42 : Bleed

27 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Five days bago ang Christmas, dumating ang asawa ni Auntie na si Uncle Sam galing Dubai. Do'n kasi siya nagta-trabaho bilang engineer. Every holiday break lang talaga siya nakakauwi. Kahit na minsan lang siya kung umuwi kagaya nina Mom at Dad, close pa rin kami. Sila kasi ni Auntie ang tumayong magulang ko.

"Para sa 'yo, Blue." Inabot sa akin ni Uncle ang isang napakalaking kahon.

Pagbukas ko no'n, tumambad agad sa akin ang dalawang pair ng converse shoes at hoodies. As expected. Bukod kasi kay Auntie, alam din niya ang paborito kong outfit sa tuwing gumagala ako. Siya nga rin ang nag-suggest na ibigay ang scooter sa akin, e.

"Thank you, Uncle." Ngumiti ako at sinara na ulit ang kahon.

"Woah!" Napatigil naman kami nina Auntie nang biglang napasigaw si Uncle. "Ma-marunong ka nang ngumiti, Blue?" tanong pa niya habang gulat na gulat na nakatingin sa akin.

Natawa kami ni Auntie sa kanya na mas lalo pa niyang ikinagulat.

"Ma-marunong ka na ring tumawa ngayon?!" Dagdag pa ni Uncle.

"Honey, 'di ba nga, naikwento ko na sa 'yo noon na may malaking pagbabagong naganap kay Pamangkin?" Natatawang sambit ni Auntie at tinulungan na si Lucian sa pagbubukas ng mga kahon.

"Oo pero nakakagulat pa rin lalo na kapag nakita mo mismo nang harapan ang pagbabagong 'yon." Napailing si Uncle saka nag-lean forward papalapit sa akin at ngumiti. "'Yun bang lalaking palaging may bandana ang dahilan nyan? Ano nga bang pangalan no'n?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at lumingon kay Auntie. "Pati rin po 'yon naikwento niyo?"

"Ravi." Hindi naman ako pinansin ni Auntie at nagawa pang sumagot kay Uncle.

Malakas na tumawa si Uncle at pinat ang ulo ko. "Hindi lang ang Auntie mo ang nagki-kwento sa akin. Pati na rin si Lucian. Bukambibig nga nila palagi ang lalaking 'yon pero gusto kong malaman mula sa 'yo kung anong klaseng tao ba siya."

"Uh," binaba ko ang kahon sa sahig at nag-isip ng mga tamang salita. "Si Ravi po? Masyado pong makulit ang lalaking 'yon. Masyadong maingay. Masyadong madaldal, hindi nauubusan ng kwento. Masyado ring mapilit. Baliw pa."

"Talaga?" Uncle chuckled.

"Pero..." Napangiti ako at niyakap ang throw pillow. "Kahit na mukhang siraulo 'yon, sobrang laki po ng pasasalamat ko na nakilala ko siya."

"Boyfriend mo na ba siya?" tanong ni Uncle kaya naglaho agad ang ngiti ko at napalingon muli sa kanya.

"Hindi ho!" sagot ko saka umiling. "Ilang beses ko na 'tong sinabi kina Auntie at Lucian, friends lang nga po kami."

"But you like him, right?" Natigilan ako sa naging tanong ni Uncle at napalunok.

"No, Uncle." Umiling ako. "I don't."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon