🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Park🌟Nakapalit na ako and ready to get my portrait.
I walk to the direction where Aaron told me to go. I recognize him by his back, he is now sitting on a bench facing a fence that is made up of cement sculpted like a wood it is also well painted.
"Aaron!" Pagtawag ko ng makalapit ako sa kanya.
Lumingon ito at tanging ngiti ang iginanti bago bumalik sa dating tinitignan.
Lumapit ako dito, he is now holding a canvas, I think its 48"x72" in size at hindi biro ang laki nito at alam kong hindi rin biro ang magpinta dito.
"Lets start!" Aya niya. Tumango ako at pumunta sa harap niya natulala ako ng makita ko ang ganda na nasa likod ng mga semtong bakod.
Ngayon ko lang narealize na nasa mataas kaming lugar. Maraming buildings even the academy I can see it's full view. May ganito palang nakatagong park sa may malapit?
"Beautiful isn't it?" Banggit ni Aaron. Napatango nalang ako bago ibinaling ang tingin sa kanya. Nakalagay na siya ng paint sa palettes niya na I think is arcylic paint.
Tumayo ako ng maayos at nakatingin sa kanya waiting for his instruction. A instruction from a maestro.
"Is that what you want me to paint?" Tanong niya. Ano ba alam ko I never experience standing infront of someone na iguguhit ako.
"I'm waiting for your instruction." Parang bobong sagot ko.
"You dont need my instruction, it's not for me but you, ano ba ang gusto mong itsura mo na lumabas sa painting? Be on your usual self with a natural smile." Pagwiwika niya. Hes right its not for him ako ang nagpapinta.
So then I stand sraight crossed closed legs, hands infront, relaxed and look at the painter.
Ngumiti ito ng mapansin niyang handa na ako at nagsimula nang ipahid ang brush niya sa palette na hawak niya.
[After one hour..]
Nangangawit na ang kamay ko na nasa harap. Matagal pa ba ito? Patuloy parin naman siya sa pagpinta.
[After another hour and 30 mins.]
Hindi pa ba tapos? Ngiti ko naman na ngayon ang nangangawit. Can we have a break? Pansin ba niya na medyo gumagalaw na ako kahit paa ko nanginginig na. Hindi ba niya pansin pangangawit ko? O nagpapanggap lang siya? Arrgh ang sakit na.
🌟Another Hour Past🌟
Ngayon buong katawan ko na even my eyebrows. Ang sakit na ng katawan ko biruin mo ba naman ang mahigit tatlong oras na nasa ganito kang posisyon namamanhid na din kasi yung paa ko na ilang segundo na lang ay matutumba na.
"Ok done!" Wika niya na hudyat na pwede na akong makagalaw. Malaking kaginhawaan ang naramdaman ko at halos napakapit pa ako sa fence. Hindi muna ako gumalaw kasi masakit yung minamanhid na paa ko.
"Hindi ako yung pinakamagaling na painter, sorry dahil baka malaglag lahat ng expectation mo sa akin. Ito lang maabot ng skills ko." Wika niya at ihinarap yung canvas.
Really? Lang?
"Are you joking? It's wonderful! Your skill is undoubtly amazing you should believe in your skills. Mas maganda pa ito na inaakala ko. It's a masterpeice for sure." Puri ko at napalapit sa kanya. He even got the backgroud. Dinala ng background.
"Thank you Jenniah!" Wika niya.
"Ano ka ba Aaron ako nga dapat ang nagpapasalamat eh." Tugon ko.
"Put your name please?" Utos ko sa kanya.
"It's not necessary. I often put my name in my artworks." Tanggi niya.
"No! I want you to put your name and your signature with the date today." Utos ko na akala mo kung sino.
Kinuha niya nalang yung brush na ginamit niya at idinikit sa kulay puting paint at nagsulat sa bandang bottom right ng canvas.
Matapos yun umupo muna kami kailangan pang matuyo ng painting. Malapit nang mag 3pm dahil sa tagal matuyo ng painting.
"Hey wanna take a selfie! Just to remind me about this day." Aya ko at hinila siya papunta sa magandang view.
Nagselfie kami at nang saktong may dumaan na lalaki, he's about in his late 20s.
"Kuya pwedeng favor?" Tanong ko.
"Ano yun miss?" Magalang na tugon nito.
"Can you take a photo of us?" Tanong ko at inilahad yung cellphone ko na nasa camera na.
"Sure!" Nakangiting tugon niya.
Then kinuha niya yung cellphone ko at kinuhanan kami ni Aaron ng pictures.
After that ibinalik na niya at nagpasalamat na kami then balik sa pagkakaupo.
"Let me drive you back to your house now. Tuyo na yung painting. At ayaw ko namang iwan ka na buhat buhat yan ang laki pa naman." Wika niya.
Tumango nalang ako sa bagay siya naman yung nagpresenta kaya nakakahiyang tumanggi.
Bumalik na kami sa kotse niya at ipinasok sa loob yung mga ginamit niya kasama na ang canvas.
🌟In Front Of Our House🌟
Nagpahatid na ako sa bahay para hindi na ako mahirapan.
"Thank you so much Aaron. Sa pagpinta sa akin at sa paghatid." Pasasalamat ko sa kanya.
"Wala iyon." Tugon niya. Lumabas ako ng kotse at kinuha yung canvas at yung paper bag with my clothes.
"Thank you sa uulitin! Ingat ka pauwi ok. Wag kang iinom ng soju!" Paalam ko. Marahang siyang napatawa.
"See you somewhere! Bye! You too baka kung ano nanaman masabi mo. Mababa pa naman ang tolerance mo sa alcohol." Subat niya.
Ipinaarangkada na yung sasakyan niya.
May sinabi ba ako? Kailan? Noong lasing ako? Ano? Wala akong maalala.
Ipinag-sawalang bahala ko nalang ito.Pumasok ako sa loob ng bahay bitbit-bitbit yung portrait ko.
"Mah! Pah! Nandito na po ako!" Tawag ko sa kanila.
Sinalubong naman nila ako at namangha din sa painting ko.
"Wow! Ang ganda mo naman diyan darling! Who is the painter?" Tanong ni mama.
"Si Aaron po kaibigan ko." Tugon ko.
"He really have a skill." Wika ni papa.
"Mah' Pah' pwede ba natin itong ipa-frame?" Tanong ko.
"Oo naman darling. Don't worry kami na ni Mama mo ang bahala diyan." Wika ni Papa.
Itinabi ko na yung painting ko sa gilid at dumiretso na sa kwarto to take some rest.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...