Chapter 31: The Day Of The Ball

77 5 0
                                    

🌟Kinabukasan🌟
🌟Alexandre's PoV🌟

Akmang lalabas ako ng bahay nang tawagin ako ni Alexis.

"Hey! Where are you going?" Tanong niya.

"Sa labas lang papasyal muna." Palusot ko. Actually pupunta ako ng mall para bumili ng corsage para kay Niah, ibibigay ko pag susunduin ko na siya.

"Papasyal o gagala? Baka kung saan ka nanaman mapadpad makalimutan mo yung big event mamayang gabi di ka makapunta tapos walang partner si Jenniah makakatikim ka sakin." Babala ni Alexis.

"Hindi ko makakalimutan yung gabi na makakasama ko yung babae na pinapangarap ko don't worry. May papabili ka?" Tanong ko.

"Wala na I have everything I need. But can you buy me a bubble tea pagbalik mo then grapes thank you." Tugon niya. Tuluyan na akong lumabas at dumiretso sa mall.

🌟Mall🌟

Habang lumalakad ako may dalawang lalaki na nag-uusap.

"Hey Bro may nakita kaming babae kahapon ang ganda! Para siyang isang diyosa. Siya na ata yung pinakamagandang babae na nakita ko. Magsimula ulo hanggang paa walang kapintasan bro. Galing siya sa 3R pero nung tinanong ko kung ano yung pangalan niya sa may ari eh hindi daw nila pwedeng sabihin. Sayang balak ko pa sanang ligawan." Kwento ng lalaki sa kausap niya.

"Baka pupunta ulit siya dito bro bantayan natin." Tugon naman ng kausap niya.

Ng mapagtanto kong wala din palang silbi yung pinaguusapan nila binilisan ko nalang paglakad ko.

Bumili ako ng corsage na kulay blue para kay Niah. At nilagay iyon sa isang box. Then bumili din ako ng sapatos ko na gagamitin ko mamayang gabi. After that bumili na ako ng grapes at bubble tea na pinapabili ni Alexis at bumalik na sa bahay.

🌟Ramirez's Residence🌟

Iniwan ko yung corsage sa kotse. At pumasok sa bahay sabay bigay ng pinapabili ni Alexis sa akin.

"Thank you my Brother." Pasasalamat niya.

Then pumasok ako sa kwarto ko at itinabi yung binili kong sapatos sa mga gagamitin ko mamaya.

For tonight I will wear a black suit na may gray line sa may lapel niya then a grey vest and a grey neck tie.

🌟Jenniah's PoV🌟

I'm very excited kahit hindi ko pa alam kung ano yung isusuot ko. Sila Ate Rina Rica and Riza na kasi bahala sa lahat.

Bumaba muna ako at inubos ang oras ko sa panonood ng TV mamaya pa kasi pupunta yung mag-aayos sa akin.

🌟🌟🌟

Its already 5:00pm yet wala pa sila, kinakabahan na ako baka hindi sila makapunta pano na yung damit ko? Paano na ako?

[Ding!! Dong!! Ding!! Dong!!] Ingay ng gate namin.

Sa wakas nandito na sila. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko sila sa pumasok sa loob.

"Sorry kung late kami traffic eh." Bungad ni Ate Rina.

"It's ok. Now please ayusan niyo na anak ko. Isang oras nalang bago yung ball." Utos ni Mama at umakyat na kaming lahat sa kwarto ko.

Nauna si Ate Rica para ayusin yung makeup ko. Since hindi ito masquerade ball kailangan ko talaga ng make-up.

Mga 48 minutes niya akong inayusan at after ng make-up ko ay pinagpalit ako ni Ate Riza ng gown ko. Its a  Sequin Maroon/Dark Blue A-line gown na off-the-shoulder. Well this is the kind of gown na gusto ko. Yung shoes ko din is a cross strap.

"Wow dazzling as always. You are now ready." Puri nila. At pinaikot-ikit ako to see my 360 degree view.

Hindi ko na din masyadong pinagalaw yung buhok ko kay Ate Rina kasi baka masira. She just tied a half of my hair and made a flower out of it.

Sabay-sabay na kaming bumaba sa hagdan at dumiretso sa sala. Xandre said susunduin niya ako.

"Asan na escort mo darling?" Tanong ni Papa. Tinignan ko yung orasan and look at my phone, no messages from Xandre.

"Wala pa po eh baka papunta na." Tugon ko.

Its already past 6 pero wala pa siya at alam ko na nagsisimula nang magsidatingan mga students doon ngayon.

[Ding!! Dong!! Ding!! Dong!!] Ingay sa may pinto.

"Oh nandito na pala escort mo papasukin mo muna tapos ipakilala mo then picture taking ah." Utos ni mama. At kinuha yung DSLR na camera sa drawer ko.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at bumungad sa akin ng isang gwapong lalaki. Inaamin ko nakaka-attract siya ngayon in his black suit na may gray layout then grey na vest at grey na neck tie may kulay grey din na panyo sa bulsa ng suit niya.

Pinapasok ko siya at iniharap kina mama at papa... "Mah', Pah' si Alexandre nga pala kapatid ni Alexis siya yung escort ko ngayon. Xandre si mama at papa then sila Ate Rina, Rica, at Riza they are the reason why I'm so blooming tonight." Pagpapakilala ko.

Nakipag shake hands siya sa bawat isa sa kanila... "Good Evening po Mrs. Dumlao, Mr. Dumlao, Ms. Rina, Ms. Riza and Ms. Rica." Bati niya in a very formal way.

"Ano ka ba parang bago naman yung pamilya mo sa amin call us tito and tita we won't mind." Suway naman ni Mama.

Ihinarap niya yung Camera sa amin at 5 beses na nagflash bago niya ibaba ulit.

"Sige po tita." Tugon niya na medyo na iilang pa.

"Go! Baka mahuli kayo sa ball. Ingatan mo anak namin ah. Ibalik mo din siya dito ng buo." Bilin ni Papa kay Xandre.

"Opo Tito." Tugon niya at sabay na kaming lumabas pero bago kami tuluyang makalabas ng bahay huminto siya at may inilabas sa bulsa ng suit niya. It's a corsage. Na kulay blue.

"Give me your hand." Utos niya itinaas ko naman yung kaliwang kamay ko at isinuot niya yung corsage.

"It looks good on you." Tugon niya.

"Thank you Xandre. You too you look amazing in your suit." Ganti ko.

Tinulungan niya akong ipasok yung gown ko sa loob ng kotse niya at umupo na din siya sa tabi ko. May driver pala siya ngayon. Fancy.

Dahil malapit lang naman yung bahay sa academy mabilis kaming nakadating doon. At bago ako lumabas nauna muna si Xandre at pinagbuksan ako.

"Thank you Xandre." Tugon ko matapos kong maka-angat sa sasakyan.

Pumasok na kami sa loob ng academy, yung venue ay sa gymnasium kaya medyo malayo laayo lalakarin namin mula sa gate.

May mga nakasunod kami na papasok din and they all look wonderful in their outfit.

"Niah kaya mo pa ba? You're in your hills baka matapilok ka or ano." Pag-aalala niya sa akin.

"It's ok Xandre I'm fine." Tugon ko. I appreciate his  kindness.

"Ok pero put you hands on my arm so I can guide you. Ayaw kong matapilok ka at masugatan." Utos niya.

Hindi na ako nagsalita at hinawakan na ang kamay niya. It's true medyo nahihirapan akong lumakad because if this shoes.

Nang makapasok kami sa loob ng Gym... "Another Couple students had arrived." Announce ni Maam Deline.

Lahat sila ay napatingin sa amin pati sila...

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon