Prologue

602 19 0
                                    

"Anak kapag may natipuhan ka ng lalaki ipaalam mo sa amin ah." Pagbilin ng Mama niya sa kanya.

"Opo Mah' pero baka matagal pa naman yun." Sagot ng babae na nakaupo sa mahabang sofa sa sala nila.

"Sinasabi lang naman namin Darling. Para alam mo yung gagawin mo. Know the person first ok." Bilin naman ng Papa.

"Sure Pah' how do I know if I have found my knight and shining armour?" Tanong ng labindalawang taong anak nila.

"You know darling, siguro masasabi mo lang na siya na yung tamang tao, kapag magkapareha kayo, naniniwala ka ba sa soul mate?" Paliwanag ng Ina niya.

Umiling ang batang babae... "What is soul mate Mah?" Tanong niya.

"Yung tao na kasundo mo sa lahat ng bagay, kung anong gusto mo yun din ang gusto niya, kung ano ang ayaw niya ayaw mo din. The person who is suited for you. Parang sa puzzel, dapat tamang piece yung ilagay mo para mabuo. Ganun yun." Tuloy pa ng ina niya.

Mariing nakikinig naman ang bata.

"Kayo ni Pah', Mah' soulmate ba kayo?" Tanong niya.

"Yes darling, kaya naniniwala kami doon, alam mo ba noon your mama dont want sunflowers at ganoon din ako noon, kaya pinag-agawan namin yung rose na natira. That's how our love story started." Sagot ng Papa niya.

"Do you think I will have the same Love story as you do Pah'?" Tanong niya.

"Anak, magkakaiba tayo ng love story, sometimes kailangan nating hayaan ang panahong gumawa ng first move. Maybe since mahikig ka sa nga sapatos baka yung taong makakatuluyan mo ay isang shoemaker." Biro ng Mama niya.

"Mah' I don't want to marry a shoemaker, yes I love shoes, pero hindi yung paggawa sa mga ito." Sagot ng anak nila at nanguso.

"Nag jo-joke lang kami. Wag mo na munang isipin yang bagay na iyan. You're still young, you should enjoy life first." Paalaala ng Papa niya.

Tumango ito at niyakap ang dalawang magulang niya.

"I promise you Mama and Papa someday ipapakilala ko yung lalaking ka soul mate ko. At sinisigurado kong magugustuhan niyo siya agad." Masayang wika ng babae sa mga magulang.

"Basta mahal mo yung lalaking iyon, no matter who is he tanggap namin siya basta ikaw ang pumili. But remember what I said. Know the person first ok and take it slow." Huling bilin ng Papa niya bago ito dumiretso sa kwarto niya.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon