Chapter 36

15 5 4
                                    

Nasa apartment ni Cashmere si Percent ngayon.

"B-bakit hindi si Khen ang tinawagan m-mo?" halata kay Percent na nag-aalala ito kay Cashmere habang tinutulungan na asikasuhin ang sarili

"Hindi... Huwag... Ayaw kong makita niya ako na ganito ang sitwasyon ko..." sambit ni Cashmere at umubo ito

"Ang taas ng lagnat mo, Cashmere! Ano bang nangyare?" hindi rin mapakali si Percent sa nanghihinang si Cashmere

"K-kaya nga ikaw talaga ang tinawagan ko eh... Kailangan kitang maka-usap..." at umubo ulit

"Hm? Tungkol saan ba? Kinakabahan naman ako sayo..." :<

"Ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa ngayon..." nakapagpalit na rin ng pantaas si Cashmere, umayos na siya ng higa,"Aalis ako..."

"Ha?!" napa-ayos ng upo si Percent sa gilid ng higaan ni Cashmere

"Please take care of Khen for me..."

"A-ano bang sinasabi mo?..." :<<

"It's a long story pero sige, I'll try to tell you..."

"Uhum...sige lang makikinig ako..."

"Alam na kase ng Mom ni Khen na may relasyon kami. At kinausap ako ng Mom niya kahapon, we talked and even argued... gusto niya na layuan ko na si Khen..." huminga saglit si Cashmere,"Ako na lang lalayo para hindi ilayo si Khen sa akin..." sa loob loob ni Cashmere, medyo nahihiya siya na sabihin ito

"Huwag ka namang ganyan... edi ikaw ang napalayo kay Khen? Paano naman siya? Malulungkot si Khen... tapos... Mamimiss ka niya... tapos—"

"Easy ka lang, Percent... Babalik din ako. Gusto ko lang pakitaan yung Mom ni Khen na kahit magkalayo man kami, hinding hindi mawawala ang pag-mamahal ko sa anak niya..." napangisi si Cashmere,"It's an agreement... Between me and his Mom. Hindi ako magpapatalo noh, tss.."

"Wow... Bilib talaga ako sa inyo ni Khen..."

"Bilib din ako sa inyo ni Jeron... ang cool ng Mama mo, suportado ka pa, eh si Khen?..."

Umiling si Percent,"P-paano mo nalaman na si Mama—"

"Basta~! Kaya Percent! kailangan ko rin ng tulong mo..."

"T-tulong ko?!" lumaki pa ang mga mata ni Percent

"Uhum... Sa mga araw na mawawala ako, bantayan mo si Khen ah! Hahaha!"

"Panong...bantayan?..."

"Ilayo mo si Khen sa mga susubok na aaligid sa kanya ah! Tapos kailangan siguraduhin mo na ako lang ang pwedeng magustuhan ni Khen! Sabihin mo hindi siya pwedeng magkagusto sa iba ah!" parang walang sakit si Cashmere, hayy

"A ha ha ha... ang galing naman..." pilit na napatawa si Percent dahil sa mga nasambit ni Cashmere

"Pero seryoso... hindi ko naman kontrolado si Khen... kung tutuusin malaya naman siya kung sinong pwede nyang mahalin ngayon... I know ang selfish pakinggan... mahal ko siya so dapat lang na panindigan niya itong nararamdaman ko, aba!"

Natawa na ng totoo si Percent,"Uhum... Oo, Cashmere naiintindihan kita. Huwag kang mag-alala, akong bahala kay Khen!"

"Ikaw lang ang lalaking pwedeng lumapit ng 2 centimeters kay Khen ah! Ay, pati si Jeron, si Wan... ay sige pati si Jarin na nga, hayss huwag niyong aahasin si Khen ah! Huwag niyo akong susubukan—"

"Grabe ka naman Cashmere..." sumimangot si Percent,"Sobra kung mag-isip—"

"Biro lang, biro lang, Percent! Hahaha!" para talagang walang sakit si Cashmere

"Hmm... sasabihin mo ba ito kay...Khen?"

"...oo naman... hahanap muna ako ng tiyempo..."

Tumila na ang ulan sa labas. Hinayaan na ni Cashmere na maka-uwi si Percent dahil gabi na rin pala. Kailangan na rin ni Cashmere na magpahinga dahil nga ang taas talaga ng lagnat niya.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon