Umaga. Sabay na pumasok sina Percent at Khen. Pagpasok pa lang nila sa main gate ng school ay parang nagkakagulo ang ilan dahil sa sobrang daming estudyante ang nakikita nila.
Nagtataka man ang dalawa ay patuloy pa rin sila sa paglakad patungong classroom nila.
"Khen~! Wala kang dahilan para hindi tanggapin ito! Happy Confession's Day~!" isang cute na babae ang humarang sa kanila at inabot kay Khen ang isang kahon na hugis puso, dinikitan niya si Khen at si Percent ng sticker na puso sa uniform nila bago umalis ng masaya
Nagtinginan ang dalawang binata. Takang taka at gulat na gulat sa nangyari.
"C-confession's Day?!!!" tanong ng dalawa sa isa't isa
"May ganun bang araw?" nagtataka pa rin si Khen habang sinisilip ang laman ng box na hugis puso
"Ahh... Iba ba ito sa Valentine's Day?" walang muwang na tanong rin ni Percent
"Haha hindi ko alam, pero baka pakulo nanaman ito ng Student's Government" napailing lang si Khen
Nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad nang may limang babae ang humarang nanaman sa kanila.
"Hi~! I'm Maureen! Happy Confession's Day, Percent! Graduating na ako at eto inaamin ko na I'm attracted on you hahaha ang cute cute mo kase!!" pinisil ng babae ang pisngi ni Percent at dinikitan rin ng sticker sabay abot ng maliit na box din
Ganun din ang ginawa ng apat pang kasunod na may iba ibang size ng regalo.
"Wow, ang lakas pala ng charms mo sa mga seniors, Percent hahaha!" pag asar ni Khen
"Aiingg! Nakakahiya naman!" nakapout na dala lang ni Percent ang mga regalo niya
"Hayaan mo na, natutuwa lang naman sila sa kacutan mo ah! Totoo naman kase, malamang yan rin ang napansin sayo ni Je—"
"Khen may magbibigay sayoooo!!" pagputol ni Percent kay Khen at sinubukang itulak sa papalapit na babae
"K-khen... naaalala mo pa ba ako?" pulang pula ang pisngi ng babae
"Uhum... Rachel..." nagulat si Percent sa biglang pag ngiti ni Khen
"Ahh... G-gusto ko lang s-sana na... Ahhh" lalong namula ang mga pisngi ni Rachel
"Sige, akin na, hindi na ako tatanggi ngayon" nilahad ni Khen ang palad niya
"H-ha?! T-talaga?!" sobrang saya ng dalaga na iabot ang isang lunch box na may cookies kay Khen
"Sorry kung lagi ko itong tinatanggihan dati ah... Pero, may nagugustuhan na kase talaga ako kaya ko ito laging tinatanggihan..."
"Uhum... Alam ko naman yun K-khen..." tinignan niya ang mga mata ni Khen,"Pero masaya ako ngayong tinanggap mo na ang binigay ko... s-sana hindi ka papabayaan ng taong gusto mo" ngumiti ng malaki ang dalaga bago lumisan
Nagpatuloy sa paglalakad ulit ang dalawa.
"Si Rachel... matagal ko ng admirer yun since elementary tapos isa siya sa mga lagi akong binibigyan ng kung ano dati tapos lagi ko ring tinatanggihan, sinusungitan ko pa" paliwanag ni Khen
"Eh bakit ngayon tinanggap mo na?" pag-iisyoso ni Percent
"Nakita ko kanina yung reaksyon ng mga seniors na nagbigay sayo pag-alis nila eh. Sa simpleng pag tanggap mo ng mga bigay nila, yung mga ngiti nila nakakalambot pala ng puso. Yung may mga tao ka palang napapasaya kahit sa mga maliit lang na bagay...."
"Turo kase nila Mama at Lola yun. Huwag tanggihan yung mga ganung bagay"
"Ang saya mo talagang kasama noh?"
"Ayiee si Khen bumabait naaa~!"
Sa wakas ay malapit na ang dalawa sa room nila dahil sa mga sumasalubong para bigyan sila ng mga regalo o kaya dikitan ng stickers. May mga umaamin na gusto nila si Khen kahit masungit raw. Gusto nila si Percent kase napaka cute niya.
Isang pakikipagsapalaran sa corridor.
"Percent Azense..." napatigil sa pagpasok si Percent tawagin siya ng isang lalaking nasa tapat ng classroom nila,"... pwede ka bang maka-usap?"
Lumingon muna si Percent kay Khen na tinanguan lang siya at nauna nang pumasok sa room nila.
"Ahh... Anong kailangan...m-mo?" nahihiyang lumapit si Percent dahil hindi rin niya kilala ang lalaki
"Pwede mo akong asarin o pagtawanan pero gusto ko lang lubusin itong pagkakataon na ito para sabihin sayo na gusto kita..." napayuko ang lalaki at may inaabot na stuff toy sa binata
"H-huh?!" nabigla si Percent sa mga nangyayari
Tumayo ng maayos ulit ang lalaki,"Ayos lang kung hindi mo ako matanggap, kahit itong regalo ko na lang sayo. Ang totoo... matagal na kase talaga kitang napapansin..." napakamot ito sa batok,"Taga-kabilang classroom lang ako..."
"G-ganun ba? Hala naku huwag mong sabihin na hindi kita tanggap, walang masama sayo okay? Pero... may nagugustuhan na ako eh at sabi mo nga tanggapin ko ito, kaya ayos na?" binigyan ni Percent ang lalaki ng isang ngiti
"Naiintindihan ko... S-salamat sa pagbibigay inspirasyon sa akin..." ngumiti rin ang lalaki
Hindi alam ni Percent kung paano siya makakabawi sa taong kaharap niya kaya niyakap niya na lang ito.
Pumasok na si Percent at nilapag ang mga regalo niya sa desk niya.
Nakaramdam siya ng pagkailang kaya nilibot niya ang mata niya sa mga kaklase niyang nakatingin sa kanya.
"B-baket?" nahihiyang tanong ng binata
"Omg Percent may admirer kang lalaki sa kabilang classroom?" kinikilig na hiyaw ng isang babaeng kaklase
"Ayiiiee~" bulyaw ng lahat na nakasaksi sa nangyari sa labas kanina
Napailing na lang si Percent at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga regalo niya. May kanya kanyang mundo na ulit ang iba.
"Parang ang dami naman ata ng mga natanggap mo, Percent?" pag-iintriga ni Wan sa kaibigan
"Hindi ko nga alam eh, nagulat lang rin ako at ang dami kong natanggap, hindi naman ganito karami dati diba?"
"Grabe... Iba ka na talaga, pati rin pala lalaki pwedeng mahulog sayo noh?"
Tinignan ni Percent si Wan at sumulyap sa gawi ni Jeron.
"Sa tingin mo ba, may mali doon?" seryosong biglang tanong ni Percent
"H-ha?" nalingat si Wan kay Khen na nasa likod lang nila na nakikinig, sabay balik ng tingin kay Percent,"...Walang masama doon, Percent"
"Walang masama na magkagusto rin ako sa lalaki?"
"Oo naman. Walang masama doon, kaibigan kita kaya tanggap kita. Naging masaya ka para sa akin kaya bakit hindi ako magiging masaya rin para sayo?"
Nalingat rin si Percent kay Khen na nakangiti sa kanya. Masaya ring hinarap ulit ni Percent si Wan.
"Oh bakit ganyan ka makangiti?"
"Masaya talaga akong naging kaibigan kita, Wan!"
-----
A/N: Filler Chapter lang ata ito hoho
Stream Day6's Time of Our Life MV, Thank you 💙