Chapter 39

26 6 4
                                    

Nakatingin nanaman si Khen sa desk ni Cashmere na walang naka-upo. Tatlong araw ng absent si Cashmere.

"Hinahanap mo si Cashmere, tama ba ako?" hindi pinahalata ni Khen na nagulat siya kay Percent, nakaharap nanaman ito sa kanya

"Hindi ko siya hinahanap..." pag-tanggi nanaman ulit ni Khen

"Okay~ Sabi mo ih~" tapos humarap na ulit si Percent

Napalingon ulit si Khen sa desk ni Khen. Sa loob loob niya, nag-aalala na siya kay Cashmere. Hindi niya rin kase ito ma-contact. Hindi sinasagot ang mga tawag at texts niya.

Gusto niya ring tanungin si Percent kung may alam ba siya sa mga nangyayari kay Cashmere pero hindi niya magawa dahil tinatanggi nga ni Khen na hinahanap niya si Cashmere.

Malakas ang pakiramdam ni Khen na may alam si Percent. Ayaw niya lang talaga magtanong.

Kaya nitong uwian, di na nag-alinlangan si Khen na dumiretso sa apartment ni Cashmere.

Tumawag muna si Khen bago kumatok pero wala, ayaw talagang sagutin ni Cashmere

"Buwisit ka Cashmere, ano bang trip mo..." bulong ni Khen sa sarili

Nagsimula nang kumatok si Khen sa pinto ni Cashmere. Palakas ng palakas ang bawat pag-hampas ni Khen, naiirita na rin kase siya.

"Hindi ganyan ang tamang pag-sira ng pinto..." lumingon agad si Khen sa napakapamilyar na boses

"Buhay ka pa pala? Akala ko patay ka na eh, mabuti pa ang multo nagpaparamdam man lang..." sarkastikong sambit ni Khen kay Cashmere

"Oh kalma ka lang, hindi pa ako multo noh, bakit ako magpaparamdam? At tsaka, kalma ka lang, ang init naman ata ng ulo mo, Khen" natatawa pang sabi Ni Cashmere

"Sa tingin mo bakit hindi iinit ang ulo ko kung yung iba diyan, halos tatlong araw nang hindi pumasok tapos hindi pa sumasagot sa mga tawag at texts ko—"

"Missed mo ako?"

"Asa ka, Cashmere. Uuwi na nga lang ako. Sana di na lang ako pumunta dito—"

"Teka lang, Khen... Huwag ka munang umalis..." hinigit ni Cashmere ang braso ni Khen nang akma na sana siyang aalis,".... stay... makinig ka lang muna sa lahat ng mga sasabihin ko, then bahala ka na. Magalit ka, iwan mo na ako basta pakinggan mo muna ako, please..."

Nang makapasok na ang dalawa sa loob ng apartment ni Cashmere, niyakap siya agad ng mahigpit ni Khen. Nabigla si Cashmere pero natutuwa siya sa ginawa ni Khen ngayon.

"Sira ulo ka talaga. Alam mo bang nag-aalala na ako sayo tapos..." binaon ni Khen ang mukha niya sa dibdib ni Cashmere

"Shhh... sorry na, hindi ko gustong pagaalalahin ka. Ayos naman ako oh! May ginawa lang akong importante, medyo busy kaya hindi ko magawang masagot mga tawag at texts mo..." hinihimas ni Cashmere ang likod ni Khen

"Edi sana sinabi mo pa din! Loko ka talaga, kahit isang 'busy ako' lang ako sabihin mo, hindi naman na kita guguluhin eh! At tsaka isa pa, makakampante akong nasa maayos ka lang!" hinarap na ni Khen si Cashmere na may masamang tingin

"Ayoko, kase mas gusto ko itong ganito ka. Nag-aalala ka sa'kin, alam kong ako lang ang iniisip mo, tama itong ginawa ko" ngumisi pa si Cashmere

"Baliw ka ba? Sinong tao ang gustong pinagaalala ang mga tao sa paligid nila?!"

"Ako... at kahit ikaw lang ang mag-alala sa akin, sapat na yun sa akin..." nasa pisngi ni Khen ang mga palad ni Cashmere

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon