Chapter 53: His Side I

63 5 0
                                    

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Back of the Admin Office🌟

Pinupunasan ko ang luha ko habang papunta sa  likod ng admin.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya.

"Sorry, may pinagusapan lang kami ni Xandre." Sagot ko.

"Do you really love him?" Tanong niya na nakatitig ng diretso sa akin. "More than you love me?"

"Bakit mo natanong iyan?" Balik kong tanong sa kanya.

"Wala lang nagseselos kasi ako kapag tinitignan ko kayong magkasama. Yung mas masaya ka sa kanya." Tugon nito.

"Xy pwede bang hindi na natin yun pag-usapan. I came here to know your side at kung wala ka din naman palang balak sabihin yun then there's no point on staying here." Nakataas noong tugon ko.

"I'd thought so. Ok but before I tell that I would want you to answer my only question. Then pagbabasehan ko yun kungbsasabihin ko oh hindi." Wika niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"After this is there any possibility na babalik tayo sa dati, like bestfriends, and hahayaan mo ba akong gawin ang matagal ko nang gustong gawin?" Tanong niya.

Hindi ko alam pero parang may nagustuhan ako sa sinabi niya is it yung babalik kami like bestfriend or yung gagawin niya yung matagal na niyang gustong gawin?

"Well it depends kung ano ang sasabihin mo. Kung acceptable ko ok then handa ako. But not sorry, pero may isa din akong favor." Paghingi ko ng favor.

"Ano yun?" Tanong niya.

"If ever acceptable yung reason mo, at pwede, wag kang masyadong umasa, Im still in a devastated condition at ayaw ko nang mas mawasak pa." Pakiusap ko.

"I will." Tipid na saad niya.

"Thanks ok then ano yung reason mo, speak up malapit na ang next period." Utos ko.

Umupo ito sa silong ng punk ng mangga at inaya niya akong umupo sa tabi niya na ginawa ko naman.

"I will enumerate it to you para mabilang mo naman. First, matagal na kitang gusto Jen. Noon pa, tanda mo noong hinarana kita I was expecting na iba yung isasagot mo noon pero iba talaga eh malayo sa inasahan ko, kaya yun hindi kita pinansin at umalis ng maaga. Pano ba naman yung mahal mo iba pala ang tingin sayo." Kwento niya.

"Please yung mga tanong mo itabi mo nalang pagkatapos kong sabihin lahat. Second, sa Cruise Ball, napakasaya ko noon, Im dancing with an Angel yung taong pinapangarap ko nahahawakan ko na yung bewang niya at yung makinis niyang likod, kaya nilakasan ko yung loob ko at tinanong kita kung pwede bang magkagusto yung isa sa atin. Kasi talagang mahal na kita. Ang saya ko noong pumayag ka." Pagpapatuloy niya na nakatingin aa langit na natatakpan ng dahon.

"Third On the day na nakita mo kami ni Roseth, I was proposing to her right? Nagkakamali ka, nagprapractice lang ako and she volunteered, sa totoo niyan sayo sana ako magproproposed pero antagal mong nawala on that day at nang bumalik ka kasama mo na si Alexandre." Wika niya.

Nagprapractice lang sila? Nakatingin ako sa kanya at seryoso itong nagsasalita.

"Next is on the river, noong inaya kitang maglakad, aaminin ko sana sayo na mahal na kita, pero inunahan mo akong magtapat, masaya ako noon kasi nalaman ko na gusto mo din ako yung nga lang ang alam mo ay si Roseth ang mahal ko. Sinubukan kong magsalita pero umalis ka na bigla." Pagpapatuloy niya.

Nakikinig lang ako, palalim ng palalim ang paghinga ko dahil sa mga sinasabi niya. I was wrong from the start, and yes nagawa kong putulin ang pagkakaibigan namin dahil sa paniniwala na iyon. Dumb Jenniah!

"Fifth, nakita ko kayo sa music room, magkayakap ni Alexandre, halos nahulog yung puso ko doon, umalis ako para i-comfort ka but your in someones arm already ag hindi ako iyon."

"Sixth, noong nakalimitan mo yung phone mo at ibinigay ko sa iyo yun sa mall noon, tinajong kita kung sino yung sinasabi mong babae pero di ko nalaman sana ay nalinaw ko sayo lahat."

"Seventh, akala ko noon ako yung magiging date mo kasi usapan natin yun matagal na diba? Si Alexandre pala, at ang masakit pa doon hindi man lang kita natulungan noong nawalan ka ng malay, ako ata yung pipiliin mo noon eh, inuna ko kasi si Roseth dahil naging mabait siyang kaibigan, tinulungan niya ako noong 12th friensary natin at noong nagpra-practice ako. Na akala ko ako parin yung pipiliin mo."

"Eight, this is the night of the ball, maaga akong pumunta doon dahil gusto kitang abangan, and yes youre the most beautiful girl in the venue that night, pero may halong lungkot noong lumuhod si Alexandre sayo at tumango ka, hindi ko alam yung pinagusapan niyo pero tumagos sa akin yung pwesto niyo palang paano pa kaya yung narinig ko ang lahat. Masaya ako dahil you became my Queen pero that night is also a nightmare, its the night where my Queen cut our friendship. Sana hindi nalang kita tinanong noon. Nagsisisi ako."

Sana mas inintindi pa kita noon Xy. I should have made a better desicion.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon