"W-wan?" nakasalubong ni Jarin si Wan habang naglalakad ito
Hindi rin agad na nakakibo si Wan dahil naalala niya nga pala noong isang gabi ay walang pag-aalinlangan siyang umamin ng nararamdaman kay Jarin.
"Nandito ka rin pala?" pahabol na tanong ni Jarin
"Uhum... Hinahanap ko kase si Percent eh" normal na pagtugon niya kay Jarin
"Nasalubong rin namin siya ni Kuya. Magkasama sila ngayon"
"Ahh... ganun ba?"
"Magkasama ba kayo kanina?"
"Oo eh..." ang awkward sa pagitan nila
"Ahh... Okay—"
"Tungkol doon sa nakaraang gabi..." pagbago ni Wan sa usapan
-----
Nasa tapat ng fountain sina Wan at Jarin
"Ayos lang naman sa akin...na manligaw ka..." sambit ni Jarin nang makarating sila roon
"T-talaga?" gulat na gulat si Wan
"Oo, wala namang masama doon ah" normal na pagsasalita ni Jarin.
Alam ni Jarin sa sarili na sinasabi niya ito dahil alam niya ng wala siyang pag-asa sa taong nagugustuhan niya, kay Cashmere. Napag-usapan na rin naman nila ng kuya ang niya ang tungkol dito at naaalala niya pa ang sinagot niya sa 'paano kung umamin si Wan sa kanya'
Gustong subukan ni Jarin kung kayang mapunan ni Wan ang nararamdaman niya para kay Cashmere. Mas mabuti pang dapat mawala agad iyon kaysa magpalunod sa pagkalungkot sa nangyari.
"Pero alam mo sa totoo lang, Jarin..." nahihiyang napakamot sa batok si Wan
"Ano 'yon?"
" Hindi ko alam kung saan at paano ko sisimulan ang panliligaw sayo..."
Nagtawanan ang dalawa at nag-usap pa ng ibang mga bagay na interesanteng pag-usapan.
Nang hapon rin na 'yon, umuwi si Cashmere sa kanyang apartment. Ayaw niya munang gambalain si Khen dahil alam niya sa sarili niya na halos lagi na lang siyang naroon. Gusto rin muna niyang mapag-isa dahil sa mga iniisip niya.
"Bakit kaya nalaman ni Khen na may gusto si Jeron kay Percent? Tapos sabi rin niya na si Percent may gusto kay Wan? Alam kong lagi silang magkasama talaga eh normal lang naman talaga 'yon sa magkakaibigan" gumulong gulong si Cashmere sa higaan niya,"At si Wan kay Jarin tapos si Jarin... sa'kin..." ginulo ni Cashmere ang buhok niya.
Iniisip niya kung bakit ganun ang mga bagay na napapansin ni Khen sa paligid niya bagkus nga tahimik lang ito at lagi namang tulog sa klase.
"Hindi ko alam kung bakit rin kita nagustuhan, Khen. Ibang klase takbo ng utak mo hahaha" pagkausap niya sa sarili,"Ngayong nagkalinawan na kami ni Khen. Sa tingin ko dapat kong tanawin ang utang na loob kay Jarin ang ginawa ko sa kanya... Hmmm tulungan ko kayang magkalapit sila ni Wan... Hehehe syempre pagkakataon na rin 'yon ni Jeron kay Percent. Oo tama! Cashmere, bukod sa napaka-guwapo mo na, napakahusay mo pa talaga" pag-bubuhat ni Cashmere sa sariling bangko, tinatapik tapik rin niya ang sariling balikat dahil sa mga kalokohang plano niya sa iba pa nating bida.
![](https://img.wattpad.com/cover/190568528-288-k272923.jpg)