🌟Alexis's PoV🌟
🌟Ramirez's Residence🌟Kasalukuyan akong nagpapalit dahil sabi ni kuya pupunta kami sa mall ngayon. Sa di ko malamang dahilan.
Kailan lang naman noong nagkakilala sila ni kuya at di ko maintindihan kung bakit ang bait bait na sakanya ni kuya. Hindi kaya? Baka gusto ni kuya si Jenniah?
Oh My! Gusto ni kuya si Jenniah kaya pala ang bilis nag iba yung ugali niya kahit nga ako nagtaka sa pagbabago ni kuya dahil lang pala kay Jenniah. Uyy Crush ni kuya si Jenniah!!
Pagkatapos kong magpalit ng damit ko na Tommy Hilfiger na T-shirt at white jeans pumasok ako sa loob ng room ni kuya.
Biglaan yung pagpasok ko kaya nagulat nalang ako nang makita ko siyang wala pang suot pangitaas.
"Do you know how to knock? Isa pa usapan natin pagkatapos mong magpalit hihintayin mo ako sa baba what's your business here lady?" Pangangaral niya sa akin.
"Wala lang may gusto lang akong itanong." Wika ko sa kanya at umupo sa kama niya.
"Then speak up. 1:10 na kailangan na nating umalis." Tugon niya habang sinusuot yung addidas na sapatos niya.
"May gusto ka sa kaibigan ko ano? Kay Jenniah aminin mo halata eh ang laki ng pinagbago mo at kakaiba yung pagiging close mo kay Jenniah, you volunteer to help me para hanapin siya. Kasama mo siya sa music room, nilibre mo kami tapos ngayon inaya mo nanaman kami ng wala namang dahilan. Gusto mo siya ano. Kasi kung hindi ang isang Alexandre Ramirez won't do those things. Mean it or we won't go anywhere." Pangho-hot seat ko sa kanya.
Napatigil siya ng ilang sandali bago umupo rin sa kama.
"Well shes pretty, kind, masayahin, at talented." Sagot niya. sagot ba yun? Hindi ganoon yung sagot sa tanong ko eh.
"Hey hindi mo naman sinasagot yung tanong ko eh." Saad ko sa kanya.
"Hindi pa kasi ako tapos. Pakinggangan ko kasi muna lahat ng sasabihin ko bago ka sumingit." Tugon niya.
" Sorry sige, sige you may now continue your statement." Tugon ko sa kanya at nakinig nalang.
"The first time na nakita ko siya naramdaman ko yung sakit na dala-dala niya na dapat hindi niya maramdaman, ang mga babae ay dapat pinapangiti at pinapasaya hindi yung pinapaiyak. Noong nakita ko siya sa maliit na pavillion iba yung naramdaman ko magaan yung pakiramdam ko sa kanya not like the others girls na nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit ganito yung feelings ko sa kanya. Ayaw ko siyang umiiyak ayaw ko siyang nasasaktan ayaw ko siyang mag-isa na dapat lagi ko siyang nakikita at napapasaya. Binago niya ako at hindi ako nagsisisi sa pagbabago na ito dahil napapalapit ako sa kanya." He stated.
"Kita mo gusto mo nga talaga si Jenniah. Aayyyiiieee!! Love at your first meet! Kilig much. Kailan ka aamin? Huwag mo siyang sasaktan ah." Kinikilig na tugon ko kay kuya.
Confirmed! So happy for Jenniah and kuya.
"Kahit hindi siya yung una kong naging girlfriend sinasabi ng puso at isip ko na kailangan ko siyang seryosohin. Isa pa she is the girl of my dream I will sacrifice everything mapasa-akin lang siya." Saad niya.
"Awww sana all." I stated.
"Tama na nga yan huwag mong sasabihin sa kanya ah. Hayaan mong ako ang aamin sa tamang oras." Paalala niya.
"Yes sir! Alika na sunduin na natin crush mo!" Pangungulit ko.
"Alexis itigil mo yan iiwan kita." Pananakot niya.
"Hindi na po magsasalita sir." Tugon ko at masayang lumabas ng kwarto ni kuya at pumasok sa kotse niya.
Pinaupo niya ako sa back seat dahil si Jenniah daw sa front aba andaming nalalaman ni kuya ah.
🌟Jenniah's PoV🌟
Ok na ba itong suot ko?
Magdre-dress ba ako o mag ji-jeans?
Kanina pa ako pabalik-balik sa closet ko kakapili ng damit na sususutin ko. Ano kaya susuutin ni Alexis? Para hindi ako parang baliw doon mamaya.
Hmm... mag ji-jeans nalang ako bahala na.
Pumasok ulit ako sa walk-in closet ko for the last change. A plain white shirt tucked into a black ripped jeans then a leather jacket and for my shoes a Kobe Mamba Focus one. Perfect! Hayysst sa wakas nakapili na din.
(BEEP! BEEP! BEEP!) busina ng kotse sa labas sila na siguro yun. Bago ako lumabas ng kwarto kinuha ko yung sling bag ko na laman ang cellphone,panyo at pera ko.
"Hi! Sorry if I kept you waiting." Paghingi ko ng tawad sa kanila pagkalapit ko sa kotse.
"It's nothing. Pasok ka na kakain pa tayo nagugutom na daw si Alexis." Tugon ni Xandre.
It seems like sa front seat nila ako gustong paupuin. Well then...
🌟Mall🌟
"Saan niyo gustong kumain?" Panghihingi ng suggestion ni Xandre.
"Sa isang Italian Restaurant." Alexis stated.
"Thats a good choice." Sang-ayon ko.
"Well then lets go." Xandre said.
🌟Restaurant🌟
"Order na kayo sa Rest Room muna ako." Paalam ni Xandre sa amin. Ngumiti lang ako bilang tugon at balik ang tingin sa menu.
"Hey Jenniah may tanong ako, what do you think about kuya? Your first impression and how do you describe him?" Agarang tanong ni Alexis.
"Bakit mo naman natanong yan?" Tanong ko sa kanya.
"Just answer it honestly nalang." seryosong tugon niya.
"Well my first impression at Xandre is bold, serious, gentleman and responsible pero noong kinomfort niya ako sa academy nag-iba, he is kind, gentleman, a good comfort buddy, magaan loob ko sa kanya at masaya siyang kasama even though kailan lang noong nakilala ko siya. And he is not that bad as you describe he is buti nalang hindi ako naniwala sayo noon he is a complete opposite." Pagsagot ko sa tanong niya.
"Bingo! Pwede, hey wala ka pang date sa Academy ball diba? Si kuya gusto mong ka-date?" Saad niya.
"Huh?? Alexis ano nanaman yang pinagsasabi mo? Hindi pa naman niya ako inaya to be his date kaya pano ko masasabi?" Gulat kong sagot ano ba kasi itong si Alexis sa mga tanong niya parang bibigyan niya ako ng heart attack.
"Pero pag inaya ka niya papayag ka?" Tanong ulit niya.
"Hindi ko alam, maybe." Sagot ko.
"Ok! Thank you Jenniah. At may paalala lang ako sayo, kalimutan mo na si Xyan ok? Sinaktan ka na niya at pwede ka pa niyang saktan ulit." Saad niya.
"I will nilalayuan ko na siya. Natuto na ako Alexis at hindi ko na uulitin iyon. Sa panahon ngayon tanga nalang ang gagawa ng kamaliang ganoon." Saad ko.
"That's the Jenniah na palaban at hindi papayag na madurog." Saad niya at hinawakan ang kamay ko.
"Naka-order na ba kayo? Nagkwentuhan lang ata kayo." Bungad ni Xandre sa amin.
Napatawa nalang kami ni Alexis saka sabay sabay na umorder.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romance✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...