Wan's POV
After nung laro namin sa bahay ni Percent, umalis ako ng walang pasabi, hindi ako galit, nagselos lang ako.
Nung mga oras na yun, ang nasa isip ko lang nun, ni hindi ko pa nga nagagawa yun kay Jarin kase nirerespeto ko siya.
May part sa akin na, nagselos ako, naiinggit ako.
Kinausap ako ni Percent na pakinggan ko muna yung side ni Jarin bago ako magmukmok lang. Kase sabi niya kung tutuusin, kami na eh, bakit pa ako kailangan magka-ganito sa taong nasa akin naman na?
Yung dating babaeng pinapangarap ko, ngayon nasa akin na, bakit ako pa yung gagawa ng dahilan para mawala ulit siya.
Sabi ni Jarin, si Cashmere ang humalik sa kanya. Sabi din ni Khen, siya ang nag-utos nun kay Cashmere, paraan daw yun para mamulat si Jarin. Magulo pero mas pinilit kong intindihin ang sitwasyon namin ni Jarin.
Nakaraan naman na iyon, di'ba? At tiwala ako kay Jarin, sadyang ganun lang talaga si Cashmere, bakit ba hindi ako masanay sanay?
"Opo, kami na po" hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Jarin, kaharap namin ngayon ang mga magulang ko.
Gusto ko na siyang ipakilala ulit sa mga magulang ko bilang girlfriend ko. Sinadya ko na ang pagkakataong ito na parehas silang bahay.
Simple lang rin ang mga magulang ko, support sa kung ano ang mga bagay na ginagawa ko at gusto kong gawin. Gustong gusto nila si Jarin, dahil nga nag-iisang anak din ako, ngayon nararanasan na rin nila kung paano magkaroon ng anak na babae.
Kinuwento ko sa kanila ang estado ng pamumuhay ng kambal noon hanggang sa kasalukuyan.
"Okay naman po kami ni Kuya, mag-isa na lang rin po si Percent sa bahay nila kaya pumayag siyang doon muna kami tumuloy... nakakahiya man po pero wala na po kase talaga kaming matakbuhang magkapatid eh. Ayaw rin po namin na pabayaan ang pag-aaral namin..."
Kuwento ni Jarin. Sa pag-uusap namin ulit ng ganito kila Mommy at Daddy, pareho lang din ang naramdaman nila, gusto nilang alagaan at ituring na anak ang magkambal.
Ako na ang bahala sa kanila, ako na ang bahala kay Jarin.
Nakakatuwa din na tanggap ng magulang ko ang relasyon na meron sina Percent at Jeron, Cashmere at Khen, nasali din namin sa usapan kase gusto talaga malaman nila kung sino sino ang mga nakakasama ko eh. Wala silang negatibong mga nasabi.
Ang suwerte ko, at mahal na mahal ko mga magulang ko.
"Wan...salamat ah..." sambit ni Jarin, namamasyal kami ngayon hehe
"Saan?" tanong ko naman
"Sa lahat lahat... salamat kase tanggap mo kami, salamat kase pinakinggan mo akong magpaliwanag, salamat kase mahal mo ako... kahit ilang beses mong sabihin na ayos lang, hindi ko pa din maiwasang maisip na, worth ba talaga kita? Hindi ko kayang suklian ang lahat ng natatanggap ko mula sa'yo eh..."
"Shhh... Jarin andito tayo para mamasyal, dapat masaya lang tayo~ Oo, uulitin ko ulit, mahal kita, at hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit sa'yo. Masaya ako kung masaya, masaya akong ngayon, girlfriend na kita. Wala na akong ibang hihiligin pa doon, sobra sobra ka pa nga ehh"
"Yiee namumula ka hahaha" hala sorry, ang corny ko na din ata kase, nakakahiya
"Sige na, tara na ngaa, nagugutom na ako, kain na tayo!"
Hayy nako, Jarin hindi ko alam kung bakit patay na patay ako sayo!