🌟Xyan's PoV🌟
🌟On The Way To Jen's Residence🌟Andami na ng pinoproblema ko. Una si Jen na nilulubayan ako dahil sa maling akala, then si Alexandre na halatang may gusto kay Jen at mas malapit na pa sila ngayon. Baka maunahan niya ako.
"Tita Vei! Si Jen po nasaan sabi po nila maaga siyang umuwi kanina." Tanong ko kay Tita.
"Oo Xy maaga siyang umuwi pero umalis din ng mga 1:30 kanina sinundo siya nila Alexis at yung kuya niya." Sagot ni Tita.
"Alam niyo po ba kung asan sila pumunta?" Tanong ko.
"Sabi ni Jenniah sa mall daw. Bakit Xyan may problema ba?" Tanong ni Tita sa akin.
"Ah eh wala po tita. Pupunta din po kasi ako sa mall." Para hanapin si Jen at siguraduhin na hindi makakatake advantages si Alexandre sa kanya.
"Kung ganoon din naman pala paki bigay ito sa kanya nakalimutan niya noong umalis." Paghingi ng favor sa akin ni Tita at ini-abot yung cellphone nito.
Perfect timing tita ngayon may dahilan na ako upang malapitan si Jen.
"Sige tita ibibigay ko ito sa kanya, una na po ako." Paalam ko at dumiretso sa mall.
🌟Mall🌟
Sa dami ng tao na nandito ngayon paano ko malalaman kung nasaan siya. I didnt have the number of Alexis but Jen have.
Nang buksan ko yung cellphone niya may pin lock. Alam ko yung pin niya but noon yun noong hindi pa kami ganito kagulo. Pero wala ding mawawala kung susubukan ko. Kung pinalitan na niya eh di wala kang magagawa.
******* I type her pin code na ginagamit niya. Ito yung date noong una kaming nagkita base on our parents story at ito rin yung date ng friendsary namin.
And ENTER... laking gulat ko ng bumukas yung cellohone niya. Masaya ako sa nasaksihan ko ngayon hindi niya parin pinapalitan yung Pin Code niya and I know may pag-asa parin ako sa kanya.
Kinuha ko yung number ni Alexis at tinawagan ito gamit yung phone ko. Ilang ring din ang pinalampas niya bago niya ito sinagot.
"Hello who is this?" Tanong niya.
"Si Xyan ito nasa mall ako ngayon may ibibigay lang ako kay Jen please tell me where you are para ako na ang pumunta diyaan." Tugon ko.
"Ano naman ibibigay mo sa kanya sakit ng loob?" Tanong niya.
"What? Hindi! Ibibigay ko lang itong cellphone niya na nakalimutan niya pinapabigay ni Tita Vei." Tugon ko.
Ilang sandali ding walang ingay sa kabilang linya baka naguusap sila...
"Ok nasa pet shop kami. Bilisan mo nalang." Saad niya at ibinaba yung tawag.
Mabilis akong naglakad papuntang 3rd floor kung nasaan yung pet shop.
Malayo tanaw ko na si Jen na nakatayo sa harap ng shop. Nakangiti ko siyang nilapitan.
"Jen! Good Afternoon. Are you ok? Yung nangyari kaninang umaga its not your fault talagang mahirap yung kanta." Bati ko sa kanya.
"Hi! It's ok hindi ko naman dinamdam masyado yung sinabi niya ok naman na ako ngayon." Sagot niya.
"Glad to hear that, bago ko ibigay yung ipinunta ko dito may I ask you a question?" Tanong ko.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Umm papayag ka pa rin ba na ako yung maging date mo sa Academy Ball tulad ng pangako ko sayo noon?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan siya ng sandali... "Akala ko mag date ka na? Bakit hindi mo siya ayain?" Tanong niya sa akin.
Sino ba kasi yung tao na sinasabi niya? Wala akong kaalam-alam sa tao na iyan.
"Bakit naman ako magtatanong ng iba kung matagal ko nang natanong yung magiging date ko? So papayag ka pa ba?" Panlilinaw ko na wala pa akong inaya.
"I don't know. Matagal pa naman yung Academy Ball let's see." Tugon niya. Ibig sabihin ba niyo may pag-asa talaga ako?
Inilabas ko na yung Cellphone niya mula sa bulsa ko at ibinigay ito sa kanya.
"Jen thank you! " Nakangiting wika ko sa kanya.
"For what?" Takang tanong niya.
"For not changing your pin code kahit mahirap yung sitwasyon natin ngayon." Saad ko.
"Why would I change it? Mahalaga sa akin itong date na ito and I want to keep it alive kahit hanggang sa Pin Code ko lang." Tugon niya.
Napangiti nalang ako ng marinig ko ang sagot niya sa sinabi ko. I know hindi parin siya bumibitaw.
"Jen can I ask you one last question?" Tanong ko.
I need to know kung sino yung babae na sinasabi ni Jen. Siya yung sumisira sa amin I need to know who she is bago niya kami masira ng tuluyan.
"Ano nanaman yun?" Tanong niya.
"May I know kung sino yung sinasabi mo na dapat ay ayain ko para maging date ko sa Academy Ball? Just to make it clear." Tanong ko.
"Tsk parang hindi mo naman siya kilala sa pananalita mo. Wag ka na ngang magkunwari. I know you know her." Saad niya.
"Please Jen gusto ko lang malaman." Saad ko.
"Ang gulo mo. Gusto mo siya yet nagkukunwari kang hindi mo siya kilala. At sa akin mo pa naitanong? Nananadya ka ba? Naaalala mo naman siguro yung ipinagtapat ko sayo and now you want me to say the name of your girl? Ok para matahimik ka na Xyan Mateo the name of your girl is..." Sunod-sunod na wika niya. Alam kong masasaktan ka Jen pero kailangan kong gawin to para mawakasan na lahat ng ito.
Sasabihin na sana niya yung pangalan nung babae but Alexis jumped in.
"Hey matagal na ata masyado usapan niyo." Tanong niya.
"Hindi tapos na kaming nag-usap. Lets go may pupuntahan pa tayo diba?" Tugon ni Jen sa kanya.
Kung mas tumagal pa sana nalaman ko sana yung pangalan ng babae na binabanggit niya. Arrgghhh ang ganda naman kasi ng pagkakataon ano.
Palayo sila ng palayo hanggang sa hindi ko na sila makita sa dami ng ibang tao na nagsisisdaan sa loob ng mall.
Bumalik na ako sa kotse ko at umuwi na ako. Wala naman na din akong magagawa. Baka magalit pa siya kapag makita niya na binabantayan ko siya. Mas gugulo nanaman pag nangyari yun.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Любовные романы✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...