Chapter 8

28 10 6
                                    

Nabigla sa pag-gising at pag-bangon si Khen dahil sa ingay mula sa labas ng kuwarto niya.

May bumabato sa bintana niya mula sa labas.

"Ano bang—" pagbukas niya ng bintana ay nagulat siya sa taong nasa tapat ng bahay nila

"Pwede ba akong maki-inom ng tubig na malamig?" nakangiting tumingala si Cashmere

"Huwag mo akong subukan, Cashmere. Hindi ako natutuwa" agad na sinara ni Khen ang bintana, bumalik rin siya sa higaan

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay nakarinig siya ng bumagsak sa semento. Napatayo muli si Khen at sumilip sa bintana.

Bumungad sa kanyang harap si Cashmere. Pinatabi si Khen at pumasok mula sa bintana.

"Anong laro nanaman ba 'toh?" halata sa tono ni Khen na naiinis siya

"Mukha ba akong naglalaro?" ngumiti lang si Cashmere at agad na lumabas ng kuwarto ni Khen.

Bumaba sa hagdan si Cashmere at inobserbahan ang buong bahay nina Khen bago tumungo sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.

"Lumabas ka na" sinundan pala siya ni Khen

"Wala nanaman ang mga magulang mo? Hayy, nakakalungkot ang mag-isa, sige payag akong dito matulog ngayong gabi" hinugasan ni Cashmere ang baso

"Cashmere, tigilan mo na ito" pinatay ni Khen ang gripo

"Naki-inom ako so dapat kong hugasan ang ginamit kong baso" ngumiti ulit si Cashmere at binuksan ang gripo

Hinayaan na lang ni Khen si Cashmere at muling umakyat sa kanyang kuwarto. Humiga at sinubukang matulog na ngunit...

"Wala na akong trabaho simula bukas panigurado" pagsisimulang magsalita ni Cashmere habang inaayos ang sofa sa gilid ng higaan ni Khen

Hindi kumibo si Khen at nagtalukbong ng kumot

"Natatawa nga ako kay Jarin eh. Hindi ko alam kung bakit siya nandoon tapos habang pinapagalitan ako ng boss ko bigla ba namang sumali hahaha. Tapos ang daldal talaga dapat raw sinapak ko yung boss ko—"

"May gusto siya sayo..." pagsapaw ni Khen sa pagsasalita ni Cashmere

"Ha?"

"Gusto ka ni Jarin" muling sambit ni Khen sa loob ng kumot

"Si Jarin? Hahahaha may gusto sa akin? Eh ano naman ngayon? ... Ikaw ang gusto ko... Khen"

Nabalot na ng katahimikan ang buong kuwarto. Humiga na sa sofa si Cashmere at nakatulog na rin agad dahil sa pagod.

Si Khen ay hindi pa din tulog sa ilalim ng kumot. Ilang sandali rin ay dahan dahan niyang sinilip si Cashmere, napangiti si Khen at nakatulog na rin.

Kinaumagahan, nagtaka si Cashmere nang magising siyang may kumot na nakatakip sa buong katawan niya.

Nilibot niya ang paningin sa buong kuwarto pero wala na si Khen. Nakasabit na uniporme at pants na lang ang naroon.

"Tss, pumasok ng maaga para lang iwasan ako" bahagyang ngumiti si Cashmere at nag-ayos na ng sarili para pumasok

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon