Chapter 19

28 7 13
                                    

Araw ng Sabado. Araw ng napagplanuhan ng anim na magreview sa papalapit na finals sa bahay ni Khen.

"Oh Jeron? Nasaan si Jarin?" nasa bahay na ni Khen si Percent at siya ang nagbukas ng pinto para kay Jeron

"Ahh susunod na lang raw siya. Bumili ng makakain natin" masayang pumasok si Jeron sa loob dahil napaka-gandang bungad ang pagsalubong sa kanya ni Percent,"Ahh... Si Wan? Hindi sumama?"

Napansin ni Jeron na si Cashmere pa lang ang naka-upo sa isang sofa. Tumabi siya kay Percent na naglalabas ng mga babasahin sa lapag.

"Kanina pa kami ni Wan dumating, sumama siya kay Khen na namili rin ng makakain natin eh hahaha" nag-giggle si Percent ><

"Whoa! Ang dami nating pagkain yes! Hahaha" tumawa rin si Jeron

Hindi nila alam, kahit nagce-cellphone si Cashmere ay nakikinig ito sa usapan ng dalawa.

Samantala, nakasabay na nina Khen at Wan si Jarin pabalik.

"Oh? Namili rin pala kayo?" panimula ni Jarin

"Ahh oo, wala na raw kaseng stocks si Khen sa bahay nila. Naalala niyang ang rami nga pala natin ngayon" pagsagot ni Wan, si Khen tahimik lang

"Namili rin ako eh, nauna na si Kuya. Andoon na ba si Percent?"

"Oo, magkasabay kami"

"Talaga~?" unti-unting napangiti si Jarin dahil sa naisip. Magkasama na ang kuya niya at ang future ng kuya niya

Pagdating sa bahay ni Khen ay nag-asikaso muna sila ng makakaing agahan maliban kay Cashmere na pinapanood lang sila.

"Magaling akong mag-omelet!" sambit ni Jeron

"Mas masarap ang Japanese Omelet ko!" paglaban ni Wan

"Ay! Yung akin! Sunny-side-up lang yung akin!!" —Percent

"Ay nako! Huwag niyong paglutuin yan si Kuya! Wan, ikaw na, masusunog lang itong bahay nako, kuya alis ka na dyaan!" —Jarin

Nagkakagulo ang apat samantalang tahimik na gumagawa ng inumin si Khen. Napapailing lang ito at palihim na napapangiti sa mga kasama niya sa kusina.

Napansin iyon ni Cashmere dahil kanina pa siya pinapanood nito. Lumapit siya kay Khen at sinubukang tumulong.

"Bitaw" hinampas ni Khen ang kamay ni Cashmere na nahawakan na ang isa sa mga ice cubes

"Aray— bakit? Tutulong na nga ako eh!" Pagrereklamo ni Cashmere dahil nasaktan ito sa hampas

"Hindi ka pa naghuhugas ng kamay mo" at pilit niyang tinutulak si Cashmere papalayo sa ginagawa niya, nakita nga rin niyang namula ang kamay nito

"Tsk, parang yun lang kailangan pa akong saktan... pasalamat ka at..." nilingon niya ang apat na kasalukuyang pinapanood pala sila,"Anong tinitingin tingin niyo?" maangas na tanong niya

Tahimik pa rin si Khen pero hahayaan na lang nga niyang tumulong ang pasaway na Cashmere.

Agad rin na kumilos ulit ang lahat. Nagpatuloy sa pag-aagawan sa kalan ang apat. Naghugas na ng kamay si Cashmere at tumulong na kay Khen.

Isang masayang umaga sa kusina na hindi madalas gamitin ngunit nabigyang buhay muli ng anim nating mga pangunahing tauhan.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon