🌟Xyan's PoV🌟
🌟Arriving At Sir Gerold's Place🌟"Matagal pa ba?" Reklamo ni Roseth.
"Will you just shut up! Kanina ka pa reklamo ng reklamo. Did you see that?" Tanong ko at tinuro yung bahay na pupuntahan namin... "Doon tayo pupunta, malapit na ok, tumahimik ka nakakairita ka na."
"Hey you cant blame me kanina pa tayo bumabiyahe. Maghahapon na at gutom na ako." Reklamo nanaman niya.
"Then fill your stomach kapag nakarating na tayo." Tugon ko.
Sinalubong kami si Sir Gerold sa labas, madilim na doon at nakikita na ang mga bituwin sa kalangitan.
"Congrats nga pala sir!" Bati namin.
"Thank you, pasok na tayo, magsisimula na yung dinner, ihahatid ko na kayo sa kwarto ninyo." Pag-aasikaso ni Sir.
Anim kaming pumunta, Me, Roseth, Alexandre, Zarinah, Siver at Alexis.
"Thank you sir!" Ganti nila at sumunod na kami sa loob.
Dinala niya kami sa second floor at ipinakita yung magiging room namin habang nadito kami. Dalawang room yon, saming mga lalaki at yung isa sa mga babae.
May isang room na nasa pinakadulo na nakabukas yung pinto. Habang naglilibot naisipan kong tumingin doon pero walang tao.
"Guys baba na tayo, dinner time na!" Aya ni Zarinah.
Sabay-sabay kaming bumaba sa hagdan at nagtungo sa dining room kung saan naroon ang isang rectangular na lamesa napaka-haba nito. May mga ibang bisita na umuupo na.
Habang yung ibang maids naman at naghahain ng dinner.
"Hmm amoy palang masarap na." Komento ni Silver nang makalapit kami.
"Xyan, upo kayo!" Tawag ni Sir Gerold sa amin kaya umupo na kami. Magkakatabi kami at yung lalaking nasa harapan ko ay busy sa cellphone niya. Bakante pa yung upuan na nasa tabi niya. Naka-reserve maybe.
Just by looking at the dishes masasarap ang mga ito at ang babango pa. Mas nagutom tuloy ako.
"Naihain naba lahat?" Tanong ng Mama ni Sir Gerold.
"Yes Maam." Tipid na sagot ng isang kasambahay nila.
"Then tawagin niyo na si Jenniah, para makapagsimula na tayo." Utos ni Sir.
May kuryenteng pumasok sa sistema ko matapos marinig ang pangalan na iyon. It cant be, wala siya rito.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang palapit ng palapit ang mga hakbang na naririnig ko. Hindi ko magawang lingunin kung sino ba yung tinutukoy nila dahil ayaw kong malaman na si Jenniah na iyon.
Napansin ko na sabay sabay kaming tumigas sa kinauupuan namin. After five years na walang paramdam tapos biglang susulpot at siya pa ang nagluto ng pagkain namin ngayon.
Biglang tumigil ang puso ko ng makita ko ang isang imahe ng babae na matagal kong hindi nakita. Bumalik yung buhok niya sa dati at mas tumangkad ito, kapansin pansin din ang puti nitong balat at ang litaw na litaw niyang bibig. By looking at her shes still the Jenniah we know 5 years ago but my heart cant feel her presence tila ibang tao ang nararamdaman nito.
Umupo siya sa bakateng upuan na katabi ng lalaking kaharap ko na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Nakangiti, nginitian din ito ni Jen pabalik, magkakilala ba sila?
"Thank you Jenniah for making our delicious dinner for tonight. Sana mabusog mo kami." Pagbibiro ni Sir.
Tumawa naman ang lahat at nginitian sila ni Jenniah pero nung dumako sa amin yung tingin niya ay nawala ito.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...