Chapter 28: Can I Be Your Date?

86 7 0
                                    

🌟Kinabukasan🌟
🌟Xyan's PoV🌟
🌟Alpha's Quadrangle East Part🌟

"Ready na ba lahat? Naidistribute niyo na ba yung mga roses?" Pagtatanong ko kay Silver.

"Oo bro chill ka lang kasi." Pagpapakalma niya sa akin.

Nang tignan ko yung paligid marami nang nakahawak ng rose na may blue ribbon. Pero hindi lang yun yung napansin ko may ibang students din na nakahawak ng mga tulips in different colors.

"What's with the tulips?" Tanong ko sa kanya.

"I don't know. May hawak na silang ganyan noong magbigay kami ng mga roses. Binigyan pa nga ako ibigay ko daw kay Alexis mamaya." Tugon naman niya.

Siguro naubusan na sila ng roses kaya tulips nalang.

🌟Alexandre's PoV🌟
🌟Alpha's Quadrangle West Part🌟

"Ready na ba lahat? Where is she?" Pagfollow up ko kay Alexis.

"Yeah the tulips is given to 13 men to be given to the 13 ladies na kasama ni Jenniah mamaya including me. And sabi niya she's on her way. Magaabang nalang kami sa main gate." Tugon niya.

"Good. Sige make sure na hindi kayo papalya." Paalala ko.

"Basic!" Tugon niya. Patakbo siyang tumungo sa main gate. This is it.

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟On The Way To Alpha🌟

Tomorrow is the Academy Ball for sure marami nang mag-aayang lalaki sa mga babae ngayon sa academy with their own style and strategy. Every year may Academy Ball and Last year si Xyan Date ko. Hindi ibigsabihin na may date ka na is siya nalang yung isasayaw mo. No siya lang yung kasama mo sa pagpunta at siya yung 1st dance mo pero kung may gustong sumayaw sayo ok lang basta gusto mo. At sa huli nanaman ng program everyone will vote for their chosen Academy Queen and King. Last year hindi ako yung naging Queen kasi may nangyaring emergency sa bahay at kailangan kong umuwi ng maaga at hinatid ako ni Xyan. But now sana maging Queen ako it's every girls dream.

Nasa tapat na kami ng Main Gate at mula sa loob ng kotse pansin ko nakakaiba ang dami ng tao dito.

"Thank you Tito Harry mamayang tanghali namaman mo 11:45 thank you ulit." Paalam ko kay tito sabay labans ng kotse.

I look at my watch and its still 7:23 in the morning.

Pinaandar na niya at umalis. Pagkapasok ko sa main gate nakita ko si Alexis kasama ang iba naming classmate.

"Jenniah! Dito! Sabay sabay na tayo ikaw nalang hinihintay namin." Tawag ni Alexis at sumabay na ako.

Habang lumakad sa gitna ng quadrangle napatingin ako sa palaigid this is really the season where in every male students will ask a female student na makasama nila sa Academy Ball.

"Alexis for you." Pagbibigay ni Silver sa kanya ng isang tulip.

"Awww sana all Alexis!" Wika ni Rebecca na kasama namin.

Napangiti nalang siya.

Then may tatlong lalaki na lumapit sa amin may hawak din silang tulips at ibinigay kila Rebecca, Nathaly, and Lea. Nakakakilig naman sila. Tulips is one of my favorite flower well except for roses which is my fave in the whole world.

Sunod sunod silang lumalapit sa amin at binibigyan sila ng bulaklak as of now ako nalang ang walang bulaklak.

Then I heard a music played on the west part ng quadrangle.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon