Lunes, nasa library ulit ang buong klase. Nasa iisang study table ang anim nating bida. Narito sila para sa revisions at para dagdagan ang natapos nilang research noong nakaraang linggo.
"Percent..." pabulong na pag-tawag ni Khen sa katabi niya
"Hm?" lumingon si Percent kay Khen at tinanggap ang inaabot na papel ni Khen sa kanya
"Ano 'yan?..." napansin rin kase ni Jeron ang bulungan ng dalawa
"T-teka basahin ko muna..." nakasulat sa papel na niyayaya siya ni Khen na mag-review sa darating na sabado
"Hoy Khen!" pilit na inabot at kinalabit ni Jeron si Khen kahit nasa pagitan nila si Percent
Nilingon lang siya ni Khen.
"Sama ako!!" mariing sambit ni Jeron, sapat para marinig ito ng iba pang nasa lamesa
"Sama saan?" tanong ni Jarin na nasa kabilang tabi ni Khen
"Sa bahay..." tipid na sagot lang ni Khen
"Hala... bakit? Anong meron? Sama rin ako..." pabulong na paki-usap ni Jarin
"Ikaw ang bahala..." pag-payag ni Khen at nagpatuloy sa ginagawa
Ilang munuto pa lang na natahimik sa lamesa ay kinalabit ni Cashmere ang katapat na si Khen.
"Psst.. anong meron?" binaba ni Cashmere ang binabasang libro ni Khen
"Saan?" blangko lang ang mukha ni Khen
"Ano yung pinag-uusapan niyo kanina?" nakiki-isyoso rin ang katabi niyang si Wan na kunwari ay nagbabasa pa din
"Wala"
"Ano nga?" pangungulit pa ni Cashmere
"Hindi ka naman interesado doon..." nasa kanila ang atensyon ng iba pang naka-upo sa lamesa
"Ano nga 'yon?" patuloy sa pangungulit si Cashmere
Binigyan lang ni Khen si Cashmere ng tingin na kung susubukan niya pang manggulo ay papatulan niya na ito.
Walang nagawa rin si Cashmere kundi kulitin na lang ang katabi niyang si Percent. Binaba rin nito ang binabasang libro.
"Ano iyong binigay niya sayo? Akin na" mariing pag-utos ni Cashmere kay Percent
"A-ahh... Ano k-kase"
"Ibigay mo na"
Tinignan ni Percent si Khen at inabot kay Cashmere ang papel na binigay niya rito.
Pagkabasa ni Cashmere ay nilukot niya ito,"Sasama ako" sambit ni Cashmere at tumayo, iniwan ang lima na hindi na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa
Lunch break. Habang nakapila sina Wan at Percent para bumili ng makakain ay nagtanong si Wan sa kaibigan.
"Anong nakasulat sa papel na binigay ni Khen sa'yo at parang nagalit si Cashmere?" panimula ni Wan
"Ewan ko kung bakit parang nainis nga si Cashmere, pero niyayaya lang naman ako ni Khen na sabay magreview sa Sabado..."
"Pwede ba akong sumama?"
"Sige lang. Feeling ko ayos lang naman yun kay Khen. Kaibigan naman kita eh..." iba ang tono ang pagbigkas ni Percent sa salitang 'kaibigan'
Nakaramdam ng panliliit sa sarili si Wan. Bumili na lang sila ng makakain at magkasama pa ring nananghalian sa cafeteria.
Sinusubukan na ni Percent na tigilan ang nararamdaman para sa kaibigan. Kaya ganito na lang rin ang mga kinikilos niya pero hindi ibig sabihin na ititigil niya ang pagkakaibigan nila ni Wan. Ayos na sa kanya ang pagiging kaibigan lang para kay Wan.
Masyado lang naninibago si Wan sa mga kinikilos ni Percent kaya nalulungkot ito sa sarili na baka ayaw na siyang maging kaibigan ni Percent. Ayaw rin naman niya na masayang ang pagkakaibigan nila nito.
Nasa rooftop nanaman sina Khen at Cashmere. Doon sila nagpapalipas ng oras.
Tahimik lang si Khen habang kinakain ni Cashmere ang lunchbox na mula sa fangirls niya.
"Alam mo, ayos rin pala itong mga babaeng sunod ng sunod sa'yo eh. Simula ngayon payag akong tanggapin mo na yung mga binibigay nila pero dapat alam ko kung ano yung mga yun ah!" pagsasalita ni Cashmere kahit may laman ang bibig
"Ikaw ang bahala..." tipid lang na tugon ni Khen
"Akala mo nakalimutan ko na iyong kasalanan mo sa'kin kanina?! Aba! Bakit kino-close mo si Percent? Kailan ka pa nakikipag-usap sa kanya? Akala mo di ko napapansin na madalas ka ring tumitingin sa kanya ah!" kahit naiinis ay patuloy si Cashmere sa pagkain
"Tinutulungan ko lang siya na mapalapit kay Jeron..."
"Bakit naman? Hindi mo naman obligasyon na—"
"Pwede ba? Huwag ka na lang maki-alam sa gusto kong mangyari? Kaya hindi kita niyayang mag-review dahil alam kong hindi ka naman nag-aaral, kaya di mo na kailangan 'yon... at isa pa, baka manggulo ka lang—"
"Teka! Please! Pasamahin mo na ako, Khen. Promise. Hindi ako manggugulo sa inyo!" nagtaas pa ng kamay si Cashmere at nilagay sa dibdib
"... kahit kasama rin sa Jarin?"
"Wala akong paki-alam— teka... nagseseslos ka ba?" ngumisi si Cashmere kay Khen
"Huwag ka ng umasa..."
"Ayiiee naman nagseselos siya saken hehehe" hindi niya na ginulo pa si Khen at masayang inubos ang pagkain
Samantala, kakabalik lang sa classroom ng magkapatid at padabog na umupo si Jeron sa desk niya, tinatawanan naman ni Jarin ang kapatid niya
"Nakakahalata na talaga ako sa Khen na 'yan! Ano bang kailangan niya kay Percent? Bakit niya niyayaya na mag-review? Sa bahay niya pa? Tapos ano? May gagawin silang iba—"
"Kuya ah, ang oa mo na masyado ah. Pumayag na nga siya na sumama tayo tapos ganyan pa iisipin mo sa tao... Tsk tsk bad yan kuya. Feeling ko gusto lang talaga ni Khen na makipag-kaibigan kay Percent, yun lang at wala ng iba..." paglilinaw ni Jarin
"Ang weird na kase talaga ng mga kinikilos niya..." nag-pout si Jeron
"Siguro dapat kuya, medyo gumalaw galaw ka na rin para sa nararamdaman mo kay Percent hahaha, nakooo ang cute ng kuya ko ohh~" pagkutya ni Jarin
"Tss, basta ikaw ah. Pagkailangan mo naman ng tulong at kung may tanong ka tungkol kay Wan. Andito lang ang kuya para sa'yo ah! Siguro mga 1/4 na kitang pinagkakatiwala kay Wan hahahaha"