Kinabukasan, pumasok na rin sina Wan at Jarin. Wala namang nagbagong kakaiba sa dalawa. Hindi naman talaga sila nagpapansinan. Hindi naman sila ganun ka-close bukod sa relasyong pagiging magka-klase nila.
"Percent ang tahimik mo, nawala lang ako ng isang araw nako, namiss mo ba ako?" natatawang tanong ni Wan kay Percent
Napalingon si Percent kay Khen na nasa likuran lang nila at agad na binalik ang tingin kay Wan," Ah? Ha ha ha galing mo naman Wan. Asa ka, 'bat naman kita mamimiss. Mas masaya akong wala ka kase hindi ako gumagastos—" napatigil si Percent dahil sumimangot agad si Wan,"Biro lang~ isang araw lang naman sus, kung isang linggo baka oo mamimiss kita hahahaha"
Sa kabilang row, napatingin si Jarin kina Wan at Percent. Napansin rin ito ng kuya niya kaya napatingin rin siya doon.
"Kuya... Kamusta pala kahapon? Nag-uusap ba kayo ni Percent?" humarap na siya sa kuya niya
"Sakto lang. Syempre mas inaalala pa din kita kaysa unahin ang sarili—"
"Nako kuya, dapat sinamantala mo kahapon habang wala ako!" pinitik niya ang kuya niya sa noo
"Aray! Aba! Dapat nga magpasalamat ka kase inuuna ko pa din ang kapatid kong sakitin ajuju~" at pinitik rin niya ng mas malakas si Jarin sa noo
"ARAY KUYA!"
"Hahaha sinong nauna? Ikaw 'diba?!"
Aambang pipitikin ni Jarin si Jeron pero nakatayo na ito at tumakbo papalabas ng classroom
"Kuya ang daya mo! Mas malakas yung iyo!!" hinabol niya ang kapatid
Lumabas sa harap na pinto si Jeron at pumasok sa pinto sa likod ng classroom at di inaasahang nabangga niya si Cashmere na lalabas sana sa pintong iyon
"...s-sorry" paghingi ng paumanhin ni Jeron ngunit nilagpasan na lang siya ni Cashmere. Yumuko lang si Jarin nang lalampasan na rin siya nito
Natapos na ang klase. Masayang masaya ang mga estudyante dahil natapos nanaman ang huling araw na may pasok ngayong linggo. Dalawang araw nanaman na pahinga.
"YES! Mabuti at walang mga homeworks ngayon!" pagdiriwang ni Jeron
"Oo nga kuya! Aba dapat lang rin! Tapos next week finals na huhu" sambit ni Jarin at nag aayos na ng bag
"Percent!" narinig ng kambal na pagtawag ni Khen kay Percent kaya sabay silang napalingon sa kabilang row, "Oh, sa'yo na lang ito" nasaksihan ng kambal, ni Cashmere at ni Wan ang pag-abot ni Khen ng isang nakabalot na bagay kay Percent
"H-ha? 'Sakin? Binibigay mo..?" paalis na kase sana sila ni Wan
"Uhum, mas magagamit mo yan" nagulat ang mga nakakasaksi sa pag-ngiti ni Khen kay Percent
"Ah! Ha ha ha s-salamat! Khen!" nahihiya man, ay tinanggap pa din iyon ni Percent
"Walang anuman" pagsambit ni Khen ay padabog na inayos ni Cashmere ang upuan niya sabay labas ng classroom
Pagkatanggap ni Percent ay lumabas na rin sila ni Wan ng classroom na nagtataka sa nangyari.
Sinara ni Khen ang bag niya at sumunod na nilisan na rin ang classroom. Naiwan ang kambal at ang ilan pang classmates nila roon.
"Totoo ba 'yung nakita ko?" bulong ni Jeron sa kambal niya
"Alin dun kuya?" palabas na rin ang kambal sa classroom
"Madami. Kinausap ni Khen si Percent? Tapos binigyan pa siya ng kung ano man yun! Tapos ang liwanag na ngumiti pa siya! Anong ibig sabihin nun—"
"Ehem may nagseselos ayieee~" pangungutya ni Jarin sa kapatid
"Oo! Nakakaselos! Anong nangyari? Kailan pa sila naging mag-close? Itong si Khen, tatahimik tahimik lang pero may tinatagong kung ano naman pala! Bakit si Percent pa?!" binabagsak ni Jeron ang bawat paghakbang niya sa inis
"Kalma ka lang kuya hahaha. Baka naman close lang talaga sila hindi lang halata?"
"Ehhh!!! Hindi pwede! Hindi!!!"
-----
"Kailan pa kayo naging mag-close ni Khen?" hindi matiis na magtanong ni Wan sa kaibigan
"Hindi kami c-close—"
"Tss, isang araw lang ako nawala? Grabe? May bago ka na agad na kaibigan? O baka gusto ka talaga ni Khen maging kaibigan tapos sinamantala niya na wala ako? Grrr kung gusto niya makipag-kaibigan, bakit hindi pa noon?" padabog na hinahakbang rin ni Wan ang bawat pagtapak niya sa kalsada
"Kalma ka lang, Wan hahaha. Ako rin naman nagulat sa ginawa niya. At tignan mo oh! Kumpletong set ito ng guitar strings oh~ Wow!!" masayang binuksan ni Percent ang supot
"Tignan mo! Paano niya nalaman na tumutogtog ka? At tsaka gitara pa talaga? Grr ayaw ko talaga sa Khen na yan!"
"Kalma ka lang Wan. Binigyan lang naman ako ng strings, yun lang at wala ng iba..." natatawa na lang si Percent
"Ngumingiti rin siya sayo kanina!"
Napaisip si Percent," ... baka pasasalamat niya ito 'sakin dahil kahapon" bulong niya
"Ano?!"
"W-wala hahaha huminahon ka lang kase Wan!"
-----
Napatigil si Khen sa harap ng bahay nila dahil naroon si Cashmere sa pinto, mukhang inaabangan siya.
Hindi nagbago ang blangkong ekspresyon ni Khen at binuksan ang pinto na parang hindi napapansin si Cashmere sa gilid niya.
Dire-diretso lang rin siyang pumasok at tinanggal ang sapatos. Hindi niya alam, pumasok rin si Cashmere at agad na sinara ang pinto.
Tinulak ni Cashmere si Khen sa pader at hinarang ang dalawang braso upang makulong roon si Khen.
"Anong ibig sabihin ng kanina, ha?" mariin na tanong ni Cashmere at rinig ang mabibigat na paghinga nito sa harap ni Khen
"Wala" maikling tugon ng binata, ni hindi talaga nagbabago ang hindi mabasang ekspresyon nito sa mukha
"Ginagawa ko lahat ng gusto mo, Khen. Huwag mo akong subukang mapuno sa'yo..." halata sa tono ni Cashmere na nagpipigil itong magalit
"Tumanaw lang ako ng utang na loob sa tao, yun lang. Masama ba iyon?"
Sinuntok ni Cashmere ang kanang kamao sa pader. "Kailan ka pa tumatanaw ng utang na loob sa tao, ha? Bakit? Anong ginawa niya sa'yo? At isa pa, Khen! Nakita kong nginitian mo pa si Percent! Ni hindi mo nga ako magawang ngitian ng ganun—" pinutol ni Khen ang sinasabi ni Cashmere gamit ang isang halik