5 : We meet again

92 7 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napamulat ako at agad na napatingin sa paligid. 'Yong mga paper cranes at iba't ibang uri ng orasan pa rin naman ang tumambad sa akin pero parang may nag-iba. Parang may nagbago.

Bumangon ako at napahawak sa dibdib ko.

Hindi tulad noon, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nawala na yung bigat.

Dahil ba 'to sa-

Napatingin naman ako sa side table kung saan nakapatong ang kulay peach na teddy bear. Agad ko 'tong kinuha at hinimas-himas ang dark pink nitong ribbon na nakasabit sa leeg.

Dahil ba 'to sa nangyari nung isang gabi? Dahil ba 'to sa baliw na lalaking yun?

Syempre, oo. Wala namang ibang dahilan eh.

Bahagya kong tinaas sa ere ang teddy bear. Ang rude ko pa talaga dahil minaliit ko yung baliw na lalaking yun nung una. Yun pala, siya ang magpapasaya sa akin sa loob ng ilang taon. Nagawa ko ngang ngumiti at tumawa nang walang inaalalang problema, nang hindi mabigat yung kalooban ko.

Who would have thought that a crazy guy like him--

"Blue?"

Agad kong naibaba ang hawak kong teddy bear nang bumukas ang pinto at sumulpot ang ulo ni Auntie.

"Oh, Auntie," pagbati ko.

"Good evening, my dearest Pamangkin. Manonood kami ni Lucian ngayon ng Frozen 2. Gusto mo bang sumama sa amin?" tanong niya.

"Uhh, sige po." Ngumiti ako saka tumango.

"Hala!" sigaw naman bigla ni Auntie kaya bahagya akong nagitla sa sobrang gulat. "Ano yun? Bakit parang may kakaiba dun sa ngiti mo? Namamalik-mata lang ba ako o talagang may buhay yung ngiti mo?!"

Napaiwas naman ako ng tingin at mabilis na bumangon sa kama. "Hindi ko po alam ang pinagsasabi niyo," pagmaang-maangan ko naman.

Magpo-protesta pa sana si Auntie pero umalingawngaw na ang malakas na boses ni Lucian mula sa first floor ng bahay. "Mommy! Ate Blue! Alis na tayo! Baka magstart na yung movie!"

"Hay! O siya, magbabad ka na dun! Bilisan mo ah!" sabi na lang ni Auntie at lumabas na rin ng kwarto ko dahilan para mapahinga ako ng maluwag.

Pumasok naman na ako sa banyo para tanggalin ang lamig sa buo kong katawan sa pamamagitan ng pagbabad sa mainit-init na tubig sa bathtub pero napahinto muna ako at napatitig sa salamin.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon