🌟Alexandre's PoV🌟
🌟Searching At The Moment🌟Nandito ako ngayon wondering if I can find Alexis's friend. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na tulungan si Alexis na hanapin ang kaibigan niya ang alam ko lang is that there was something about her na nagtulak sa akin na tumulong. And her eyes, the time I got to look at it very cold, full of pain.
Nalibot ko na yung mga kahoy dito but no signs of her. Then may nakita akong isang lalaki, maybe he's the utility lumapit ako at nagtanong.
"Excuse me Sir may itatanong lang ako asan pa ako makakakita ng lugar na maraming puno sa loob ng compound?" Tanong ko.
"We have a forest area on the east side of the Academy may maliit na pavillion doon if you want some peaceful time." Tugon naman niya.
Bingo! Pwedeng doon siya pumunta... "Thank you Sir." Pasasalamat ko.
Patakbo akong dumiretso sa East side at nakita ko mula sa malayo ang pavillion na binabanggit niya. Pumunta ako doon and just as I though I saw her sleeping.
Umupo ako di kalayuan sa kanya at ginising siya. "Wake up! Everyone's searching for you." Paggising ko sa kanya.
Hindi ko pa siya kilala but I'm acting like it. Magaan ang loob ko sa kanya not like those people na sana hindi na kami magkasalubong pa ng landas.
It felt like she's different from the other girls I have met. Hindi ko kayang magalit sa kanya I don't know why?
"Huh? Did I over slept?" Tanong niya. Habang pinupunasan yung mata niya.
"Yes you did, let's just go in the main compound now." Aya ko sa kanya.
"Please can we stay here a bit longer? Oh your Alexis's brother right?" Tanong niya sa akin. Ngayon lang ba niya napansin?
"Yes. Alexandre Ramirez." Pakilala ko.
Inilahad ko ang kamay ako at tinanggap niya naman ito... "Jenniah Dumlao."
"Are you feeling better now?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know, what do you think? Do I look better now?" Tanong niya sa akin.
"I can't answer that question, you are the only one who can answer that." Saad ko.
"I really don't know what to do. My sanity is taken over the pain in me. What will I do?" Tanong niya.
"Ano ba yung problema mo?" Pangingialam ko sa problema niya.
"I will tell you but never tell anybody ok?" Wika niya sa akin. Looking straight at my eyes.
Natulala ako nang makita ko ang almond-eye niya in the color of hazel, so dazzling.
"S-sure. You can have my trust." Saad ko naman. Umupo siya ng maayos at nagsimulang magsalita. Paano ako makikinig ng maayos kung sa mata niya palang distracted na ako.
"There was a guy na matagal ko nang gusto, I've been doing nice things to him ever since close na nga din kami. But kaninang umaga narinig namin na may nagugustuhan na daw siya pero walang nakakaalam kung sino. Pero kanina lang nakita namin siya giving flowers to a girl at nagyakapan pa sila. Paanong hindi ako masasaktan sa nakita ko. I don't know what to do!" Pag-amin niya sa akin.
"Do you really love this guy? Then kung matagal mo na siyang gusto sana nagtapat ka ng mas maaga at nang hindi ka naunahan." Tugon ko.
"Paano ba naman kasi ang hina ng loob ko na magtapat. Kayo kasing mga lalaki lagi niyo nalang kaming sinasaktan. Halata naman siguro kung may gusto sa inyo yung babae pero hindi niyo yun napapansin at basta maganda at talented ok na. Ano ba! Ganoon na ba kababa tingin niyo sa amin? Pano na ako hindi ako kagandahan hindi din kabaitan hindi din talented, so wala nang magmamahal sa akin?" Paglalabas niya ng saloobin niya sa akin.
Sa mga sinabi niya natamaan ako bilang isang lalaki... agad-agaran kong hinawakan ang kanyang batok at inilapit ang mukha niya sa mukha ko... "Hindi lahat ng lalaki ay tulad ng iniisip mo. Tandaan mo lalaki din ako pero hindi ako manloloko. Linawin mo kung sino pinagsasabihan mo at huwag mong lahatin. Masakit din para sa akin because I am a male. Isa pa hindi ako yung lalaki na ang hinahanap ay kung ano ang nakikita. Linisin mo yang kasabihan mo tungkol sa mga lalaki dahil sa kanilang lahat asahan mo na ako ang kakaiba."
Natulala siya sa ginawa ko... matapos kong sabihin sa kanya iyon agad ko siyang binitawan... "Sorry nadala lang ako." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"No Xandre it's my fault tama ka hindi ko dapat gawing masama lahat ng lalaki just because of that guy did. Sorry." Seryoso niyang wika sa mababang tono.
Tinawag niya akong Xandre pero instead of anger saya ang naramdaman ko. I never let anyone even my sister to call me in another name pero bakit pag siya ok lang?
"Is it ok na tawagin kitang Xandre?" Tanong niya.
"Sure whatever you want. Ummm Jenniah ok lang ba kung maging friend tayo and how about Niah ang tawag ko sayo?" Tanong ko.
Ano bang pinaggagawa ko! Its not you Alexandre Ramirez. Dahil kaya sa babaeng ito kaya ako biglaang nagbago? Kahit magbago pa ako ng entoto basta siya ang bumago sa akin ok lang.
"Oo naman. Actually hindi ka naman pala ganoon kasama. In fact you're the opposite of what your sister are talking about. Sa kwento niya you're like a Dinasour with the mix of Dragon. Pero sa nakikita ko not even a nail of a Dinasour." Saad niya.
"Well the real thing is hindi naman talaga ako ganito kabait. Hindi pa ako ganito ka talkative pero di ko alam kung bakit ang bilis kong nag-iba dahil sayo." Tugon ko.
"Guess I'm a changer. Mas maganda namang ganito ka than the Alexandre Alexis is talking about. Mas gusto ko yung Alexandre na mabait at masayahin." Wika niya at ngumiti nang malawak.
"And mas prefer ko naman ang Jenniah na laging nakangiti at happy pill ko not the Jenniah na umiiyak at nambibintang." Tugon ko.
"Thank you Xandre for helping me with my problems. Nadamay ka pa tuloy." Pasasalamat niya.
"No worries basta ikaw. And hey hinahanap ka na nila kawawa ang mga Alto kanina. Let's go magsisimula na yung practice sa ground." Aya ko sa kanya.
Tumayo siya at inayos yung damit niya... "Let's Go!" Aya niya.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...