Chapter 35: A Drunken Night

78 9 0
                                    

🌟Xyan's PoV🌟
🌟After The Ball🌟

Im on my way to a bar. Na pagmamay-ari ng isang kaibigan ko. I really need a alcohol right now.

🌟At The Bar🌟

Umupo ako sa counter table...

"Fifteen shots of tequila!" Order ko.

Mabilis namang gumalaw yung Bartender at nagserve ng tequila. Isang higupan ko lang ang isang shot kaya mabilis kong naubos ang 15 shots.

"Another 20 please." Order ko. Medyo nagiinit na din ang katawan ko. Dahil siguro sa tapang ng tequila.

"Bro what brings you here? Any problem?" Bungad na tanong ni Ceasar kaibigan kong may ari ng bar na ito.

"I just had a bad night bro. And I really need some liquor." Tugon ko. Umupo siya sa tabi ko at umorder ng beer.

"What? Hindi ba magagalit yung pinagmamalaki mong bestfriend? Pasalamat ka nga at nakapasok ka pa dito kahit wala ka pang 18. Nasaan ba yung bestfriend mo, tinakasan mo ata." Tanong niya.

"Tsk. The who? No way." Mabilisan kong sagot.

"Huwag kang magkunwari you never enter a bar except kung wala kang mabigat na problema hanggang sa park ka lang but look at you now sitting at my counter drinking tequila. Speak up nag-away ba kayo nung sinasabi mong bestfriend mo?" Tanong ulit niya.

"I didn't have any bestfriend. Pinutol na niya yung pagkakaibigan namin kani-kanina lang in the ball and it's because of that Alexandre." Mahinang tugon ko at napatigil pa sa pag inom.

"Do you want some revenge?" Tanong niya na nakangisi.

Tinignan ko lang siya telling him to proceed talking.

"Since silang dalawa yung nanakit sayo, and you know na ginawa mo naman lahat para sa bestfriend mo but still she choose that guy over you, you really need a damn revenge bro. Just show 'em na wala lang sayo iparamdam mo kung paano kasakit yubg dinulot nila." Pagpapatuloy niya.

"No bro I can't do that to Jen kahit mas pinili niya si Alexandre may pinagdaanan din naman kami ni Jen." Pagtanggi ko.

"But bro hahayaan mo nalang bang maging talunan ka? Habang nalulungkot ka makikita mo silang masayang magkasama? That's not the Xyan I've know, Xyan is a tiger and not a Chicken. Just try my suggestions. All you need to do is to play with them." Panghihikayat niya.

"What exactly do you mean?" Tanong ko.

"Go and pretend na wala lang sayo yung ginawa nila. Go and make the girl jealous mas maganda yun lalo na kung may nararamdaman siya sayo. Go find your own girlfriend and get your revenge. Saka ka lang titigil kapag alam mong tama na yung nagawa mo para sa kanila. Basic." Explain niya.

So I will use her weakness for my revenge? Would that be fair enough? Or too much?

"Ok bro I will take your suggestion." Wala sa huwistong tugon ko. Nalasing na din ata sa alak yung utak ko.

"Sige Bro huwag kang magpakalunod sa alak baka di ka makauwi niyan hindi ko pa naman alam kung asan bahay niyo." Bilin ni Ceasar sabay tapik sa balikat ko at umalis na.

Tuloy tuloy akong uminom hanggang sa maka-40 shots ako ng tequila.

I was really drunk that moment I even can't think and see straight.

"Bro ano ba sabi ko sayo! Dont drink too much pano kita iuuwi ngayon. Give me your phone tatawag ako ng kakilala mo to get you." Pag-aalala ni Ceasar sa akin.

"Bro don't call my parent and sister." Paala ko in a drunken voice.

"Phew. Lasing ka na nga talaga." Tugon niya.

Yun ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.

🌟Ceasar's PoV🌟

I opened his phone at buti nalang walang password.

Dumiretso ako sa contacts niya at tinawagan yung unang pangalan sa list niya.

Calling... Amor Jen📞📞

Its a dead call baka low bat. or nakapatay cellphone niya.

Then I dried to call the second person.
Calling... Roseth📞📞

It took me 5 rings bago may sumagot.

"Hello?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Hello is this a friend of Xyan?" Tanong ko.

"Yes. Bakit is there anything bad happened to him?" Tanong niya.

"Well he's in my bar and he is seriously drunk I need someone to accompany him para alagaan siya. Ihahatid ko siya sa condominium niya ngayon." Wika ko.

"Ok I'll be there. Wait for me sasama ako sa inyo ako na ang aasikaso sa kanya." Tugon ng nasa kabilang linya.

Pinatay ko na ang tawag at ibinalik ang cellphone niya sa bulsa niya.

Matagal-tagal din bago nakarating yung tinawagan ko. Ipinasok namin agad siya sa loob ng kotse ko at doon sumakay inutusan ko ang isang staff to ko to drive his car at isunod sa condominium niya. Doon lang yung alam kong tirahan ni Xyan.

Inilabas namin siya at isinakay sa elevator bago kami pumunta sa room niya. I pushed him into bed habang masarap ang tulog niya dahil sa alak.

"I'll be going now then sabihin mo nalang kapag nagising na siya na tawagan niya ako ok." Paalala ko sa tinawagan ko, hindi ko pa siya nakita.

"I will thank you for helping Xyan." Wika niya. Lumabas na ako sa room niya at bumalik sa bar kasama ang staff ko na nagdrive ng sasakyan ni Xyan.

🌟Kinaumagahan🌟
🌟Xyan's PoV🌟

Dahan-dahan kong binubukas ang mga mata ko dahil medyo nahihilo pa ako. Then when I look around, it looks like nasa condominium ako. But who put me here? Sino ba yung tinawagan ni Ceasar kagabi? Wala na akong maalala.

Tumayo ako at dumiretso sa kusina doon ko nakita si Roseth na naghahanda ng pangumagahan.

She is the reason kung bakit nauwi ang lahat sa ganito. Kung bakit kami nasira ni Jen. Dahil sa galit ko itinulak no siya hanggang sa madikit siya sa pader at mabitawan ng kutsara't tinidor na hawak niya.

"Xyan anong ginagawa mo? Did I do something wrong? Please nasasaktan ako. Can we talk about it?" Angal niya.

Binitiwan ko siya at napasuntok nalang sa pader.

"There's no use for that nasira mo na lahat. At bilib ako sayo because you won." Wika ko at nagpalit. Then umupo ako sa kama kahit may hang-over pa ako binabalewaka ko nalang. I opened my phone and go to instagram. And unluckily post ni Jen ang unang nagpakita.

She post a photo of her and Alexandre with a caption; Worry Less Smile More. Why not? #saturdayismallday
#newphone

Naalala ko yung sinabi ni Ceasar sa akin kagabi.

Agad agad akong nag-ayos at kinuha ang phone at wallet ko. Then hinila ko si Roseth papalabas ng condominium ko at ipinasok siya sa loob ng kotse ko na hindi ko alam kung bakit nakaparada ngayon dito.

"Hey Xyan where are we going?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko iyon sinagot at diretso ang tingin sa daanan, mabilis kaming pumunta sa mall kung nasaan sila Jen ngayon. Wala nang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang makaganti sa kanila ngayon even if I will hurt her feelings.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon