Chapter 16: Misunderstanding

127 8 0
                                    

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟In the Afternoon🌟

I'm wearing a black t-shirt with a black joggingpants and a black sneakers.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang lumakad hindi ko na sinabi kay Xy na sunduin niya ako at since walking distance lang naman from our house to the academy hindi ako mapapagod.

On the way napansin ko ang isang milktea store at naisipan kong bumili mahilig ako sa milktea. Share ko lang.

Habang humihigop at nginangalngal yung pearls niya may nauna sa aking mga babae from our Academy at tumatakbo sila. Malapit na yung Academy from where I am now.

Nakita ko naman si Alexis sa harapan ng gate. Medyo hindi maganda mood niya.

"Alexis bakit ka nandito you should be inside. Ano bang ganap nanaman  sa loob at parang may pinagkakaguluhan?" Tanong ko.

Kinuha niya yung hawak kong milktea na hindi ko pa nakakalahati at ininom ito... "I don't want to ruin his popularity. Si kuya yung pinagkakaguluhan na parang mas sikat pa kay Vin Diesel. Sa room na tayo ayaw kong makarinig ng mga tilian." She said annoyed.

Hinila niya ako at dumaan kami sa hallway, nakatirik din kasi yung araw ngayon kaya sa hall way kami lumakad para hindi kami mainitan. Habang palayo ng palayo kasi sa mga tao doon patahimik ng patahimik. Patuloy kami sa paglalakad at patuloy din naman ang paghila ni Alexis sa akin ng bigla itong tumigil.

"Bakit ka tumigil?" Tanong ko at tinignan siya she's looking at the playground sa may mga banda ng puno nang tignan ko kung ako yung ikinatigil niya... nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Xy is giving a boquet to Roseth in the shade tinanggap naman ito ni Roseth at niyakap si Xy at ang hindi ko kayang tignan ay ang niyakap din ni Xy siya pabalik.

"Jenniah are you ok?" Tanong ni Alexis sa akin holding me in both of my shoulders.

Pinigilan ko ang malapit nang pagtulo ng luha ko at hinawakan ang kamay niya na nasa balikat ko... "Sure at least alam na natin kung sino yung nagugustuhan niya. Hindi na ako aasa." Saad ko at fake a smile. Nauna na akong lumakad pabalik sa nilakaran namin.

Sinundan naman ako ni Roseth. Imbes na sa room sa CR ako pumasok. Sumunod din nama si Alexis sa akin.

"Jenniah baka misunderstanding lang ang lahat ng iyon." Wika ni Alexis sa akin.

"Alexis misunderstanding lang ba kapag boquet ang ibinigay at niyakap siya pabalik? Please hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga nakita ko kanina. I don't want to hear more about this please gusto ko paglabas natin at least pretend na walang nangyari. Tanggap ko naman na si Roseth ang gusto niya. Gusto ko lang na lumipas ang lahat ng ito." Tugon ko kay Alexis at pinunasan ang mata ko saka lumabas ng CR.

Lumakad ako sa hallway pabalik... "Jenniah asan ka pupunta?" Tanong Alexis sa akin.

"I don't know, get some fresh air maybe." Tugon ko.

"Will you let me accompany you?" Tanong niya.

Tumango ako at hinawakan niya ako sa kamay. Habang lumalakad nakasalubong namin ang isang matangkad, maputi, at magandang lalaki, hindi ko masyadong tinignan yung lalaki all I want is to get far away from here... "Where are you going?" Tanong niya kay Alexis.

Hindi kaya siya yung kuya niya?

"It's none of your business why don't you flirt with the other girls we have some problem here." Masungit na sagot ni Alexis.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon