Chapter 37

11 4 4
                                    

Lunes nanaman, matatapos na ang pangalawang subject. Isang normal na umaga nanaman sa mga estudyante.

"Okay, that's all for today. See you again tomorrow..." pagpaalam ng teacher nila sa harap

"Thank you and see you tomorrow, Ma'am" paalam rin ng lahat maliban kay Khen

Paglabas ng teacher, lumingon si Percent kay Khen na tahimik na nasa likuran niya. Nakalingon naman si Khen sa kabilang row, pinagmamasdan ang desk ni Cashmere na walang naka-upo.

Lumingon na ulit si Khen sa harap niya at bumungad ang mukha ni Percent na may napakalaking ngiti sa mga labi ngayon.

"Bakit ganyan ka makangiti sa akin?" walang emosyon sa mukhang tanong ni Khen

"H-huh? W-wala naman... Ha ha ha..." binalik na ulit ni Percent ang tingin niya sa harap

Kinalabit ni Khen si Percent.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong agad ni Khen nang lumingon sa likod si Percent

"W-wala nga~! Ano ka ba naman K-khen ha ha ha"

"Halatang meron..."

"Ahh... k-kase... napansin kitang parang hinahanap mo si... Cashmere..." hindi mapakali si Percent

"Hindi ko siya hinahanap" mariing sambit ni Khen

"Hmm... O-okay... Sabi mo eh..." dahan dahan na umikot na ulit si Percent paharap

Kinalabit naman siya ni Wan

"Bakit absent si Cashmere?" pabulong na tanong nito kay Percent

Lumapit si Percent kay Wan,"Hindi ko alam..." bulong din nito

"Weh? Diba noong nakaraang araw tinawagan ka niya?..."

"Hindi ko nga alam..."

Umayos na ulit ang dalawa ng upo nang nakapasok na ang pangatlong teacher nila para sa pangatlo nilang subject ngayong araw.

Lumipas ang oras at lunch break nanaman.

Katulad ng inaasahan, nasa rooftop si Khen, nakasaksak ang earphones at mag-isang naka-upo.

Sa di kalayuan, nagdadalawang isip si Percent kung lalapitan niya ba si Khen o hindi. Hanggang sa nabangga siya ng grupo ng mga babae, mga fangirls ni Khen na may dala nanamang pagkain para sa kanya

Pinanuod lang ni Percent ang senaryong ito.

Tinanggal ni Khen ang earphones niya nang inaabot na ng isang babae ang lunch box.

Nakita ni Percent na may sinabi si Khen at kinikilig ang mga babae. Tapos tinanggap ni Khen ang lunch box sabay umalis na rin ang mga babae, dinaanan lang uli nila si Percent.

"Hays... Lalapit ba ako o hindi?..." tanong ni Percent sa sarili.

Akma nang bababa si Percent pero...

"Percent, alam kong kanina ka pa nandiyan" sigaw ni Khen kaya wala ng nagawa si Percent kundi ang lumapit,"May kailangan ka ba?"

"Alam ko na kung bakit ka na lumalayo sa amin... at kay Cashmere...dahil sa Mom mo—"

"Sabihin mo na ng diretso"

"Ahh... sa tingin ko kailangan ka ni Cashmere ngayon..." nilalaro ni Percent ang mga daliri niya

"Gusto ko man siyang puntahan... Hindi ko magawa, maraming mata si Mom na nagmamasid sa akin. Ayaw kong mapahamak si Cashmere, pati kayo, ayaw kong madamay... pasensya na..."

"K-khen... naiintindihan kita at ang sitwasyon nyo ni Cashmere. Lumalaban si Cashmere para sayo, mahal ka niya tandaan mo, okay? Huwag kayong susuko! Kaya nyo yan!" nag-fighting si Percent kay Khen at ngumiti

Ngumiti rin si Khen sa kanya,"Salamat, Percent..."

Pagkatapos ay bumaba na ulit si Percent sa cafeteria, humabol sa pagkain ng tanghalian. Masaya siyang kumakain na pinagtataka ng kambal at ni Wan na mga katabi niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Wan

"Oo!! Bakit ba ganyan kayo makatingin sa akin!?" parang bata si Percent

"Wala naman... parang ang weird mo lang..." dagdag ni Jarin

"Bahala kayo kung ano mang isipin nyo sa akin basta ako... masaya ako kase para akong kasali sa play na nagiging mensahero ng dalawang bida hehehe..." tapos sumubo nanaman si Percent

"Ang cute mo dyan, Percent. Ang lakas ng imagination mo ah hahaha! Pasalamat ka mahal kita yiee— ehem ang sarap ng ulam noh?!" pagbagong bigla ni Jeron sa sinabi

"Anong sinabi mo Jeron?" pag-uusisa ni Wan kay Jeron

"WALA! KUMAIN NA TAYO!" pag-iwas ni Jeron sa tanong.

Tumatawa lang si Jarin dahil nanahimik bigla si Percent, namumulang pinipigil ang inis kay Jeron at nagmamadali ng inuubos ang pagkain.

"Parang feeling ko may alam kayo na hindi ko alam..." palipat-lipat ang tingin ni Wan sa tatlong kasama niya sa lamesa

"Ahhh... dalian na natin kumain, Wan, noh? Masarap yung ulam..." pagsalo ni Jarin sa awkward na pakiramdam na namamagitan sa kanila

"Ehem sorry na po ehem mananahimik na nga po ako ehem!!" wika ni Jeron na nakangising nakakaloko kay Percent

Napapayuko na sa hiya si Percent, kinikilig din siya pero parang hindi ata ito ang tamang oras para doon.

Natapos na ang break at nasa loob na ulit ng classroom ang mga estudyante. Tahimik na lang si Percent, nahihiya siya kay Wan na hindi niya maintindihan.

Hindi pa din alam ni Wan na may namamagitan na nga kay Percent at Jeron.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon