🌟Jenniah's PoV🌟
🌟After Dismissal🌟Lumabas kami at naiwan kami ni Sir sa loob. Nang lalabas na sana si Sir ay hinarangan siya ni Zarinah.
"How dare you humiliate me in front of them. I swear magbabayad ka." Babala sa kanya ni Zarinah.
"Hindi ka naman mapapahiya kung alam mo yung sagot Ms. Zarinah. At wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko." Tugon ni Sir sa kanya.
Padabog itong umalis. At doon naman na ako nagkaroon ng pagkakataon na lapitan si Sir.
"Sir are you okay?" Tanong ko.
"It's okay Jenniah dont worry about me. Isa pa good job kanina. Keep up the good work." Sagot niya at lumabas na sa room.
Is it just me or may mali sa hangin? Kasi feel ko may mali, may mangyayari, something bad. What could it be?
Lumabas ako ng room at dumiretso sa locker ko. Nakalimutan ko yung wallet ko nilagay ko pala sa paper bag kanina.
"Whats this?" Tanong ko nang may nahulog na isang papel.
[Dear Ate,
Hello Ate! Well matagal na po kitang hinahangaan, I was really shocked ng pumayag ka na maging kasayaw si Asher nakakainggit, sana tinanong din kita. By the way ang ganda mo po noon, Sana hindi ka napaso sa ginawa nung babae na malaki yung hinaharap. Keep safe ate remember na nadito lang kami taga-support mo.
-Your Supporter/Secret Admirer]Napangiti nalang ako. Isa sila sa dahilan ko kung bakit hindi pa ako sumasabog.
Iniligpit ko ito sa isang libro ko doon at kinuha ang wallet ko.
"Niah, can I talk to you?" Tanong ni Xandre sa akin.
"Ano gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko. Naka kunot ang mga kilay na nagpapakita ang nagaalab na galit ko.
"Please Niah wag kang magalit let me explain." Saad niya.
"Sino nagsabing nagagalit ako? No Xandre I wasn't, I was only disappointed to you dahil buong akala ko ipagtatanggol mo ako at sasamahan but no mas pinili mo si Zarinah over me. Dahil ba kasi siya yung nauna? Tell me the truth Xandre niligawan mo ba ako dahil naaawa ka sa akin? Kasi kung yun yung dahilan mo please itigil na natin to, ginagawa mo akong baliw eh." Sacrastic kong subat sa kanya.
"No Niah don't think that way. I really like you." Wika niya at hinawakan ako sa kamay.
"Then why Xandre bakit hindi mo ako pinagtanggol?" Tanong ko.
"Kasi utos yun ni Papa. Sorry Niah pero si papa ang tumawag sa kanya dito and he even made a deal with her father. Kaya gustuhin ko mang tulungan ka hindi ko magagawa. I need to obey my father." Sagot niya.
"Ganoon na ba ako kinakainisan ng papa niyo? Bakit hindi niya nalang ako kausapin at sabihin nalayuan kita? Bakit kailangan pa niyang papuntahin dito si Zarinah, para ako na ang kusang umalis?" Tanong ko. Im not convince in his reasons.
"Kasi alam niya na hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari." Sagot niya.
"Xandre, we only made it even complicated. If tito want me stop. Then so be it. Xandre ayaw kong nadadamay ka pa, because of me your life became miserable. Ayaw kong pumipili ka sa pagitan ko at sa isang bagay na hindi ko kailan man matatalo. I'm sick of this pain. Everytime I tried I failed so what's the reason for? Kung alam ko naman na mabibigo lang ako. Let's stop ok. Let's just stop. For the sake of us and your family. Let's forget all about it. Mas pipiliin ko nalang na mailayo sayo kaysa sa makita kong unti-unting nasisira ang mga taong minahal ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi man ito ang totoong dahilan ko kung bakit ko puputulin ang ugnayan ko sayo. I still need to do it.
Lumikod ako sa kanya at bigla nalang akong nakaramdam ng init sa likuran ko.
Xandre is hugging me from my back...
"Niah please we can make it through wag ko namang ilayo yung sarili mo sa akin. I love you. Please wag mong putulin ang ugnayan natin. I will wait kahit ilang linggo, buwan, o taon man ang lumipas maghihintay ako para sayo hanggang sa araw na sagutin mo ako. You didnt made my life miserable dahil sa totoo ikaw ang bumuhay dito. Please gagawin ko ang lahat para sayo Niah thats how I love you." Saad niya at mahigpit na nakayakap sa akin.
"Xandre, please wag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Yung love na sinasabi mo will just put you into the worst situation na kahit ikaw at hindi makakatakas. Love can bring the sweetest memories in our lives but also our worst nightmare. Kaya, hanggang maaga pa itigil na natin ito." Pagpupumiglas ko pero malakas ang yakap niya sa akin.
"Tell me Niah do you love me? Minahal mo ba ako?" Tanong niya.
"Yes! Oo Xandre minahal kita, mahal na kita kaya masakit din para sa akin pero alang ala sa lahat ng nagmamahal sayo magpaparaya ako." Wika ko na umiiyak.
"Niah please don't leave me. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Pagbitaw niya sa akin.
Hinarap ko siya at napalapit nalang ako ng makita ko ang mga luha sa maya niya.
Pinunasan ko ito... "Xandre please don't cry. Wag mo na akong pahirapan pa please."
"Bakit kailangan mong gumawa ng isang desisyon na para sa ikabubuti ng iba paano ka? Ano namang maiiwan para sayo?" Tanong niya at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko.
"Binitawan ko ang unang lalaking minahal ko, ngayon ang lalaking bumago ng buhay ko at nagpasaya sa akin, ang lalaking hindi ko inakalang mamahalin ko higit pa sa inakala ko. Masakit oo pero kung mas marami ang sasaya hindi ako magdadalawang isip, I won't be a selfish girl. Dahil mas mahalaga ang mga taong minahal ko kaysa sa sarili ko. Kahit ilang pa ang bitiwan ko gaano man sila kahalaga basta sa ikasasaya at ikabubuti ninyo gagawin ko." Tugon ko.
"So pinuputol mo na ang lahat ng namamagitan sa atin?" Tanong niya.
"Yes Xandre dahil kung mas tatagal pa ito mas mahihirapan lang ako. Lalo na ngayon na wala akong kasiguraduhan sa maaaring mangyari. Pero please wag kang magalit sa akin. Hindi ko alam kung bakit puro sakit nalang ang idinudulot ko pero sana intindihin mo, minahal kita kaya kita papakawalan. Hindi pa man tayo ganoon katagal magkakilala pero panatag na ako sayo. Xandre sana maintindihan mo." Pagpapaliwanag ko ulit.
"Hindi ko maintindihan, di kita maintindihan Niah why did you gave up so easily? Alam kong mahirap para sa iyo itong sitwasyon na ito pero alam ko na ang Niah na kilala ko ay hahanap at hahanap ng paraan para mantili. You know we can fight this together pero bakit? Bakit ang bilis mong bumitaw?" Tanong niya.
"Dahil hindi ako ng babae para sa iyo. Sasaktan lang kita. Please mas marami pang babae diyan. Ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa akin si tito. Kung pwede lang humiling sana..." Mabilis kong sagot.
"Ano Niah? Anong hiling mo. Ako na ang tutupad. Just please wag kalang mawala sa piling ko." Tanong niya.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...