"Naintindihan mo ba talaga ng lahat ng sinabi ko?"
Dahan-dahang napa-angat ng tingin si Ravi at pinakitaan ako ng inosenteng ngiti. Mabilis kong pinukpok sa ulo niya ang hawak kong ballpen.
"Aray naman, Asul!" Malakas niyang daing.
"Alam mo ba kung gaano kahirap 'yung salita ka nang salita tapos wala naman palang nakikinig sa 'yo?!" Bulyaw ko at akmang pupukpokin pa sana siya ulit pero mabilis siyang lumayo sa akin sabay takip sa ulo niya.
"So-sorry na, Asul! Nakaka-distract lang kasi 'tong mga pagkain eh!" Pagdadahilan niya sabay turo pa sa shelf ng Convenience store. Pinilit niya kasi akong pumunta rito dahil naubos daw ang energy niya sa pagre-review.
Mas lalong umusok ang ilong ko sa inis. "At talagang sinisi mo pa sa pagkain, ah?!"
"Oo na! Sorry na! Makikinig na talaga ako sa 'yo! Promise! Cross my heart! Mamatay man 'yung bida-bida at sipsip sa classroom namin!" Natatawa niyang sambit 'saka nag-drawing ng imaginary cross sa dibdib niya gamit ang daliri.
"Pumatay ka pa ng inosenteng tao." Napairap ako.
"Sorry na ho." Ngumuso naman siya at pinagdikit ang dalawang palad.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napahilot sa sentido. "Pwede bang magseryoso ka naman kahit ngayon lang? Dalawang gabi na lang bago 'yung exam niyo pero hanggang ngayon, puro kabaliwan pa rin ang laman ng utak mo."
"Wah grabe! Meron din namang ibang laman 'to!" Depensa niya habang tinuro-turo ang ulo.
"Ano?" Nababagot kong tanong.
Bahagya niyang tinagilid ang ulo niya para ipantay sa mukha ko saka ngumiti, 'yung totoo talaga niyang ngiti na sobrang gandang tingnan dahilan para maramdaman ko ang pagsikip ng puso ko.
"A-ano?" Hindi ko alam kung bakit nabulol ako sa pagsasalita at parang tangang napaiwas ng tingin.
Bumaba ang tingin niya sa lips ko. "Kisses," sabi niya.
"H-ha?!" Bulalas ko. Gulat na gulat.
"Ayon oh." Ngumuso siya sa may likuran ko kaya dahan-dahan ko 'tong tiningnan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang tinutukoy niya. Kisses nga. Kisses na chocolate.
"Excuse lang." Sinenyasan niya pa akong tumabi dahil nahaharangan ko 'yung mga chocolates.
Mabilis akong umalis sa tapat ng shelf at sinapo ang left chest ko. Wala na nga ako sa harapan niya pero hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Sinubukan kong mag-inhale exhale pero walang epekto.
Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman siguro ako mamatay bigla, 'di ba?
"Ayos ka lang ba, Asul?"
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.