Chapter 21: Trouble

97 5 0
                                    

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Alpha's Cafeteria🌟

"Jenniah baka magbago desisyon mo kailangan ka namin sa chorus." Wika ni Rebecca sa akin.

"No need ayaw ko nang sumali it's ok kung wala akong additional points sa performance natin ayaw ko lang talagang nasasabihan ng masasamang salita just by saying the truth. At isa pa our adviser is the one you should ask." Saad ko.

Umalis ako sa harap ni Rebecca at bumalik sa upuan namin nila Alexis at Xandre.

"Here, sure ba kayong yan lang ang gusto niyong kainin?" Tanong ni Xandre sabay bigay ng binili niyang pagkain na nakalagay sa tray.

"Oo we're good." Tugon ko.

"Guys can I join you? Wala na kasing space eh." Tanong ni Xy na may dala-dala ding pagkain.

"Ay oo nga pala nakalimutan ko yung phone ko sa bag ko na nasa room kukunin ko lang." Palusot ko upang makaiwas kay Xy. Mabilis akong tumayo at lumabas. Kinuha ko na din yung pagkain ko para wala na akong dahilan na bumalik.

I walk passed 10 benches before I sit into one malayo na ito sa kanila.

🌟Xyan's PoV🌟
🌟Cafeteria🌟

Sinusubukan kong humuli ng pagkakataon para makausap ko si Jenniah but no good. Lagi siyang lumalayo. Sino ba kasi yung babae na sinasabi niya? Wala naman akong gustong iba maliban sa kanya kaya papaano niya nasabi na may iba akong gusto kung wala naman akong maalala na babaeng nagustuhan ko?

Pagkapasok ko palang na pagkapasok nakita ko na siya with Alexis at yung kuya niya?

Mabilis akong bumili ng pagkain ko at dumiretso sa kanila.

"Guys can I join you? Wala na kasing space eh." Tanong ko sa kanila upang makausap lang si Jenniah.

"Ay oo nga pala nakalimutan ko yung phone ko sa bag ko na nasa room kukunin ko lang." Pagdadahilan niya at tumayo, kinuha yung pagkain niya saka mabilis na lumabas.

"Alam niyo ba kung asan galing si Jenniah kaninang umalis siya? Ikaw umalis ka din pagka-alis niya diba? Saan ba siya pumunta kanina?" Tanong ko kay Alexandre.

"Sorry bro hindi ko na siya nakita noong lumabas ako sa CR ako dumiretso kanina nakasalubong ko nalang siya at saktong inaya ko na upang kumain." Saad niya.

"So sa CR pala yung music room mo bro? Tapos nagkasalubong pala yung niyakap mo!"  Saad ko hindi siya nagulat dahil totoo naman.

Pagkatapos siguro ng 10 minutes na lumabas si Alexandre sumunod ako at habang hinahanap ko si Jenniah nadaanan ko yung music room at medyo nakabukas yung pinto. Sinilip ko yung loob at laking gulat ko nang makita ko si Jenniah hugging him at masaya sila. Nasaktan ako sa mga nakita ko pero hindi ako naniniwala na magkakagusto agad si Jenniah sa iba dahil kahapon lang ipinagtapat niya sa akin yung totoo.

"Alam mo naman na pala bakit ka nagtatanong. Alexis get your food at lalabas na tayo dito." Utos niya sa kapatid niya.

"Kukuha lang ako ng plastic bag." Paalam ni Alexis at pumayag siya kaming dalawa nalang ang naiwan. Pagkatayo niya tumayo na din ako...
"Bro may gusto ka ba sa kanya? Dahil kung paglalaruan mo lang siya ngayon palang itigil mo na yang plano mo. Dahil malalagot ka sa akin kapag nalaman ko na sinaktan mo siya. Hindi siya nararapat sa mga tulad mo." Saad ko sa kanya.

Nakangisi siya na humarap sa akin... "Bakit may magagawa ka ba kapag sinabi kong gusto ko nga siya at plano ko siyang ligawan? Di ba ikaw yung nanakit sa kanya? Ikaw ata tong g*g* eh pinagsasabihan mo ako na hindi siya sasaktan eh ano sa tingin mo ginawa mo? Ang lakas ng loob mong sabihin yan don't worry bro hindi ko siya sasaktan na tulad ng ginawa mo." Saad niya sa akin.

"Hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari. Huwag na huwag mong gagalawin si Jenniah dahil matitikman mo kamao ko." Pagbabanta ko sa kanya.

"Gawin mo hindi ako natatakot." Saad niya at tuluyan nang umalis.

I can't let Jenniah be in Alexandre's hand I won't let it. Kailangan kong sabihin sa kanya yung totoo sa lalong madaling panahon.

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Benches🌟

Naubos ko na pagkain ko kakaisip kung papaano ako babalik sa room.

"Jenniah bakit nag-iisa ka?" Tanong ni Roseth sa akin.

"Ah eh wala lang. Ikaw bakit ka mag-isa?" Balik ko sa kanya ng sarili niyang tanong.

"Well... hinahanap ko nga si Xyan eh nakita mo ba siya?" Tanong niya.

Iniinis mo ba ako ateng? Gusto mo macremate?

"Ayh oo nasa Cafeteria siya kanina. Puntahan mo na baka mag-alala yun." Saad ko.

"Oo nga eh alam mo very caring siya. Tignan mo ito oh binigay niya ito kaninang umaga lang. Ang ganda diba?" Pagpapainggit niya sa hikaw neto. Bigay niya? Good for you Roseth.

"Oo maganda. Sabi nila may nagugustuhan daw si Xyan ikaw yun ano?" Tanong ko sa kanya to get clear kung hindi ko matanong si Xy why not Roseth diba?

"Parang ganoon na nga. Binigyan niya ako ng boquet kahapon. Alam mo ba ang saya saya ko. Inaya ko pa nga kayo pero hindi ka naman pumayag tapos may biglang emergency naman si Xyan." Masayang sagot niya.

"Good for you and sorry kung hindi ako pumayag kahapon hindi lang kasi maganda pakiramdam ko eh." Palusot ko sa kanya.

"No its ok. Isa pa lalabas din naman kami mamaya wanna come?" Tanong niya.

"Wag na. Pinapauwi din kasi ako ni Papa ng maaga mamaya sasamahan ko daw sila sa meeting nila." Pagsisinungaling ko.

"Ay oo nga pala malapit na yung Academy Ball sino naman date mo?" Tanong niya sa akin.

"Umm hindi ko pa iniisip yan. At kung tungkol sa date wala pa bakit ikaw meron na ba?" Tanong ko.

"Wala pa nga din but I have a hunch na tatanungin ako ni Xyan." Saad niya.

Bakit ba lagi niyang sinasali si Xyan. Oo alam ko na gusto ka ni Xy pero bakit sa akin mo pa sinasabi? Kung gusto mo itong ipagmalaki then go to the announcement room at ibalita mo sa buong Campus hindi lang sakin. Nananadya ka ata eh.

"Sana maging totoo ng yang kutob mo." Pagsakay ko sa kasiyahan niya.

"Sige na puntahan ko na siya. Bye for now." Paalam niya.

Hindi ko ito sinagot at nagpanggap na wala lang narinig.

Roseth is his date? Good for him. Pano ba naman si Xyan lang naman yung nangako sa akin na siya yung date ko sa Academy Ball na ito. Such lies.

Well yun yung sabi niya noong hindi pa siya nagkakagusto sa iba.

Since hindi na kami magprapractice ng Zumba at hindi naman na ako kasali sa Chorus uuwi nalang ako.

"Uuwi ka na? Ang aga naman?" Tanong ni Alexis sa akin.

"Oo eh wala din naman akong gagawin dito I quit in the Chorus ano pa naman gagawin ko mas maganda nalang umuwi at matulog." Sagot ko.

"Then gala nalang tayo uuwi nadin kami ni Alexis para magpalit tapos gala tayo sa mall para naman hindi boring, kung matutulog ka lang buong araw eh di mas maganda na ding sa mall na lang tayo." Pag-aaya ni Xandre.

"Sige ba. So saan tayo magkikita?" Tanong ko. Wala akong sasakyan eh and I cant ride our car kasi di ko alam.

"Susunduin ka nalang namin para isang sasakyan nalang gagamitin natin. So be at your house at 1:30pm?" Tanong niya.

"Sure. Aabangan ko kayo. Uwi na tayo quarter to 12 na." Saad ko.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon