Chapter 01: 12th Friendsary

419 17 3
                                    

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Dumlao's Residence🌟

"Darling! Bilisan mo nandito na si Xyan oh. Kanina pa siya naghihintay!" Tawag sa akin ni Mama mula sa baba.

"Opo mah' mabilis nalang 'to." Tugon ko.

Ano ba kasi 'to. Akala ko naihanda ko na kagabi hindi pa pala. Ngayon galaw cheeta na ako.

Matapos kong maayos yung regalo, inilagay ko na ito sa bag at lumabas na ng kwarto.

"Ba't ba ang tagal mo Jen! Ma-la-late tayo nito. Bilis alika na!" Hila sa akin ni Xy nang makalapit ako sa kanya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang sa black shoes na suot niya matangkad din kasi siya I think he's 6'5, hindi maikakailang gwapo si Xy sa kahit anong angulo, perfect kung tawagin nga ng mga tagahanga niya at isa na ako doon hindip lang niya alam; with his messy hair, yung medyo makapal na kilay niya na very appealing, his amber-colored almond-shaped eyes at yung mahahabang pilik mata niya na nakakatunaw kapag natititigan, yung matangos niyang ilong, his red, kissable lips na lutang na lutang sa maputing kutis niya, that perfect jawline hanggang sa mga biceps na mapapalunok ka talaga at yung mga manly niyang kamay, god, siya yung sinasabi nilang ideal one of everygirl in the universe.

Minsan nga sinasabihan nila ako, bakit hindi ko pa daw patulan tutal we were close to each other, but excuse me I won't make a move hanggang hindi siya yung nauuna. Matatag pride ko halos hindi nga matumba, ang strong di ba parang pagkakaibigan lang namin.

"Hey may plano ka pa bang pumasok 'cause were really running late." Pagputol niya ng pagpapantasya ko. And take note he's serious.

Hindi na ako sumagot at nauna nang lumabas. Baka kung ano pa magawa ng mata ko sa kanaya

Pinapasok niya ako sa kotse niyang BMW at pinaandar ito. Hanep umaasenso kaibigan ko ah. At sa bilis ng takbo, halatang nagmamadali siya.

"Xy you know what day is today?" Tanong ko sa kanya.

"Yes alam ko, Friday. Pero hindi magiging maganda ang araw na ito kapag na late tayo ayaw kong maglinis ng mga C.R." Giit niya.

"Hey wag ka ngang magkunwaring di mo naalala. I know you always remember." Pabirong wika ko.

Today is our FRIENDSARY its our 12th Year of friendship. Aww nakakaproud lang.

"Ah eh is that today? Napagtiyagaan na pala kita ng another year?" Tugon niya.

"Hey what do you mean by napagtiyagaan? Thats an insult ok hindi ko ibibigay regalo mo." Pagbabanta ko sa kanya.

"My gift? Oh yeah. I'm just joking you know!." Mabilis na pagbawi niya.

"Kung di ko ginawang pa-in yung regalo mo hindi mo siguro sasabihin yan." Wika ko.

Tumingin siya sa akin at malawak na ngumiti.

🌟Alpha Academy🌟

"Dito ka na bumaba i-pa-park ko lang itong kotse, hintayin mo ako ah para sabay tayong pumasok." Bilin sa akin Ni Xy.

Tumango nalang ako at pumasok na sa loob. Nakahiwalay kasi yung parking lot ng school para wala daw maingay.

"Jenniah let's go to our room malapit na ang 1st period natin." Tawag sa akin ni Roseth na seatmate ko.

"Mauna kana muna I'm waiting for Xy.  Mabilis lang naman siya." Tugon ko.

"Ok don't be late ah bad mood daw ngayon si Sir Gerold and it won't be a nice decision to be late." Paalala sa akin ni Roseth.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon