Chapter 12

24 9 6
                                    

"Kuya... Mauna ka ng umuwi muna ah! Ahhmm... May nakalimutan pala ako... Ahh basta tatawag na lang ako sayo ah! Sige kuya! Bye! Love you!" nagmamadaling sumakay ng bus si Jarin nang mabasa ang message ni Khen sa kanya

Nagulat si Jarin nang pagbaba niya ng bus ay may humarang sa kanya.

"Hmm?" tinanggal ni Jarin ang earphones," W-wan..."

"May gusto lang akong sabihin sayo..." tinignan ni Wan ng diretso si Jarin sa nagtataka nitong mga mata

"A-ano yun?..."

"Gusto kita"

Hindi malaman ni Jarin ang mararamdaman niya sa sinabi ni Wan sa harap niya,"Ano k-kase—"

"Alam kong may iba kang gusto..." hindi niya pinagsalita si Jarin,"Pero sana pagbigyan mo akong iparamdam at ipakita sayo ang totoong ako..."

"...." walang masabi si Jarin

"Please, Jarin. Sana pumayag ka na ligawan kita..."

"W-wan—"

"Hindi ko hinihingi ang sagot mo ngayon, aantayin ko. Kahit matagal, please, 'wag ka lang tumanggi..." ngumiti si Wan kay Jarin at tumakbo ito papalayo sa dalaga.

Masaya na nahihiya na hindi maintindihan ni Wan ang nararamdaman niya ngayon. Si Jarin naman ay nagpatuloy pa din sa pagpunta sa bahay ni Khen kahit nabigla pa din siya sa biglaang pag-amin ni Wan sa nararamdaman para sa kanya.

"Cashmere? A-anong ginagawa mo rito?" nagulat si Jarin dahil si Cashmere ang bumungad sa kanya sa pinto

"Umamin ka nga sa akin, Jarin" seryoso at mariing tinignan ni Cashmere si Jarin sa mata

"Umamin...s-saan?" kinakabahang tanong ng dalaga

"Gusto mo ba ako?"

Naramdaman ni Jarin na nanlambot ang mga tuhod niya sa tanong ni Cashmere,"A-ano bang klaseng tanong yan? Nasaan si Khen? Si Khen ang may kailangan sa akin hindi ikaw—"

"Huwag mong iwasan ang tanong ko... may gusto ka sa akin 'diba?"

"...oo. Gusto kita—" naudlot ang sasabihin ni Jarin dahil nahalikan na siya ni Cashmere sa labi. Namuo ang mga kamao ni Jarin, tinulak niya si Cashmere sabay sampal,"Walang hiya ka, Cashmere!"

"Hindi kita gusto, makakaalis ka na" nakangising sambit ni Cashmere at agad na sinara ang pinto

"CASHMERE! LUMABAS KA DIYAN! PARA SAAN BA 'TOH? GINAMIT MO PA SI KHEN PARA LANG PAGLARUAN AKO? HAYOP KA! LUMABAS KA!" galit na galit na kinalabog ni Jarin ang pinto ng bahay nina Khen," Lumabas... ka... C-cashmere..." napaluhod sa sahig si Jarin at bumuhos na ang mga luha sa mga mata niya

"Masaya ka na?" tanong ni Cashmere kay Khen na napakalaki ng ngisi sa kanya

"Balang araw papasalamatan ka ni Jarin sa ginawa mo..."

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon