🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Alpha A's Quadragle🌟Naka-position na kami at si Xandre nalang ang hindi.
"Bago ka? Pwedeng kang pumwesto sa slot diyan oh." Instruct ni Mr. Jheomar sa kanya.
"Its ok Sir I'm not into dancing." Tugon naman niya.
"Sinungaling. Halos yun nga ginagawa niya buong araw minsan." Saad naman ni Alexis.
"Magaling siyang sumayaw?" Tanong ko.
"Hindi lang magaling. Alam mo ba na marami din ang kumukuha sa kanya. Pero tulad ng sabi ko mataas siyang tao tinanggihan niya lahat." Chismis niya.
"Kailangan mong sumali Bro. All students to. Para maexperience mo naman yung buong foundation." Wika ni Julius.
Nakatingin lang siya na napipilitan. Even I want to see how good he is. I need to do it.
Akmang lalapit ako sa kanya nang hawakan ni Alexis yung braso ko.
"Ano nanaman gagawin mo? If you are planning to ask him to join. Itigil mo na hindi mo siya mauutusan. Believe in me." Paalala nanaman ni Alexis.
"Chill he's not that bad isa pa hindi ko siya uutusan aayain ko lang naman." Pamimilit ko.
Lumapit ako sa kanya... " Xandre you need to join its a grade level competition and wheres the fun in this foundation if you wouldnt join in the main contest come on." Tawag ko sa kanya.
"Hindi ako marunong sumayaw Niah." Tugon naman niya.
"Sinungaling. Come on dance with us." Tawag ko sa kanya at hinila ko yung kamay niya.
"Since it is your request I will go." Tugon niya ngumiti nalang ako.
Pumosition siya sa line ng boys na nasa line ko.
The practice went well at mabilis natuto si Xandre ng mga steps mas magaling pa siyang sumayaw sa akin pero mas magaling parin si Xyan para sa akin.
Ano ba Jenniah iniisip mo nanaman yung tao na sinaktan ka.
🌟After A Couple Of Minutes🌟
Im Exhausted. Hindi ba uso yung break?
"Good I think ready na kayo. And well to the new one I can say your a great dancer yet you said youre not into dancing." Puri ni Mr. Jheomar.
"Class since maghahapon na at alam kong pagod na kayo you may now go home. Magpahinga kayo para may lakas ulit kayo bukas." Wika ni maam.
Kinuha na nila ang mga gamit nila at nagsiuwian na.
"Hey wanna go with us ni Kuya kakain kami. Alam kong hindi ka tatanggi." Aya ni Alexis sa akin.
Papayag sana ako nang tawagin ako ni Xyan... "Jen!" oo nga pala pumayag ako na kasabay ko siya umuwi.
"May pupuntahan ka?" Tanong ni Xyan sa akin.
"Meron sana pero wag nalang. Sabay na tayo? Lets go!" Aya ko sa kanya. Magkatabi kami palabas ng school.
"Xyan uuwi na kayo?" Tanong ni Roseth na papalapit ulit sa amin.
"Oo eh. Bakit?" Tugon naman ni Xyan.
"Aayain ko sana kayo na kumain sa starbucks." Tugon niya.
"Xyan you should go. Kaya ko din namang umuwi on my own." Saad ko kay Xyan.
Siguro ganito na lang ang gagawin ko buong buhay. Pilit na ilalayo ang sarili ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...