"Hi," nakangising bati sa akin ng baliw na lalaki at kumaway.
"A-anong ginagawa mo dyan? At pa-paano ka nakapasok?!" nanlalaki ang mga matang bulalas ko at mabilis na napatayo.
"Magic," sagot naman niya habang tinataas-baba ang dalawang kilay at ginalaw-galaw pa ang mga kamay.
"Bwisit!" singhal ko sa sobrang inis at tinalikuran na siya.
"Gusto mo ba talagang sumaya?" tanong niya dahilan para mapahinto ako bigla sa paglalakad at mabilis na napalingon sa kanya.
"Na-narinig mo yun?" hindi makapaniwala kong tanong.
Tumango-tango siya.
"La-lahat?" tanong ko ulit.
Tumango naman siya nang tatlong beses.
"Bwisit," bulalas ko na lang.
"So 3 years," nagcross-arms siya at sumandal sa pader. "Sa pagkakaalam ko, kahit saan pa man pumunta ang isang tao, sasaya at sasaya pa rin siya kahit sa simpleng bagay lang. Ang hirap ba talaga nung maramdaman para sa 'yo? To the point na inabot ka na ng 3 years sa paghahanap ng lugar na magpapasaya sa 'yo?"
Napasinghal ako.
"Hindi mo ako kilala," blangko kong sagot. "Hindi mo alam kung sino ako at kung ano ang dahilan kung bakit hindi ako sumasaya kahit saan pa man ako magpunta."
"Ano nga bang dahilan mo?" tanong niya pa. "Miserable ba ang pamilya mo? Wala ka bang kaibigan? Brokenhearted ka ba? Kung ano pa man yang dahilan mo, hindi hadlang yan para sumaya ka. May mga kilala nga akong may malalang sakit pero nakakangiti pa rin at nakakatawa."
Napacross-arms din ako. "Ang dali lang para sa 'to na sabihin yan kasi wala ka sa posisyon ko."
"Pwes kung ganun, hayaan mo akong tulungan ka," kibit-balikat niyang saad.
"Tulungan?" kumunot ang noo ko at napailing. "Hindi ko kailangan ng tulong mo at ng kahit na sino."
"Sa 'yo na mismo nanggaling. 3 years ka nang pagala-gala at umaasang sasaya pero hanggang ngayon, wala pa rin. Hanggang kailan ka ba aasa?" tanong niya pa kaya napapikit ako ng mariin kasi kahit na nakakainis mang aminin, may point naman kahit papaano ang bwisit.
"Just mind your own business," walang kaemo-emosyon kong sambit.
"Paano kung hindi pala lugar yung dapat mong hanapin para magpasaya sa 'yo? Paano kung tao pala?" saad niya.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.