Chapter 21

38 6 10
                                    

Sa bahay ni Khen. Magkatapat na nakaupo sina Percent at Khen sa magkatapat na sofa.

Hinihintay lang ni Khen ang itatanong ni Percent sa kanya, ang problema ay hindi kase alam ni Percent kung paano siya magsisimulang magtanong.

"Sige lang, ano ba 'yong itatanong mo?" kalmado lang si Khen

"...paano ko ba 'toh sisimulan.. ahhm..." halata kay Percent na tensyonado at hindi ito mapalagay

"Ano ba ang gusto mong malaman?"

"Humihingi muna ako ng sorry sa'yo ngayon kase ano... feeling close na ako agad sa'yo... at napapadalas pa ata ang pagpunta namin dito at... feeling ko nakakaistorbo—"

"Ano ba iyong itatanong mo?" pagputol ni Khen kay Percent

Bumuntong hininga muna si Percent bago magsimula,"Si Jeron ba 'yong tinutukoy mo na... may gusto sa'kin...?" nahihiya pa siyang sambitin yun

Nginitian lang muna siya ni Khen,"Paano si Wan? Hindi mo na ba siya gusto?"

"T-teka! P-paano mo... nalaman?!"

"Naobserbahan ko lang sa mga galaw mo. Nasa likuran nyo lang ako, at minsan naririnig ko rin ang mga usapan nyo"

"Hayy... hindi ko alam kung bakit sa'yo ko ito gustong itanong... para kasing... komportable ako kung sa'yo ko nga ito sabihin..."

"Paano mo nasabi?"

"...feeling ko pwede kitang pagkatiwalaan tungkol dito at baka matulungan mo rin ako—"

"May tanong ka pa ba?"

"H-ha? Ahh... Paano mo nga rin pala nalaman na may...gusto nga sa'kin si Jeron?"

"Sa kapatid nya na mismo galing yun"

"Ahh hahaha ganun ba? Ahmm... Wala ka bang naisip nung nalaman mo yun?"

"Naisip na alin?"

"K-kase lalaki si Jeron—"

"Di lang naman kayo nag-iisa eh" isang di inaasahang pag-amin ni Khen

"Ang ibig mo bang sabihin ay...?"

"Kagaya nga ng sinabi mo noon, nagkataon lang na lalaki rin siya... Tss, 'di ko rin alam kung bakit pero, oo, may nagugustohan rin akong lalaki"

"Whoa... Hindi ko ito inaasahan sa'yo Khen... Ang tahimik mo kase" ngumisi si Percent

"Pagbibigyan mo ba si Jeron gaya ng sabi mo rin noon?" si Khen naman ngayon ang nagtanong

Tinignan muna ni Percent si Khen sa mga mata nito,"Uhum... Susubukan ko... Alam ko kase sa pakiramdam ang hindi masuklian ng taong gusto mo ang nararamdaman mo eh... Kilala ko naman si Jeron eh. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya"

"Mas kilalanin mo pa, para alam mo kung sa kanya ka na sasaya..." dagdag ni Khen

Napangiti si Percent sa nasambit ni Khen,"Bakit? Alam mong sa kanya ka na rin ba sasaya?" pang-iintriga ni Percent

"Hindi ko pa alam... pero... sumusugal ako para sa kanya..."

Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa na nagkapalagayan agad ng loob dahil sa parehong sitwasyong hinaharap nila.

Halos kakadilim pa lang ng langit. Nagpasya ng umuwi si Percent. Muli nanamang nabalot ng katahimikan ang bahay ni Khen dahil sya nanaman ang mag-isang naroon.

Pero iyon ang akala niya. Pag-akyat niya sa kuwarto niya, agad siyang hinila ng pamilyar na init ng palad sa kanyang braso at agad siyang naisandal sa pader. Muli nanaman siyang nakulong ni Cashmere sa mga nakaharang na braso nito.

"Narinig kong lahat 'yon" panimula ni Cashmere

"Umuwi ka na, may pasok pa bukas—"

"Hindi ko kayo maintindihan"

"Wala ka namang dapat na intindihin pa, umalis ka sa harap ko" mariing utos ni Khen.

Kahit alam niya sa loob niya na sinisigaw na ng puso niya ang taong nasa harap niya, ayaw pa rin niyang tuluyang mahulog dito. Natatakot pa rin si Khen na baka kapag binuhos nanaman niya ang buong atensyon niya kay Cashmere ay lolokohin lang rin siya nito. Natatakot siyang mangyari ulit ang naranasan niya sa iisang babaeng minahal niya, hiling niya'y huwag rin sana sa nag-iisang lalaking susubukan niya pa lang ring mahalin.

"Hindi mo pa alam kung sa'kin ka sasaya o hindi? Pero sabi mo sumugal ka na? Ang gulo-gulo..." seryoso niyang kinakausap si Khen

"Sorry, Cashmere—"

"Hindi mo talaga malalaman Khen dahil sa totoo lang ako ang sumusugal dito... Lagi kong inaamin na gusto kita. Sorry din, mahal na rin kita, tapos ano? You're always rejecting me..."

Hindi makapagsalita si Khen sa harap ni Cashmere. kitang-kita nanaman nito ang totoong nararamdaman ni Cashmere para sa kanya.

Tama naman talaga si Cashmere. Laging ganito. Nabubuhayan siya kapag binibitawan ni Cashmere ang mga ganung salita sa kanya pero may pag-aalinlangan pa rin siya kaya hindi nya rin lagi alam kung ano ang itutugon roon. Lagi niyang pinipili na ipakitang wala siyang pinipiling sagot at sabihin.

Gusto niya si Cashmere pero. Gusto niyang yakapin si Cashmere pero. Tumutugon siya sa mga halik ni Cashmere pero. Marami siyang pagdadalawang isip.

"Umamin ka na nga Khen kung gusto mo rin ba ako o hindi? Kase minsan hindi rin talaga kita maintindihan"

"Oo.." sa wakas ay nagkalakas na ng loob si Khen na magsalita

"Teka ano? Oo? Oo saan?" gulong gulo talaga si Cashmere

"Oo... gusto kita—" naputol agad ang sasabihin ni Khen dahil muli nanamang nakulong ni Cashmere ang nga labi niya

Pakatapos ng halik,"Kapag ako ang nag-number one sa ranking list natin bukas, wala ka ng angal, tayo na. Hindi na kita kailangan pang ligawan o ano, gusto ko ang kondisyon ko naman ang masusunod" sabay ngumisi si Cashmere kay Khen,"Akin ka na simula bukas kasabay ng pag-angkin ko sa puwesto mo"

Nakahinga na ng malumanay si Khen nang umalis na rin sa wakas ang pinaka-malokong taong nakilala niya sa buong buhay nya na si Cashmere Hazier.

Binagsak niya ang sarili sa higaan. Nakatingin sa kisame at inaalala ang mga nangyari kanina lang sa kanila ni Cashmere.

Ang bawat binibitawang salita nito ay nasa utak niya na patuloy nya pa ring nadirinig.

Pakiramdam ni Khen na para siyang nabunutan na ng napakalaking tinik sa lalamunan nang umamin siya kay Cashmere. Hindi kasi talaga siya magaling sa pagpapakita ng ekspresyon at nararamdaman sa isang tao.

Mabuti na lang at pasaway talaga si Cashmere. Kahit natatakot pa rin siyang tuluyang mahulog ang loob sa binata ay nagsisimula na rin itong nabawasan.

"Magtiwala ka lang ulit Khen..." sambit ng binata sa sarili

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon