Percent's POV
Kanina lang parang ako yung umiiyak, ngayon pati si Jarin.
Masaya naman kaming naglalaro kanina, hindi ko alam kung bakit nagkaganito, kung bakit napunta yung laro namin sa seryosohan.
Naging personalan na dahil kay Cashmere, yung tipong yung mga tanong at utos niya, parang lagpas na sa limit.
"Alam na ba ni Wan na nahalikan na kita?" nabigla kaming lahat sa tanong na yun
"Ano bang klaseng tanong yan?" pagsingit na ni Jeron kase biglang tumahimik sa pagitan naming lahat
"I'm just asking if she does, sabi niya truth diba?" sagot naman ni Cashmere
Napayuko lang si Jarin, si Wan naman padabog na tumayo sa kinauupuan niya, sinubukan ko siyang pigilan pero inalis niya ang braso ko sabay umalis na siya.
"Stop this sh*t, Cashmere. Ano bang problema mo?" sumali na rin si Khen
"Bakit? This is just a game? Di'ba?"
"Sumobra ka naman ata" napatayo na si Khen
"Bakit ka nagagalit? May katotohanan ka rin bang ayaw kong malaman?" pati si Cashmere, magkaharap na sila
"Tigilan na natin itong laro mo, umuwi na tayo—"
"Wala ka ba talagang balak sabihin sa akin, Khen?"
"What are you talking about? Tara na umuwi na tayo—"
"You're engaged with Wriz, tapos ano, isa ka pa eh, you two are doing something behind my back. I even saw you kissed her!" napahigpit ang kapit ko sa damit ni Jeron, natatakot na ako...
"So all this time may alam ka? Bakit hindi mo ako tinanong para maklaro ko—"
"No, Khen. I'm waiting for you to tell me the truth..." nag- walkout na si Cashmere...
Gusto kong i-comfort si Khen kaso—
"Percent, Jeron, Jarin... I'm sorry for what we've caused...we will fix this, okay? I'm happy to see you again, Percent" naluluhang tumakbo na si Khen palabas ng bahay
"Pwede si Jarin sa kuwarto ko..." yun lang ang nasabi ko kay Jeron
Inakay niya na si Jarin, kahit nasa may salas lang ako rinig ko ang iyak ni Jarin. Napapaisip ako kung ano yung totoong mga nangyari. Siguro kung ako si Wan, mabibigla din talaga ako, pero di ko alam kung magagalit ba ako o hindi.
Sana hindi galit si Wan kay Jarin. Alam kong mahal na mahal ni Wan si Jarin, sana makinig siya sa paliwanag ni Jarin. Sana pumayag siyang mag-usap sila ni Jarin.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tinabihan na ako ni Jeron dito sa may sofa
"Hindi pa" tipid ko lang na sagot, pero pakiramdam ko pagod ako
"Ayos ka lang ba?" inikot ni Jeron ang mga braso niya sakin, niyakap niya ako ng mahigpit
"Hindi ko alam... Si Jarin, kamusta ba?"
"Umiyak lang siya tapos sabi niya magpapahinga na siya. Tsaka na lang raw niya sasabihin yung mga dapat niyang sabihin... nalulungkot ako para sa mga kaibigan natin..."
"Ako man din..." sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Jeron, gusto ko na lang rin magpahinga
Sana bukas, makatulong kami na maayos ang mga problema...
---------
Omg, namiss ko magsulat TuT
Filler chap lang ata ito, kaya maekle sorna akin