Chapter 30

15 5 4
                                    

Dalawang araw nang nagsimula ang klase. Huling semester. Kumpleto ang lahat na pumasok.

Habang nagkaklase natutulog nanaman si Khen, hindi maiwasan ni Cashmere na tumgin sa gawi ni Khen. Nag-aalala rin siya dito dahil may mga kakaibang kinikilos talaga ang kasintahan. Hindi na rin sila madalas mag-usap at sumunod nga siya na huwag munang pumunta sa bahay ni Khen.

Hindi maalis sa pakiramdam ni Cashmere ang mamiss si Khen kahit nakikita niya na ito. Feeling niya na dumidistansya ang kasintahan sa kanya.

"Nag-away ba... kayo ni Khen?" tanong ni Percent kay Cashmere, uwian na at nag-aayos na sila ng mga gamit.

Lumabas na ng classroom ng walang pasabi man lang si Khen sa kanila.

"Ganyan naman talaga siya, diba?" tugon lang ni Cashmere, kahit alam rin niya na parang iniiwasan nga siya nito

"...uhum... akala ko lang naman..." nanliit bigla si Percent, concern lang naman siya sa dalawa.

"Sige, uwi na rin ako" sambit ni Cashmere at binitbit na lang ang bag papalabas ng classroom

"Ayos lang ba si Khen?" tanong ni Wan kay Percent

"Hindi ko alam... pagkauwi natin noong galing sa amin, di na ulit kami nag-uusap ih..."

"Maski kahapon... akala ko babatiin ka niya pag-pasok niya, parang bumalik lang sa dati na parang wala siyang kilalang kahit sino hahaha" bahagyang napatawa si Wan, pero hindi si Percent

"Ayos lang naman sa akin kung hindi niya tayo pansinin ih... Alam naman na nating ganun siya... pero parang may problema siya eh..."

"Whoa... grabe nakakaselos naman yang pag-aalala mo sa kanya" pabirong sambit ni Wan

"Wan naman eh..." nalungkot bigla si Percent

"Biro langgg!!"

"Uuwi na kayo agad?" nakalapit na pala ang kambal sa kanila

"Sana, bakit?" si Wan na ang sumagot, nananahimik na si Percent

"Gusto namin ni Kuya mag-ice cream" ngumiti si Jarin

"Sige, sama kami! Diba Percent??" kinalabit niya ang kaibigan

"Ah?!" nagulat si Percent," Ahh... Oo sige lang..." ang hina ng boses niya

-----

"HAH?! ANO?!" sabay na sigaw ni Wan at Jarin

"Alam naming ganyan ang magiging reaksyon niyo kaya ayaw sana naming sabihin..." napasapo sa noo si Jeron

Nasa ice-cream store ang apat, inokyupahan ang isang table habang kumakain na nga sila ng ice cream.

Kasalukuyan nilang pinaguusapan sina Khen at Cashmere.

"Talaga? Si Khen at Cashmere ay...?" pag-iintriga pa ni Wan, hindi kase siya makapaniwala

"Sa bagay... kitang kita ko na ganun sila ka-close. Pero hindi ko inaasahan na..." pagdagdag ni Jarin

"May problema ba doon?..." seryosong tinanong ni Jeron ang dalawa

"Hindi lang ako makapaniwala..." - Wan

"Sa akin ayos lang... hindi ko lang talaga naisip agad na sila na pala..." - Jarin

"Edi ikaw na ang straight, Wan..." pag-asar ni Jeron,"Palibhasa kase... kay Jarin ka eh- ARAY!" kinurot siya sa tagiliran ng kakambal

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon