Chapter 16

29 8 7
                                    

Sabado ng umaga. Nagpasyang mag-jogging sina Wan at Percent. Hindi na raw kase nila matandaan kung kailan sila huling nag-jogging dahil ilang linggo na ang nakalipas nang huli nila itong ginawa.

"Sasabay ka ba ulit sa akin na mag-review para sa finals next week?" pag-umpisa si Percent

"Ahh... Hindi ko alam eh" tugon ni Wan sabay inom ng tubig at umupo sa isang bench

"Bakit parang ayaw mo, sabihin mo na lang na ayaw mo, tss" napairap sa hangin si Percent

"Malay mo yayain ka ni Khen, kayo na lang ang mag-review—"

"Ayan ka nanaman, Wan..." naiilang kase si Percent kapag inaasar siya sa isang tao

"Malay mo lang naman, diba?!"

Hindi na sumagot si Percent. Nagpatuloy na lang siya sa pag-jogging. Iniwan niya na si Wan.

"Tss... siguro nga tama talaga si Khen. Nabubulag na ako sayo. Alam kong kaibigan lang talaga ang turing mo sa'kin, pero grabe naman yung mga reaksyon at pinagsasabi mo sa akin kapag may ibang tao akong nakakasama..." pabulong na pagmamaktol ni Percent sa sarili

Sinubukan niyang lumingon sa likuran habang tumatakbo para malaman kung sinusundan ba siya ni Wan, ang masakit roon ay hindi. Sa hindi rin inaasahang pangyayari, paglingon niya muli sa harap ay natapilok siya sa humps dahilan para madapa siya.

"Percent! A-ayos ka lang ba?" pamilyar ang boses ng tumutulong na makatayo siya

"Ahhh... Salamat... Jeron?!" nanlaki ang mga mata ni Percent sa nahihiyang naka-ngiting Jeron sa kanya

"Hello~" at lumitaw si Jarin sa likuran ng kuya niya

"A-anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Percent sa mag-kambal

"Sinusundan ka— aray! Este ano..."

Siniko ni Jeron ang kapatid, "Wala! Ha ha ha nagja-jogging rin kami ha ha ha"

"Oo! Tama! Nagja-jogging rin pala kami ha ha ha" di siguradong pag-sang ayon na lang rin ni Jarin

"Okay?" pinilit na maniwala ni Percent dahil parang iba ang kinikilos ng magkapatid

"Hala! May sugat ka, Percent!" napasigaw bigla si Jarin nang makita ang nagdurugong tuhod ni Percent

Sinamahan ng magkapatid si Percent sa isang malapit na convenient store. Pagpasok nila, binati sila ng cashier.

Laking gulat ng tatlo, lalo na si Jarin ang pamilyar na boses ng taong bumungad sa kanila roon

"Oh? Cashmere!" kumaway pa si Jeron

"...ahh kayo pala" biglang nawala sa mukha ni Cashmere ang ngiti sa pagbati niya simula nang nakita rin niya si Jarin

Lumibot na ang tatlo, nanguna si Jeron sa paghila kay Percent para hanapin ang mga kakailanganin sa sugat niya. Si Jarin ay tahimik lang na sumunod sa dalawa.

Matapos silang makabili ay agad na pinaupo ni Jeron sa isa sa mga tables roon sa labas ng tindahan si Percent

Naguguluhan naman ang binata sa mga pinapakitang pag-aalala at pag aaruga ni Jeron sa kanya.

Nilibot ni Jarin ang tingin sa paligid at nahagip niyang nakatingin si Cashmere banda kung saan si Percent pinaupo.

Natutuwang nasasaksihan ni Cashmere ang ginagawa ni Jeron kay Percent. Naalala niya ang sinabi ni Khen na mukhang tama nga talaga na may gusto si Jeron sa kanya. Saktong napansin niya na nakatingin sa loob kung nasaan siya banda si Jarin.

Nagkatinginan sila at agad na binaling rin nila ang tingin sa iba.

"Ahhh... Kuya... Mag-iikot ikot muna ako doon banda ah. Maiwan ko muna kayo" busy ang kuya niya pero tumango ito kaya umalis na si Jarin

"Mukhang ayos na yan Jeron..." natapos na sa paglinis at paglagay ng bandage sa sugat ni Percent

"Charaann~" masayang tumingalang nakangiti si Jeron

"S-salamat ah..."

"Walang anuman! Diba, kaibigan mo na ako? Kaya normal lang ito. Nasagutan ka kaya dapat ginagamot agad" umupo sa katapat na upuan ni Percent si Jeron

Tinignan ni Percent si Jeron sa mga mata nito na parang may hinahanap na sagot sa mga tanong sa isipan niya

"May...dumi ba ako sa mukha?" nahihiya na kase si Jeron at nararamdaman niyang umiinit pa ata ang pisngi niya

"Wala naman... nagtataka lang ako"

"Saan?"

"Sa'yo..."

"Sa'kin? Bakit? Anong meron?" kinakabahan si Jeron na baka nahahalata na siya ni Percent. Hindi niya alam ang gagawin niya

"Never ko pang naranasan na ganyan mag-alala si Wan sa akin..." hindi na maipinta ang mukha ni Percent

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko rin naman masisisi si Wan. Madalas kase tinatago ko lang sa sarili ko ang mga sakit na nararamdaman ko..."

"Ayos ka lang ba? May problema ba sa inyo ni Wan?"

"Wala naman. Alam kong kaibigan lang naman ako at balang araw may mas uunahin talaga siyang intindihin kaysa sa akin... Masyado ko atang kinampante ang sarili ko sa kanya hahaha" tumawang may kirot sa loob si Percent

"Hindi ko man alam ang nararamdaman mo ngayon at ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo... Andito lang ako, Percent. Dadamayan kita, hindi kita iiwan" sabay ngumiti si Jeron ng napakalaki kay Percent

Ngumiti rin naman si Percent at lumipat sa tabi ni Jeron. Niyakap niya ito ng napaka-higpit. Yakap na hindi pa niya nabibigay kay Wan noon pa man...

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon