🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Dumlao's Residence🌟It's saturday and may lakad ako kasama si Xandre!
Nakaupo ako sa harap ng mirror desk ko sinusuklay ang magandang buhok ko.
"Hay ang ganda talaga ng babae na kaharap ko sa salamin." Wika ko sa sarili ko habang nakangiti.
Mamaya pa niya ako susunduin kaya magpapaganda muna ako.
Pumasok ako sa walk-in closet ko at kinuha ang mga damit na gagamitin ko. Inilapag ko sa kama ang pinili kong outfit for this day. A Chanel Vintage Short Sleeve Top then a Frame Ali High Rise Skinny Jeans pair with Adidas Superstar Shoes. Kumuha din ako ng Jacket sa Closet ko. A Levi's Type III Sharpa Collar Jacket.
I'm ready to go....
Kasalukuyan akong nakatingin sa salamin nang may bumusina sa labas ng bahay, that should be Xandre na. Mabilisan akong bumaba at dumiretso sa pinto ng maalala kong magpaalam kay mama at papa na nasa kusina.
"Mah! Pah! Alis na po ako." Pagpapaalam ko, alam nilang kasama ko si Xandre at may pupuntahan kami.
"Ok Darling! Be careful sabihin mo kay Alexandre na huwag masyadong mabilis ang pagpapatakbo ng kotse ah baka madisgraya kayo." Paalala ni Mama.
"Opo mah' maingat naman po si Xandre. Pah' alis na po ako." Tugon ko.
"Sige Baby huwag kang magpapagabi ah." Tugon ni Papa.
Lumabas na ako sa labas at nakita ko yung isang kotse but instead of a male isang babae ang nakita kong lumabas sa kotse and its a very familiar face.
"Ate Xyra? Ano po ipinunta niyo dito? Do you need something?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya habang papalapit sa harap ng gate.
"Jenniah alam mo ba kung asan pumunta si Xy-Xy kagabi?" Tanong niya na may bakas ng pag-aalala sa mukha niya.
Xy didnt come home last night? But why? Asan ba siya pumunta last night?
"Hindi po ba siya umuwi last night?" Tanong ko.
"Umuwi siya pero nagpalit lang siya ng damit at umalis na din agad without telling us where. So nagbabakasakali akong alam mo since you're the bestfriend." Wika niya na nag-aalala.
Sorry to tell you Ate Xyra pero we are not bestfriends anymore if only kaya kong sabihin sayo ang mga ito pero natatakot ako. You're very supportive and I don't want na makadagdag pa ako sa problema mo.
"Sorry Ate but he didn't say something. Maybe he's in his condominium." Tugon ko.
"Sige pupunta ako doon mamaya. Yung dati parin ba yung number mo?" Tanong niya.
Speaking of number na nakasalpak sa cellphone ko I just Powered it Off kagabi at itinago ko. That phone just remind me of Xy at kailangan kong itago lahat ng mga makapagpapaalala sa akin. All the clothes he gave are in one wardrobe at nakalock, all the shoes are in their boxes at nakalagay sa isang box place in the corner of my closet katabi ng nakalocked na wardrobe.
"Umm Ate nasira po kasi yung phone ko and kasama na yung simcard ko and I was going to buy a new one." Oo Ate nasira itinago ko na po kasi. And I really need a new one.
"Ganun ba, sige number ko nalang ibibigay ko sayo text me if you have bought a new one ok." Tugon niya. Labas niya ng calling card niya sa wallet.
"Opo Ate." Sagot ko at tinanggap yung calling card niya.
Pumasok na siya sa kotse niya at umalis na.
Bumalik ako sa loob dahil nakalimutan kong dalhin yung handbag ko. Bumalik ako sa kwarto ko at tumingin ng mga handbag at natipuhan ko yung Chanel Classic Handbag ko. Perfect.
Inilagay ko doon yung calling card niya kasama yung wallet ko with cash and my dad's credit card then my handkerchief.
[Beep! Beep!] May bumusina sa ulit. Si Xandre an siguro ito. Bago ako lumabas sinilip ko muna sa bintana and Yes it's him.
"Xandre!" Tawag ko sa kanya.
"Goodmorning My Queen!" Bati niya.
"Goodmorning!" Ganti ko.
"Get in marami pa tayong gagawin!" Wika niya at pinagbuksan ako ng pinto. "By the way ang ganda mo ngayon. Mas lalo akong naiinlove sayo."
"Kailangan mo pa bang sabihin yan? Ikaw talaga. Pero Thank you for the compliment." Tugon ko.
We are going to the mall doon kami papasyal as well as bibili na din ng bagong phone.
"Niah, ok ka na ba ngayon? Ikinuwento ni Alexis ang lahat ng sinabi mo sa kanya. It's not her fault ako yung nagpumilit kaya huwag kang magagalit sa kanya I'm just worried about you." Tanong niya.
"It's ok hindi ako magagalit. Medyo ok na ako, but I still need more time para makalimutan ko ng tuluyan si Xy." Sagot ko.
"Niah may ipagtatapat ako sayo sana hindi ka magalit." Panimula niya.
Tinignan ko siya habang nagdri-drive bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya what could it be?
"The night lumabas ako ng gym para kausapin ko si Mama the real thing is hindi ni mama ang kinausap ko noon. Its Zarinah my ex girlfriend. And gusto niyang magkabalikan kami, she is willing to give me what I've been asking for a long time, a second chance. But I said that it is impossible anymore kasi I already fallen for another and that is you Niah. Ikaw ang gusto ko and even bumalik pa si Zarinah sa buhay ko ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko." Pag-amin niya.
"Xandre I really... thank you!" Wika ko at niyakap siya. All my life ngayon lang ako pinaglaban ng ganito and damang dama ko lahat ng yon. I hope Xandre is the right person for me. I can feel he will be the one.
"Ganoon kita kamahal Niah. At walang makaksira ng pagmamahal ko sayo." Tugon niya and hug me back.
Sa pagkakataong ito gusto ko na siyang sagutin. But I still need to know him more pero sasagutin ko siya sa tamang pagkakataon. Kapag kilala ko na siyang tuluyan.
I know Xandre will be the person na tutulong sa akin at gagamot ng puso ko that time nakalimutan ko na si Xyan. And start my life with Xandre by my side I have a big hope in Xandre. And I hope it wont be a false hope.
Dumiretso kami sa parking lot ng mall. Then magkasama na pumasok sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/200321507-288-k896095.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...