Chapter 15

32 8 5
                                    

Noong isang nagdaan na taon. Umiiyak ng sobra si Khen na pumasok sa isang pub.

Maingay at nagkakasiyahan ang mga tao roon at siya lang nag-iisang nagmumukmok sa isang tabi na nagpapakalunod sa alak.

Habang umiinom, tinignan niya ang mga taong nagsasayawan sa tapat ng table niya. Isang lalaki ang sinampal ng isang babae ang nakanakaw ng atensyon niya.

Naiwang naka-ngisi lang ang lalaki at umalis na ang babae. Napahimas ito sa kanang pisngi kung saan siya nakatanggap ng sampal. Napalingat ang lalaki kay Khen na nasaksihan ata ang nangyari.

Ngumisi lang rin si Khen sa kanya. Walang pag aalinlangan na tumabi ang lalaki kay Khen.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nasampal sa pub at tuwang tuwa ka ah"  pagsisimula ng lalaki

"Wala akong paki-alam kung ano man ang nangyayari sayo, umalis ka dito" halata kay Khen na lasing na siya pero uminom pa ulit siya sa bote niya

"Wala kang paki-alam pero pinanood mo—"

"May mata ako, kaya hindi ko maiiwasang makita 'yon..." nanghihinang napasandal si Khen sa lalaki

"Hoy, aba! Pinapaalis mo ako tapos sasandal-sandal ka sa balikat ko?" tinatapik tapik niya si Khen

"M-may mata ako... K-kaya nakita kong lahat y-yon..." at humikbi si Khen, umiiyak na pala ito

"Teka? Khen! Umiiyak ka ba?!" nagulat ang lalaki at pilit na gustong tignan ang mukha ni Khen

"Kitang kita ko! Kung paano niya ako niloloko! I've been a fool for her all this time na nililigawan ko siya! She's a b*tch!!"

"A-ano?!"

"Why? Masyado ba akong nagpakabulag sa kanya? Yes! I even didn't bother to care about her flaws! Haha alam mo bang mabaho hininga niya! Hahaha" lasing si Khen, lasing siya

Natatawa ang lalaki. Pero hindi niya alam kung sa kwento ba ni Khen o sa nangyayari kay Khen siya natatawa.

"Tapos kitang kita ko na nakikipag-halikan siya sa ibang lalaki? F*ck her! Ni hindi ko nga siya maakbayan or mahawakan sa kamay habang nakikipag-date siya or date nga ba talaga sa akin!" humikbi si Khen,"Never pa akong nagkapaki sa isang babae maliban sa nanay ko! I even bought her napkins! Bwisit siya!" tapos umiyak na lang siya ng umiyak sa balikat ng lalaki

Nagdaan ang halos kalahating oras, napansin na ng lalaki na tulog na si Khen. Napagpasiyahan ng lalaki na sa apartment na lang niya patuluyin si Khen dahil hindi niya alam ang bahay nito.

"Haist. Grabe. Tahimik ka lang sa room pero may mga ganito ka palang pinagdaraanan sa buhay" pagsasalaysay niya habang inaayos ang paghiga ni Khen sa higaan niya

"Pasalamat ka kaklase kita. Pasalamat ka kilala kita..." patuloy sa pagkausap ang lalaki sa lasing na si Khen

"Akalain mo yun? May itsura ka naman. Hmm tapos mukhang mayaman tapos may babae pa rin palang magloloko ng ganun sayo? Ayos lang sana kung pinerahan ka kaso haist nako... ayos lang sana kung ako yung mareject dahil wala akong pera o kung ano man hahaha hindi ko inaasahan na katulad mo lang rin pala ako" alam ng lalaki na kabaliwan ang pagkausap sa isang tulog na lasing, pero nabigla siya ng biglang dumilat ang mga mata ni Khen at tinitigan siya

"What did you just say a while ago?" tanong ni Khen sa kanya, at parang hindi na ito lasing

"Wow inenglish pa ako... Matulog ka na lang dyan. Bayaran mo na lang ako bukas—"

"I heard it all, Cashmere..."

"Oo na, oo na! Matulog ka na lang at lunes na bukas! May pasok na ulit—"

"Sabi mo may itsura ako..."

"Pfft lahat ng tao may itsura. Okay na? Tulog ka na—"

"No, sinabi mo yun ng hindi nililiteral na may itsura ako kanina. It means that I'm attractive, right?"

"Ha ha ha ang galing. Nag-english na, kung ano ano pang pinagsasabi ha ha ha" tapos napapairap sa asar si Cashmere sa hangin," Oh sya, Khen. Matulog ka na at iyan lang ang kulang sa'yo—"

Biglang bumangon si Khen at hinila si Cashmere para halikan. Ilang segundo rin lang ay tumugon sa halik si Cashmere sa halik ni Khen.

Pagkaraan ng isang minuto ay tinulak ni Khen si Cashmere, dahilan para mahulog ito sa lapag.

"Aray! Makatulak ka naman!" pagrereklamo ni Cashmere at dahan dahan na tumayo

"I'm s-sorry... okay sige matutulog na ako. B-babayaran na lang kita bukas..." natauhang bigkas ni Khen sabay talukbong ng kumot at humarap sa kabilang banda ng higaan

"Luh, sabay ganun? Sinasabi mong ikaw ang attractive tapos ikaw rin naman pala itong attracted sa'kin" ngumisi si Cashmere,"Kahit 'di mo na ako bayaran. Panindigan na lang natin itong nangyari" tapos ay lumabas na si Cashmere sa kuwarto't sa sala ng apartment niya siya natulog.

Malinaw na narinig iyon ni Khen sa loob ng kumot. Napahawak siya sa labi niya at napasabi na," Kissing him is not bad at all... than kissing that girl tss" at natulog na rin si Khen

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon