Dumating na ang araw na kailangan na nilang lisanin ang lugar nina Percent. Kasalukuyang nag-aayos na ng kanya-kanyang gamit ang lahat.
Napansin ni Percent ang keychain ni Jarin noon na nahulog sa bus, balak niya sanang ipadaan kay Wan ang pagbalik nun kay Jarin kaya..
"Wan... ikaw na ang magbalik nito kay Jarin" maluwag sa pakiramdam ang pag-ngiti ni Percent sa kaibigan
"B-bakit ako? Ikaw ang nakapulot kaya ikaw dapat ang magsauli sa kanya" pagtanggi ni Wan
"Hmm... eh ikaw ang taong nasa posisyon para ibalik yan sa kanya..." pagpilit ng binata
"Anong ako?!" natatawa si Wan sa sinasabi ng kaibigan
"...para may dahilan ka para magkausap ulit kayo parang ganun... Dali na ikaw na magsauli ah!" ngumiti ulit si Percent at iniwan ang keychain sa palad ni Wan tsaka nagpatuloy sa pag-aayos ng bag
Kasalukuyang nag-aayos na rin ng gamit si Khen nang maramdaman nanaman niya na nag-vibrate ang phone niya sa bulsa niya. Ayaw niyang ilayo sa katawan ang phone niya dahil baka paki-alaman ito ni Cashmere.
Mom
Khen, don't test my patience.Matapos mabasa iyon ay binalik na ulit ang atensyon sa pag-ayos. At muli, napansin iyon ni Cashmere.
"Anong meron?" muling pag-iisyoso ni Cashmere
"Wala ka na doon..." inis na sambit ni Khen
"So meron nga? Ayaw mo lang sabihin..."
"Cashmere..." mahina man ang boses ni Khen, halata sa kanya na naiinis siya,"Huwag ka na lang maki-alam, pwede ba?!" padabog niyang sinara ang zipper ng maleta niya at lumabas muna ng kuwarto
Nakokonsensya na naiinis at naguguluhan si Cashmere kay Khen ngayon. Halatang halata niya na may tinatago talaga ang kasintahan sa kanya.
Nagkakaroon siya ng kutob na nagbibigay ng kaba sa kanya. Pakiramdam na may hindi magandang mangyayari ang darating sa kanya, sa kanila.
"Mag-iingat kayo sa byahe ha? Mag-aral ulit ng mabuti mga anak! Pwede naman kayong bumisita ulit dito kahit kailan nyo pa gustuhin, hm?" pagbibilin ni Mrs. Azense sa mga bata
"Opo mama, ikaw rin po mag-iingat rin palagi. Huwag mong abusuhin ang katawan mo mama ah! Huwag magpapabaya sa sarili! Kumain lagi sa tamang oras! Huwag magpapatuyo ng pawis-" naputol ang sinasabi ni Percent
"Ako ba ang nanay mo o ikaw ang nagluwal sa akin?" natatawang pag-puna ni Mrs. Azense sa anak
"Ihhh~! Basta mama ah! I love you po!" paglalambing ng anak sa kanyang ina
"Oh sige na, para di kayo gabihin sa daan!"
"Salamat po sa mainit na pagpapatuloy sa amin Mrs. Azense~" si Jarin na masayang kumaway
"At sa mainit at masarap na mga lutong bahay na pinakain nyo sa amin~" dagdag ni Jeron
"Huwag po kayong mag-alala! Babalik po talaga kami dito ulit hahaha" pagtawa ni Wan
"Salamat po sa lahat..." ngumiti si Khen sa mama ni Percent
"Pasensya na po kung naging masikip ang bahay dahil sa amin..." paghabol ni Cashmere na ikinagulat ng lahat, hindi kase siya masyadong nakikipag-usap sa kanila, kilala nyo naman na ugali niya