Kakalabas lang ni Wan sa banyo, kakatapos maglinis ng sarili. Handa na sana siyang matulog pero bigla na lang nag-ring ang phone niya.
Contact ni Jarin ang nakikita niya sa screen. Hindi siya masayang tinatawagan siya ngayon ni Jarin. Iba ang kutob ni Wan. Sinagot nya ito.
"Jarin...?" tanong ni Wan sa kabilang linya
"W-wan..." humihikbing Jarin ang narinig ni Wan
"Ayos ka lang ba? Parang umiiyak ka ah?!" nag-aalalang tanong ni Wan
"Pasensya k-ka na ah... Ano kase eh... K-kase—"
"Wan? Pwede ba kaming tumuloy ni Jarin dyaan sa... iyo?" boses na ni Jeron
"Bakit? S-sige walang problema... Ano bang nangyare? Saan kayo ngayon?"
-----
"Ano?!" naguguluhang tanong ni Wan sa mag-kambal na kaharap niya ngayon
Kasalukuyan silang nasa isang fast food chain, kumakain ang kambal. Maghahating gabi na at kasagsagan ng malakas na ulan.
"Ayos lang naman sa amin na sa labas matulog, pero kase inaalala ko itong kapatid ko... umuulan pa..." malungkot na tono ni Jeron
"Kuya... syempre ikaw din... inaalala rin naman kita..." niyakap ni Jarin ang braso ng kapatid
"Nako wag kayong matutulog sa labas! Mabuti na itong tawagan nyo ako o si Percent— ay teka, bakit hindi si Percent ang tinawagan nyo?..." tanong ni Wan
"...tulog na ata... hindi sumasagot..." mahinang sagot ni Jarin
"Kung sa bagay, pero tama na ako tinawagan niyo..."
"Salamat, Wan ah..." halata sa boses ni Jeron ang sobrang pasasalamat niya, "Pasensya ka na kung nakadistorbo kami sayo... dapat natutulog ka na ata eh..."
"Hindi, ayos lang sa akin. Hindi kayo istorbo. Bukal sa loob kong tulungan kayo, okay?"
Tumango lang ang magkambal at nagpatuloy sila sa pagkain.
Hindi pa kase naghahapunan ang magkapatid. Basa sila ng ulan pati ang mga dala nilang bag na may mga gamit nila.
Kinuwento nila kay Wan ang madilim na bahagi ng buhay nilang magkapatid sa ilalim ng pangangalaga sa kanila ng tito nila.
Hiwalay na ang mga magulang ng magkapatid habang ipinagbubuntis sila ng ina nila na pumanaw matapos silang maisilang.
Ang tito nila ngayon ang kasalukuyang kumukop-kop sa kanila pero may hindi maganda itong ugali. Napagbubuhatan minsan ng kamay ang magkapatid, lalo na kapag lasing ito at naubusan ng pera dahil natalo sa sugal.
Sumagot kase si Jeron at sinangga ang mga braso na dadampa sa kapatid niya, bilang nakakatanda sa kanila, ayaw niyang masaktan si Jarin lalo na't babae ito.
Pinalayas na sila ngayon, at nagkusa na rin ang magkambal dahil hindi na rin nila kaya pang tiisin ang mga pananakit ng tiyohin sa loob ng ilang taon na naroon sila.
Kay Percent sana sila hihingi ng tulong ngayon kaso hindi na sumasagot sa phone, malamang tulog na. Ayaw sana ni Jarin na si Wan ang tawagan, ang kuya niya ang nag-pumilit. Kailangan na kase talaga nila ng matutuluyan, may pasok pa kinabukasan, yan ang inaalala ni Jeron.
Para kay Jeron, mag-aaral sila ng mabuti ng kapatid niya, tanging iyon na lamang ang kanilang puhunan pagnakatapos man sila.
"Sa weekend uuwi ang mama at papa ko, umattend lang sila ngayon ng reunion ng batch nila out of town kaya wala akong kasama. Ako na ang bahala na mag-explain sa kanila..." paliwanag ni Wan pagkarating nila sa bahay nito
Siguro class B na uri ng tao si Wan kung tatawagin, hindi ganung kayaman, hindi rin naman ganun kahirap, kumbaga may kaya ang pamilya nila.
"Salamat talaga Wan..." parang naiiyak na si Jeron sa sobrang pasasalamat niya sa kaibigan
"Walang ano man... Ahhmm pwede akong matulog ngayon sa kuwarto nila mama at papa tapos kayong magkapatid sa kuwarto ko, maayos naman diyan, kasya kayo!" pinangunahan ni Wan ng daan patungong kuwarto
"Babawi na lang ako s-sayo, Wan..." wika ni Jarin
"Kahit hindi na... Ginagawa ko ito hindi para magpasikat sayo o ano. Kailangan nyo ng tulong ng isang kaibigan, tama ba ako? Ito, tulong ito ng isang kaibigan!" ngumiti si Wan sa mag-kambal, ganun din sila kay Wan,"Magpahinga na kayo... Pwede nyong gamitin lahat ng nandyan sa kuwarto ko basta wag lang ang cabinet ko ah... He he he magulo ang damitan ko..."
"Promise, magpapahinga lang kami tapos yun lang... kahit bukas aalis rin kami agad—"
"Huwag nyo na muna isipin yan! Magpahinga na kayo, okay? Goodnight!" iniwan na ni Wan ang magkapatid sa kuwarto niya at tumango na sa isa pang kuwarto
"Sige, payag na ako kapag niyaya ka na ni Wan sa date. Hindi dahil may utang na loob tayo sa kanya, payag na ako kase mas deserve mo siyang mapagbigyan ng pansin... kaysa kay Cashmere noon ha ha ha" pagkutya ni Jeron sa kambal
"Tss kuya... Nahihiya talaga ako kaya hindi ako nagsasalita masyado... baka kung anong isipin nya na sa atin... ngayong alam niya na ganito ang sitwasyon natin..." malungkot na sambit ni Jarin
"Heyy... dito mo nga sya mate-test kung sincere nga ba siya sayo o hindi eh... kung hindi niya pinapansin ang ganito mong background, at kung mas gusto niyang makilala at malaman mga inner qualities mo rin, edi siya na ang sinasabi mong ideal guy mo na 'tanggap ka pa kung ano at sino ka man', Oha~"
"Ako pinagtitripan mo kase hindi tayo kina Percent noh? Nako kung wala tayo dito kuya aasarin din kita akala mo ah!"
Kahit may hindi magandang nangyari sa magkambal ngayong gabi, masaya pa rin silang magpapatuloy na sasalubungin ang panibagong hamon ng bagong araw na darating sa kanila.