Chapter 11

19 7 6
                                    

Sa bahay ni Khen. Nakatitig lang si Cashmere kay Khen habang nagbabasa ito ng libro

Magkatapat silang naka-upo sa magkatapat na sofa sa living area ng bahay.

"Ang galing ng cycle ninyo noh?" sinarado ni Khen ang binabasang libro at binasag ang katahimikan sa pagitan nila ni Cashmere.

"Cycle? Niyo?" nagtaka naman si Cashmere sa sinabi ni Khen

"May gusto si Jeron kay Percent. May gusto si Percent kay Wan. May gusto si Wan kay Jarin. May gusto si Jarin sayo—"

"Tapos may gusto ako sayo" ang laki ng ngiti ni Cashmere,"Kaya para masira ang cycle, dapat ako ang gusto mo"

"Parang gusto kong magustuhan si Jeron. Mas matino siya sa'yo—" hindi na natapos ni Khen ang sasabihin niya dahil natulak na siya ni Cashmere papahiga sa sofa

"Ako lang ang dapat magustuhan mo" mariing sambit ni Cashmere habang naka-ibabaw ito kay Khen

"Mas maraming good qualities naman si Jeron kaysa sa'yo, kaya dapat lang—" natigilan muli si Khen dahil nilapit ni Cashmere ang mukha niya sa binata

"Subukan mong ikumpara pa ako kay Jeron o hahalikan kita ngayon dito" paghahamon ni Cashmere

Nag-smirk lang si Khen at tinignan ng diretso si Cashmere sa mata.

"Paaminin mo si Jarin na gusto ka niya sa harap mo at ireject mo siya, saktan mo ang feelings niya" walang emosyong paghahamon pabalik ni Khen kay Cashmere

Ngumisi rin si Cashmere sa kanya,"Gusto mo ngayon na?"

Sa kabilang banda naman. Nakasakay na sa bus pauwi sina Wan at Percent.

"Percent..." pagtawag ni Wan kay Percent dahil tahimik lang ito

"Hm?" matipid na tugon naman ni Percent

"Galit ka ba?"

"Ha?" binigyan niya ng nagtatakang tingin si Wan,"Bakit naman ako galit?"

"...kase"

"Kase?"

"Yung sa nangyari kanina..."

"Wala yun, Wan. Nag-alala lang ako kase napa-away ka kay Cashmere, hindi pa natin alam ang kaya niyang gawin. Baka nagsuntukan na kayo—"

"Sorry talaga, Percent. Gusto ko lang sana na—"

"Magpapansin kay Jarin? Oo, kita ko nga rin kung paano tignan ni Jarin si Cashmere habang naglalaro kanina eh. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo... baka gusto ko nga rin na mapansin rin niya ako, pero sa puntong makikipag-kumpitensya ako sa taong gusto ng gusto ko... siguro mali na yun, Wan... Walang kasalanan si Cashmere, walang kasalanan si Jarin. Ikaw ang—"

"Alam ko... masyado na akong nag-ooverthink dahil iba ang gusto ni Jarin... kasalanan ko..."

"Uhum.. naiintindihan kita, Wan. Wala yun, basta sa susunod, pag-isipan mo muna ang mga gagawin mo ng mahinahon" nalingat si Percent sa kakasakay na babae ng bus," Ahhm.. Wan... si Jarin oh" sabay turo sa babaeng kakaupo lang sa bandang harap

"Oo nga ano... Saan siya pupunta? Bakit di niya kasama ang kuya niya?..." tanong ni Wan

Hindi na lang kumibo si Percent dahil ayaw niyang masaktan lang ang sarili niya.

Nakatitig lang si Wan kay Jarin buong byahe. Maya-maya pa ay pumara na ito para bumaba.

Matapos ang sampung segundo, sumunod pababa ng bus si Wan. Naiwang mag-isa si Percent sa bus.

Nagsimulang mamuo ang ilang luha sa gilid ng mata ni Percent. Malungkot siyang bumyahe pauwi at napulot ang keychain sa bag na nahulog ni Jarin.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon