Kanina pa ako nabuhay pero nanatili pa rin akong nakahiga sa kama habang yakap-yakap ang unan. Ramdam na ramdam ko ang lamig sa buo kong katawan pero binalewala ko na lang yun.
"Pamangkin?!" Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang nag-aalalang boses ni Auntie. Natataranta niyang sinilip ang mukha ko at napahinga ng maluwag nang makita akong nakadilat ang mga mata.
"Tinakot mo akong bata ka! Akala ko hindi ka pa rin nagigising eh!" sabi niya at umupo sa tapat ko. "Bakit hindi ka pa rin bumabangon, Pamangkin? Masama ba ang pakiramdam mo?"
I shook my head. "Wala lang po akong ganang gumala ngayon."
"Himala. Sa tatlong taon mo dito, ngayon ko lang narinig na wala kang gana," bulalas ni Auntie at tumayo na. "O siya, nasa baba na yung dinner mo, okay? Tawagin mo na lang ako kapag gusto mong dalhin ko yun sa 'yo dito."
Lumabas na rin si Auntie sa kwarto ko. Dahan-dahan naman akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Tinagilid ko ang ulo ko at tumambad sa akin yung kulay peach na teddy bear na nakuha ko mula sa Claw Machine noon.
Bigla namang pumasok sa isip ko yung itsura ng baliw na lalaki na yun.
"Ayoko nang magpakita sa 'yo." Wala sa sarili kong bulalas habang nakatitig sa teddy bear. "Natatakot ako na baka may masabi na naman ako tungkol sa buhay ko at malaman mo na ang sikreto ko. Ayokong matakot ka sa akin. Ayokong kaawaan mo ako."
"Sige. Kitakits bukas."
Natigilan naman ako nang maalala yung sinabi niya kagabi. Pero inaasahan niyang pupuntahan ko siya ngayon at isasama sa lakad ko. Na-imagine ko naman siya na nakatayo lang sa tapat ng Convenience store at hinihintay ako.
"Ah, erase, erase, erase," umiling-iling agad ako sabay sapo sa noo ko.
Napatingin ako sa mga orasan na nakapalibot sa akin at hindi ko alam pero biglang bumigat ang loob ko nang makitang 9:30pm na.
"Ah bahala na nga!" bulalas ko at mabilis na tumakbo sa banyo.
****
"Auntie, aalis na po ako!" sigaw ko habang patakbong naglakad pababa ng hagdanan. Dahil sa sobrang pagmamadali, hindi na ako nakapagsuot ng hoodie o jacket man lang. Plain black shirt na over-sized, white jeans at itim na converse shoes lang ang suot-suot ko ngayon habang sukbit pa rin ang mustard kong backpack na cellphone at wallet lang naman ang laman.
"Huh? Akala ko ba wala kang ganang gumala ngayon?" nagtataka niyang tanong nang makasalubong ko siya sa gitna ng living room at may hawak-hawak na mug ng gatas. Siguro para kay Lucian.
"Nagkaroon na po ulit ako ng gana. Sige po! Babye po!" mabilis kong pamamaalam at kumaripas ng takbo papunta sa garahe. Habang pinapatakbo ang scooter, paunti-unti na ring gumaan ang kalooban ko.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.