🌟Kinabukasan🌟
🌟Jenniah's PoV🌟This is my last day, hhhmmm tomorrow aalis na ako with our destination, London UK.
Today I will do the things I want to do before I go. Baka magsisi ako.
"Darling Harry is waiting for you outside." Tawag ni Papa sa akin.
"I'm coming Pah!" Sagot ko at kinuha yung bag ko.
Pagkalabas ko ng room Papa was there leaning at the wall. Adjacent to my room.
"Pah'. Mamaya nalang ako mag-iimpake. Siguro Half day lang akong papasok ngayon." Paalam ko kay Papa.
"Darling may ibibigay ako sayo, galing sa amin ng mama mo. Give me your hand." Tugon niya.
Inilahad ko yung kamay ko at napamulagat nalang ako ng may nahulog na isang kwentas. It has my birt gem; diamond.
"It's a real diamond, sana alagaan mo ito at wag mong alisin sa leeg mo. This symbolizes our love to you our darling. Remember that we love you more than any precious gem in the world." Mahinang tugon ni Papa at isinuot sa akin yung kwentas.
"Pah' naman ano yang mga pinagsasabi mo parang nagpapaalam ka na eh." Nakangusong saad ko sa kanya habang hawak-hawak ang kwentas na nakasabit na sa leeg ko.
"Hindi naman ako nagpapaalam eh, sinasabi ko lang kung paano ka namin kamahal." Sabay pisil sa pisngi ko.
"Thanks Pah' I love you too both you and mama." Tugon ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Oh okay bitiwan mo na ako nang higpit eh. Go baka mahuli ka halfday ka lang naman. Ano balak mo sa isang half day?" Tanong ni Papa.
"Umm... pupunta ako sa mga places na gusto kong puntahan for the last time." Saad ko.
"Eto naman babalik ka din naman dito eh. Maka-last time parang ikaw mamamatay." May birong tugon ni Papa.
"Siyempre Pah' matagal akong titira sa abroad. Tatapusin ko yung college ko doon." Saad ko. At akmang bababa na ng may maalala ako.
"Ay oo nga Pah' if ever naka alis na tayo then may magtatanong sa mga kapit bahay or kila tito Harry pakiusapan niyo sana na wag nilang sabihin kung saan tayo pumunta. At sana walang makakaalam ng pag-alis natin." Pakiusap ko.
"Sige kakausapin ko mamaya sila." Pagsang-ayon ni Papa and kiss me in my temple.
Pagkapasok ko sa kotse ibinigay agad sa akin ni Tito yung pinapabili kong simcard. Tinapon ko yung akin eh.
🌟🌟🌟
Pumasok ako sa loob ng campus na nakangiti hinding my real emotion.
I have talked to myself kagabi, no more sadness, magpapageneral cleaning ako ng nararamdam show everybody that Im ok. Sabagay wala naman na din ako bukas ng hapon niya.
"Hi Ate ang ganda mo naman ngayon!" Bati sa akin ng isang student.
"Thanks. Ikaw din naman." Ganti ko.
Pumasok ako sa room kung saan wala namang tao. Wala na din naman na kaming classes. Tapos na yung exam para sa second semestre namin. Baka nasa labas na sila.
Lumabas nalang ulit ako at nagstay sa corridor kung saan kita ko ang kabuoan ng quadrangle.
"Gosh nakita niyo na yung video?" Tanong ni Rebecca na nasa tabi ko lang, she is talking with some random girls na hindi ko classmate.
"Yeah for sure it will become a issue for our academy. Bukas na nga last school days natin ngayon pa nangyari ito." Tugon naman ng isang kausap nila na umiiling pa.
"Excuse me may I know what are you talking about?" Pangengealam ko. Napansin kong gulat sila at napamulagat pa.
"Jenniah, hindi mo pa nakita?" Tanong ni Rebecca.
Umiling ako, bakit ganito ang tibok ng puso ko natatakot ako kung ano man yung pinag-uusapan nila.
"Is that a scandal?" Panghuhula ko at tumango siya.
"You wont believe it pero kuha talaga sa video." Tugon niya at inilabas yung cellphone niya. Then ipinakita yung video sa akin.
Halos mangantog yung mga binti ko sa nakita ko. Impossible. No, it cant be.
"Noong una hindi kami naniwala but look siya talaga yun. Sorry Jenniah kung ipinakita namin ito sayo alam namin na masasaktan ka lang pero mas maganda nang malaman mo." Saad niya.
Hindi na napigilan ng luha ko ang pagtulo nito. Pilit inaalis ng utak ko yung lalaki na nakita ko sa video, but no I need to accept it.
Xyan is in a bar, naka-upo at lasing kahalikan ang babae na hindi na ako nagulat dahil si Roseth yun. Parang bumabalik yung sakit na pinaranas ni Xandre sa akin. I cant believe it.
Patakbo akong umalis doon leaving them.
I cannot take this anymore its so painful. Mababaliw na ako, I may suffer frim depression kung mas lalala pa ito.
Ang halfday ko ay naging whole day. Umalis ako sa academy at pumunta sa park na paborito ko nang sumbungan ng sakit.
"Bakit ako nalang lagi? Masakit na please wag niyo nang dagdagan pa! Hindi ko na kaya. Mamamatay na ako. All I want is to leave a pieceful life gaya ng buhay ko noon. Please ibalik mo yung noon. Ayaw ko ngayon. Aaaaahhhhhhh!" Pagsigaw ko.
Umiyak ako ng umiyak para mailabas yung sakit sa kalooban ko.
Buti pa kung physical kang masusugatan mabilis malulunasan but in my case iba. Ito na ang pinakamalalang cancer ng puso emotionally.
Damn this love curse you!
Huminga ako ng malalalim. Pero mas malakas parin yung hila ng luha ko.
Last night nakasaksi ako ng isang pangyayari na sana ay hindi ko na masaksihan pa pero kinabukasan lang non isa nanaman at ang malala kilala ko yung dalawang lalaki doon.
Bakit ang bigat ng impact sa akin? Hindi naman naging kami? But why? Ganoon na ba ako napamahal sa kanilang dalawa.
Shit this heart. Lagi nalang akong inilalagay sa isang sitwasyon na ako lang ang masasaktan sa huli. Is that fair?
Just say that this is only an obstacle. If I can love the wrong person that much, imagine how much I can love the right one.
Hindi ko pa siguro nakikilala yung taong para sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/200321507-288-k896095.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Love Over Matters [Completed]
Romansa✓COMPLETED✓ Si Jenniah Dumlao ay isang pangkaraniwang babae na na may di pangkaraniwang pag-ibig. Na siya ring magiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan at sisira sa pangkaraniwang pamumuhay niya. She always took the other way to solve her problem...