Chapter 24: Foundation

84 7 0
                                    

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Academy's Quadrangle🌟

Nakaupo na kami sa mga benches with our school P.E. uniform na gagamitin din namin para sa Zumba competition mamaya.

"What an excellent day to each and every Alpha Students and Teachers. Today is the celebration of its 49th birthday and we conducted a program with different activities sunch as Zumba, Chorus, Vocal Competitions, and K-pop Dance. But before we proceed to that let us lend our ear to Mrs. Hazel Constantino for her opening speech which will be followed by Mr. Louie Valdez to state the history of our humble istitution." Pangunguna ni Mrs. Deline Santiago isa sa pinakamagaling na Language teacher ng Academy na ito.

Nakakabagot makinig sa history ng school na lagi naman nilang binabasa nadadagdagan lang mas tumatagal.

Umalis ako sa venue para mag lakad-lakad. Matagal pa bago magsimula yung zumba at kami pa yung last performers.

Sa rooftop ako pupunta para makapag isip-isip at sakto din yung rooftop kitang kita ko yung buong venue mula doon.

🌟Building's Rooftop🌟

Hayyss sana ganito nalang talaga lagi! Tahimik payapa na kung saan malayo sa kaguluhan.

Hindi ako makapaniwala ang bilis ng mga pangyayari. Kailan lang noong 12th friendsary namin then the ball in the cruise hanggang sa nakita ko si Xy at Roseth at doon ko din nakilala si Xandre.

Then sa mall kahapon nanaman parang hindi alam ni Xy kung sino yung sinasabi ko. Ang gulo talaga kahit ako ramdam ko na malaki na pinagbago ko magsimula noong makita ko sila. I became bad selfish at bugnutin.

If ever hindi tinanong ni Xy sa akin yun noong gabi ng ball is it still the same? Ganito parin ba yung mangyayari? Mawawala ko na ba yung bestfriend ko na minahal ko ng totoo?

"Princess bakit ka nandito?" Tanong ng boses sa likuran ko and without doubt kay Xy yung boses.

Hinarap ko siya at tama ako si Xy nga.

"Xy! How about you why are you here?" Balik kong tanong sa kanya.

"Hindi ka parin nagbabago. You know you should answer my question with an answer not with another question." Saad niya at tumabi din sa akin. Now Im facing the opposite direction where he is facing.

"Sorry. I just want to take some fresh air at para makapag isip-isip nadin. Now your turn to answer my question." Tugon ko.

I heard him exhale before saying something... "You know if it is your favorite place hindi mo mapipigilang pumunta dito. Nakasanayan ko nang pumunta dito when I miss someone."

I look at his eyes... "And who is that person?" Tanong ko.

"You." He reply at nakatingin din sa akin ng diretso.

Inilipat ko nalang yung tinitignan ko at humarap sa dati kong pwesto kanina.

"Ang galing mo paring mambola kahit may iba ka nang..." Nagsasalita palang ako ng magsalita din siya.

"Jen please huwag na nating pagusapan yan masisira lang usapan natin. Can we just be like the old us? Yung masaya at walang problema. Kahit ngayon lang. I really miss the time na nahahawakan pa kita at nabibiro, yung ngumingiti ka dahil sa akin. Yung ginugulo mo yung buhok ko at yung binibigyan mo ako ng chocolate bawat umaga. I miss that time. I miss you." Seryosong saad niya sa akin. So he' s not joking.

"Alam mo Xy when you love someone you need to be prepared for the consequences na maaari mong harapin in order to retain the love and the person you love. It's awkward to hear na yung babae yung umaamin sa harapan ng lalaki diba? But it doesn't matter for me. I'm afraid to lose you kaya ako umamin that day na baka kahit unti lang mapanatili kita kahit as a friend na lang basta hindi ka tuluyang lumayo sa akin. Sinabi ko sayo na kakalimutan ko na yung nararamdaman ko. I tried but I failed sa part na kung saan ayaw kitang kalimutan kasi naging mahalaga ka na sa akin. Pero dahil doon nasasaktan lang ako unti-unti nitong dinudurong yung puso ko kapag naiisip ko na I was holding on to my feeling towards you habang ikaw iba na ang may hawak sa puso mo. Tanga lang gagawa nun diba?" Saad ko.

Nandito nanaman ako nagdradrama na parang tanga sa harapan ni Xy.

Hinawakan niya yung balikat ko at iniharap sa kanya. Nang biglaan niya nalang akong niyakap ng mahigpit.

"Jen please keep that feeling and no matter what never let it go." Saad ni Xy sa akin habang yakap yakap ako ng mahigpit.

"Anong ibig mong sabihin Xy?" Tanong ko. I was expecting na magsososry siya at ipapaunawa sa akin na may iba na siyang gusto at hindi ako 'yon.

"Just remember what I said. Can we stay in this position a little longer? I really damn miss you. Your smell and your warmth." Wika nanaman niya.

I hug him back at sinulit nalang ang mga sandali. Kasi alam ko na panandalian lang naman ito after this bababa kami at balik nanaman sa dati na magulo.

"Kung pwede lang habang buhay na tayong ganito. I miss you too Xy." I replied.

Nanatili kami na ganoong posisyon hanggang sa nag-announce si maam na susunod na yung grupo namin na magpeperform. Mabilis kaming bumaba at sabay na bumalik.

"Jen pwede ba kitang kausap-usapin? Pansinin at makipagkwentuhan ulit sayo gaya ng kanina?" Tanong niya.

I nod for a yes.

We perfomed at kasunod nito ang ibang mga contested activities unfortunately wala na akong sasalihan kaya nagpalit na ako ng damit ko. A gray hoodie sweater, black jeans, my white nike shoes na ginamit ko kanina then a bonnet na gray din.

Hindi maaraw hindi din naman umuulan makulimlim lang at mahangin sakto lang yung dinala kong damit.

"Ate Jenniah! Hello remember me?" Tanong ng isang lalaki na mas bata sa akin.

Oh I remember him siya yung nagbigay sa akin ng pabango ko... "Yeah ofcourse ikaw yung lalaki na nagbigay sa akin ng pabango ko. Thank you ulit ah. Ano pala maitutulong ko?" Tugon ko sa kanya.

"Can I dance with you at the Academy ball? Kahit isang kanta lang?" Tanong niya.

"Sure. Why not! I will reserve it for you. Kailangan ko nang umalis, nice to meet you again." Paalam ko at umalis na sa harapan nila.

At the end of the day kami ng overall champion! We got the 1st place in the zumba, 5th in the chorus, at first na din sa iba. Hakot award kumbaga.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon