Chapter 37: Mall Scene

89 8 0
                                    

🌟Xyan's PoV🌟
🌟Mall🌟

Nang makarating kami sa mall ni Roseth agad ko siyang ipinasok sa pagbilhan ng damit.

"Excuse me I want you to dress her a red dress yung pinakabagay sa kanya. I'll be back later." Medyo galit na tugon ko sa mga staff doon at iniwan si Roseth.

I walk straight at the flower shop at bumili ng isang boquet. Napatingin naman ako sa mga performer na nasa gitna ng mall. Nilapitan ko sila at kinausap.

"Excuse me? Pwede niyo ba akong tulungan para magtapat ako sa babaeng nagugustuhan ko? Pls." Pakiusap ko.

They are here today at alam kong this is the right medium para makuha ang attention nila lalo na si Jen at Alexandre. I know I'm not thinking straight. Pero talagang disidido akong  gumanti.

"Sure here we can lend our mic." Tugon naman ng isang lalaki na kasama nila.

"Perfect this will do thanks bro." Wika ko at napangisi.

Tinawagan ko si Roseth at pinapunta ko sa pwesto ko. Saktong natanaw ko sila Jen na nakahawak sa banister ng excalator pababa.

"Goodmorning everyone may I get your attention?" Tawag ko sa bawat isang tao na nasa mall ngayon. Napansin kong nakatingin nadin sila Jen sa akin.

Its showtime...

"Ok I am here today for a very special girl in my life. And that girl is the one standing there in a red dress, Roseth Marcos." Wika ko at itinuro si Roseth na papalapit palang sa akin. Tulala ito.

"Roseth I want to thank you for everything you've done for me. Last night salamat sa pang-aasikaso sa akin. And little by little I am falling for you. Thank you for staying at my side the time I need my bestfriend the most." Wika ko at tinignan si Jen na malapit nang makababa ng excalator.

Lumapit ako kay Roseth at ibinigay yung boquet sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko if you're not by my side. I really owe you a lot. Roseth..." Wika ko at lumuhod hawak-hawak yung kamay niya.

"Can you be my girlfriend the only girl I treasure the most? Can you be mine?" Tanong ko.

Gulat na gulat siya pero nagawa niyang sagutin ang tanong ko... "Yes Xyan I will." Masayang tugon niya.

Tumayo ako at niyakap niya. Nakita kong gulat si Jen at kinakausap siya ni Alexis.

Oh no Jen wag ka pang umiyak I'm just warming up... humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinalikan si Roseth sa lips ng madiin para damang dama.

Then I notice na napayakap siya kay Alexandre ay hinahagod naman ni Alexis ang likuran niya.

Humiwalay na ako sa halikan namin at nagsimula nang nagsigawan ang mga tao sa paligid. Napangiti nalang ako ng makita kong papalabas sila Jen sa mall.

Sa halip na pagka-kontento kalungkutan ang bumalot sa katawan ko.

Alam kong masasaktan ko si Jen kapag ginawa ko to. And I just did. Is that really the revenge I was seeking for? Am I being fair?

🌟Jenniah's PoV🌟
🌟Outside the Mall🌟

Is it only a coinsidence o talagang sinadya?

Ganon na ba ako kasama? When is the time na nangailangan siya na wala ako? I can't think of anything kasi I know that I was always there for him until I cut our friendship. Bakit kailangan pa niyang ipamukha na wala akong kwentang kaibigan.

"Jenniah! Please just calm down!" Tawag ni Alexis sa akin.

Tumigil ako at hinarap sila.

"What does he mean about that? Ipinapamukha niya sa akin na naging wala akong kwentang kaibigan. I accept na may mahal na siyang iba na si Roseth Marcos ang linaw pa nga ng pagkasabi niya may paluhod-luhod at pahalik-halik pang nalalaman, hindi naman problema sa akin yun gawin nila lahat ng gusto nila I dont care! Ang akin lang ay ayaw kong sinasabihan na walang kwenta samantalang alam ko naman na ginawa ko ang lahat para sa kanya. Dahil ba hindi na kami magkaibigan ngayon pwede na niyang sabihin sa akin yun? Bakit hindi niya sinabi ng mas maaga kung ganoon din pala ang nararamdaman niya. Tsk. I wanna get out of here the air is suffocating me." Galit na wika ko at ibinuhos ko na sa kanila lahat ng galit ko.

"It's ok Jenniah just calm down. Inhale and Exhale." Pagpapatahan sa akin ni Alexis. Huminga ako ng malalim at at pinatahan ang kumukulo kong ulo.

"Ihahatid ka nalang namin. You need some rest hindi naging maganda yung araw mo ngayon." Tugon ni Xandre at inalalayan ako papunta sa kotse niya.

Ihinatid nila ako sa bahay at umalis na. Pero mas hindi ako nakakahinga sa loob ng bahay. Kaya hinubad ko yung jacket ko at lumabas dala dala ang handbag ko. With my phone na nakapower off. Para hindi ako maistorbo.

Maghahapon nadin noon I think its about 5pm. Hindi ko din kasi dinala yung relo ko.

Sumakay ako sa bus without  knowing where it would take me basta ang alam ko is I need to go far away. I need to escape from my problems.

🌟🌟🌟

The bus made it's last stop and I need to get out. I don't know where I am now

Pagkababa ko isang convinient store ang bumungad sa akin. Pumasok ako doon upang bumili ng pampakalma.

"Miss can I have some soju please?" Order ko sa counter. Sana hindi bawal ang magtinda ng mga alcoholic drinks sa mga minor. Kasi hindi ako makakabili.

"Sorry miss but can I just look at your I.D. because minors are not allowed to buy alcoholic drinks." Tugon niya.

"But..." Subat ko... ng may kamay na naghulog ng isang I.D. niya sa harapan namin. It's a guy in a leather jacket and a black cap. Hindi ko masyadong maaninag mukha niya only his adams apple.

"I ask her to buy some. Check my I.D., so can I buy now?" Tanong niya.

Tinignan nung nagtitinda yung I.D. niya and hand it back to him.

"Sure sir but if you will be the one order." Tugon ng staff. Tumabi siya sa akin.

"Ilan na ba yung pinapabili kong soju?" Tanong niya sa akin. Unti-unti kong nauunawaan ang nais niyang gawin.

"It's 10 bottle of soju bakit ba bilis mong makalimot." Pagsakay ko sa kanya.

"Oh yeah. 10 bottles of soju miss." Order niya. Naglagay ng sampung bote ng soju yung babae sa isang plastic bag at ibinigay sa kanya then ako na ang nagbayad dahil ako din naman nag-order.

Lumabas na kami sa convient store at ibinigay na niya yung binili ko.

"Thank you for helping me there." Pasasalamat ko at tinanggap yung plastic bag.

"You're just a minor pero bumibili ka na ng alcoholic drinks kung hindi kita tinulungan naireport ka na sana sa mga police." Tugon niya.

"I didn't know na bawal palang magtinda sila sa mga minor and may problema kasi ako kaya I just need to drink para mawala yung problema ko. Yun yung sabi nila. First time ko kasing uminom." Pagkwento ko sa kanya.

"Ganoon na ba kalaki problema mo Ms. Minor at kailangan mong idaan sa pag-inom? You should go home now. Ano ba address niyo Ms. Minor at ako na maghahatid sayo." Wika niya.

"Hey I have a name ok. Its Jenniah and stop calling me Ms. Minor. Parang ang bata ko naman masyado. And I don't want to go home. Magpapalipas muna ako ng problema ko. You should go home baka maabutan mo yung curfew mo. Here for you inumin mo habang papauwi ka. Bagay sa leather jacket mo." Subat ko sa kanya. At ibinigay ang isang bote ng soju.  Narinig kong siyang tumawa ng marahan.

"Joker ka din pala ano Jenniah. Diba mas matanda ako sayo kaya I don't have any curfew." Tugon niya.

"Oo na, oo na. Whatever. Umuwi ka na just leave me alone ok." Tugon ko at umalis na sa harapan niya.

Palakad-lakad ako ng makarinig ako ng agos... is that water? Malapit ba ako sa dalampasigan.

BOOK 1: Love Over Matters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon