🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Dumlao's Residence🌟May tatlong tao ngayon sa loob ng bahay namin na hindi ko kilala. Nakaupo sila sa sofa habang naguusap.
Who are they? Thieves? Someone who need alms? Hindi naman ata halata sa mukha nila.
Pumasok ako sa loob at all eyes sila sa akin. Tumayo yung isang babae na mahaba yung buhok na kulay red.
"Are you Jenniah?" Tanong niya ng makalapit at hinawakan ako sa balikat.
"Opo." I answered politely.
Umikot siya sa akin mga tatlong beses then tumigil siya sa gilid ko on my right... "So what do you think?" Tanong niya sa mga kasama niya.
"She will be a master peace. Perfect." Tugon naman ng isa.
Saktong pababa si Mama ng hagdan.
"Mrs. Dumlao hindi niyo naman nasabi na ganito pala kaganda anak niyo." Puri sa akin nung nasa tabi ko at pumunta sa tabi ni Mama.
"So shall we start? 3 oras nalang bago magsimula yung ball." Wika naman ni Mama.
Ooohhh so sila yung aasikaso sa akin?
"Oo nga pala, darling meet Riza your gown designer." Pakilala ni mama sa babae na tumabi sa akin kanina.
"Rica your make up artist." Siya naman yung sumagot kanina.
"And Rina your hair stylist." Siya yung isa kanina na ngumingiti lang.
"Magkakapatid kami. Im the older next is Riza at bunso namin si Rina." Rica stated. Tumango tango ako.
Tumaas na kami sa kwarto ko at nagsimula na. Humanap kami muna ng gown na babagay sa akin para hindi na kami mahirapan after ng make-up ko.
Napili ko yung blue color na A line gown pero sabi nila na mas gaganda daw sa akin yung red na mermaid gown.
"Para kang bata sa gown na yan darling." Wika ni mama.
"We agree hindi niyan nilalabas yung hubog ng katawan mo sayang naman ang liit liit pa naman ng bewang mo it's just a waste kung hindi mo ipapakita sa tao doon. Isa pa para lang sa mga debut yang A line. This is better." Suggest naman ni Riza.
"Ok. Yan na lang then. If you think so na bagay talaga sa akin yan." Tugon ko.
Inilagay na nila yung red gown sa bed ko.
"Go and take a bath para mas fresh ka then sisimulan ka na naming ayusan." Rica said.
🌟A few minutes later...🌟
Inaayusan na nila ako, Im still in my bathrobe at ginagawa na ni Rica yung make-up ko using the make-up set na niregalo ni Xy.
"Ok next we will work on your eyebrows." Paliwanag ni Rica at simulan na niyang i-tweezzers.
Halos tumulo luha ko sa sakit...
"Ok now close your eyes and relax, open it when I say so." She instructed.
Matagal niyang inayusan mukha ko. Nakakatulog na pa ako sa tagal siguro half an hour akong inayusan. Ganoon na ba kagulo mukha ko?
"Ok done open your eyes and what do you think?" Tanong niya.
I slowly open my eyes at nagulat ako when I saw a beautiful lady looking at me. I'm looking straight at the mirror.
"Wow. it's beautiful. I loved it." Comment ko.
"Goodie hindi naman ako nahirapang pagandahin ka because you are beautiful already." Puri nanaman niya.
"My turn. Give me the blower please. I know exactly what hairstyle will fit her." Wika naman ni Rina.
Basa pa yung buhok ko kaya kailangan niya itong iblower. Then may kinuha siya sa bag niya, its a high light na kulay brown.
"Next we will give your hair a zing with this fake highlights then curl it a little then your done." Paliwanag niya.
Now thats what I call simple but pretty.
Then sinimulan na niyang ikabit yung mga fake highlights pagkatapos nun kinulot na niya.
"Perfect." Wika niya.
Ang ganda ng ginawa niya sa buhok talagang bumagay sa make-up ang ganda ng highlights.
"Ok isuot mo na yung gown at ihahatid ka na ni Harry. Its already 7 the ball is about to start." Utos ni mama.
Pumasok na ako sa C.R. then nagpalit.
Whats this? Hindi nila sinabi na backless pala ito my god! Lalakad ako sa ball with my bare back?
Lumabas ako sa CR. ko at tinignan sila they're just staring at me.
"May mali ba?" Tanong ko.
"Wala naman pero baka pag-uwi mo may kasama ka nang mga lalaki. Baka ma seduce mo sila sa unang lakad mo palang sa entrance." Riza said. Is that a complement or a threat? Kasi kinakabahan ako.
"Here this is your ankle strap sandals, red din match sa gown mo." Pahabol ni Riza.
"And for the last touch." Rica said at ibinigay sa akin ang isang maskara. Its full red with a feather on right side of my eye. May mga jewel detail din sa maskara.
"Darling nakalimutan ko, na yung pupuntahan mo is a Masquerade ball. Kaya magsusuot ka ng Maskara then after the ball sasabihin ni Mr. Czarn na pwede nang alisin ang maskara that the time na aalisin mo na." Paliwanag ni Mama.
"And don't be shy kung may gustong isayaw ka. Since you don't have any date." Mama.
Tumango ako at pinakita yung backless na gown ko.
"Just perfect. Ngayon ka lang pupunta sa ball ng mag-isa ka right? You need to be pretty para hindi ka makalimutan ng mga magsasayaw sayo." Riza.
Lumabas na kami sa bahay at saktong nakaparada na yung kotse at nasa loob na si Tito Harry.
Pumasok na ako sa loob... "Thank you for making me this pretty for tonight." Pasasalamat ko sa kanila.
"We are honored." Rina.
Umandar na yung kotse at umalis na. I didn't even know where is the venue.
Sa haba ng biyahe puro selfie lang ginawa ko hanggang sa makaramdam na ako ng lamig. Naka-open kasi yung window.
"Tito bakit lumalamig?" Tanong ko.
"Malapit na po kasi tayo sa dagat." Sagit niya.
Dagat? Bakit naman sa dagat?
"Ano pong ginagawa natin sa dagat?" Tanong ko.
"Sabi ng mama mo sa Cruise daw kita ihahatid siguro doon yung venue." Sagot niya.
You mean a Cruise Masquerade Ball? Im excited
Tumigil yung sasakayan sa isang malaking cruise. Marami tao ang papataas palang sa cruise. Isinuot ko muna ang maskara ko bago lumabas sa kotse at umakyat sa cruise.
This is it. Wag kang kabahan. Its just a ball masanay ka na. Because malapit na din yung Academy Ball at kailangan mong matuto on your own.
Inhale... Exhale...
Inhale... Exhale...Lumapit na ako sa guard na nagbabantay. At ipinakita ko yung invitation that serves as my pass card.
Nakita ko na yung red carpet na lalakaran ko paloob.
Step* step* step*
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...