaw lang ng mga kutsara't tinidor ang maririnig sa pagitan namin.

Ano ka ba, Wan! Kausapin mo naman si Jarin!!

"Jarin... pasensya ka na nga pala sa inasal ko kanina, masyado akong nagpadalos dalos... ni hindi ko man lang iniisip kung ano yung pwede mong maramdaman, dapat nga nirerespeto kita, at baka sa tingin mo minamadali kita—"

"Wan..." hala saglit lang, napatigil ako dahil hinawakan niya kamay ko!

"A-ah?!"

"Pasensya ka na din... kung pinatatagal ko pa ang paghihintay mo sa akin. Sa totoo lang, gusto na rin talaga kita. Hindi dahil sa mga bagay na binibigay mo sa amin ngayon ni Kuya... kundi dahil nakilala ko rin ang sarili ko dahil sayo..." humigpit ang hawak niya sa kamay ko, "Nahihiya pa nga ako sayo, Wan. Kase pakiramdam ko, wala akong kwentang babae para magustuhan mo at hintayin mo ng ganito kase... ano bang meron ako? Wala, wala akong mapapalit sa mga bagay na meron ka. Pakiramdam ko, hindi ako sapat para sayo—"

"Jarin..." pinatigil ko siya dahil lumuluha na pala ang babaeng pinakamamahal ko sa harap ko, "Huwag kang magsalita ng ganiyan. Wala akong ibang hinihiling na kahit ano sa iyo. Wala. At hindi totoo ang sinasabi mong wala kang kuwentang babae, para sa akin, napakahalaga mo at kaya dapat kitang ingatan at bigyan ng halaga. Sa una pa lang, hindi ako humihingi ng kahit ano sayo, Jarin. Ikaw, hinihingi kita sa kuya mo hahaha" napatawa ko rin siya

"Sira! Nakakainis toh! Ang seryoso na eh!" tapos hinampas hampas niya ako sa braso ko ng di naman kalakasan.

"Ayan! Dapat ganyan, nakangiti ka! Ang ganda ganda mo pag-nakangiti eh!" pinisil ko ang mga pisngi niya

"Salamat sa lahat, Wan. Salamat sa pagtanggap mo sa akin at sa kung ano man ako..."

"Wala akong batayan para mahalin ka..."

"Ang selfish mang pakinggan pero sana Wan, huwag kang magsasawang mahalin ako ah..."

Ngumuti ako at tumango. Umurong siya ng kaunti sa akin at kinulong ang mga pisngi ko sa maiinit niyang palad.

"Sinasagot na kita" tapos binigyan niya ako ng isang halik sa noo

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon