This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, and events are purely pigments of the slothful scribbler's imagination, unless otherwise stated. Any resemblance to actual persons– living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this story may be reproduced, transmitted, or distributed in any form or by any means, without the prior permission of the author.
Copyright © 𝑩𝒆𝒓𝒏𝒂𝒅𝒆𝒕𝒉, 2019
❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀
This story contains adult language and sexually explicit scenes that are not suitable for readers below 18 years old & for readers who have sensitive minds.
✧༝┉┉┉┉┉˚*❋ ❋ ❋*˚┉┉┉┉┉༝✧
All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more...
✧༝┉┉┉┉┉˚*❋ ❋ ❋*˚┉┉┉┉┉༝✧
UNANG KABANATA
Maalinsangan ang panahon, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya-kanyang aktibidad mayroon ang bawat isa sa may looban. Kahit walang saplot sa paa ang karamihan, patuloy ang paghahabulan ng mga bata sa maliit na espasyo. Napupuno rin ng ingay ang isang banda dahil sa mga matatanda at may mga asawang nag bi-bingo. May mga gusgusing batang walang saplot ang naglalaro sa maputik na parte ng looban na pinagbubuhusan ng maduming tubig na ginamit sa paglalaba ni Aling Carmen. Kaagaw-agaw pansin din ang mag-asawang Mangotoc dahil wala na 'atang araw na hindi tumigil sa pagbabangayan ang dalawa. Kahit wala pang sinaing para sa tanghalian, may mga ina pa ring tinatapos muna ang tsismisan bago bigyang pansin ang anak na kanina pang tumatangis dahil sa kumakalam na sikmura.
Magulo't maingay— iyan na 'ata ang dalawang salitang swak na swak kung ilalarawan mo ang lugar. Buhay 24/7 ang looban. Kahit hatinggabi ay hindi nawawalan ng tao sa labas. Tuloy Ang bingo-han, ang inuman nila Celso sa tapat ng tindahan ni Aling Nena, ang mga batang naglalaro, at ang mga sabi-sabing palitan ng droga ng mga tambay at pang-a-akyat bahay ng grupo nila Timo tuwing hatinggabi.
Lumalakas ang hiyawan sa bingo-han. Maya-maya'y inalog na ng nagsasalita ang hugis boteng pinaglalagyan ng mga numero. Bawat isa'y natahimik, tila naghihintay at nagdadasal na sana'y swerte ang card na nakuha nila. May iba namang nananalangin upang may pambili ng bigas at ulam mamayang gabi.
"Sa Letter G, cuarenta y siete!"
Inalog ulit ang bote ng mga numero.
"Sa Letter B, onse!"
Muling inalog ang bote.
"Sa letter I, bente uno!"
BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...